Chapter 8

22.5K 762 74
                                    


Chapter 8

WALA nang ibang narinig si Joey mula kay Luis kung hindi ang pagrereklamo nito. Magsimula nang tumuntong ang mga paa nila sa maputik na sahig ng palengke, puro mura at pagrereklamo na lang ang lumabas sa bibig nito.

Magtatatlong linggo na siyang nagtatrabaho bilang bodyguard nito ngunit hanggang sa mga oras na 'yon ay wala pa ata silang napagkasunduan. Lahat na lang ay pinagtatalunan nila.

"Kapag ako nainis sa'yo, Bossing. Tatahiin ko ang bibig mo! Ang arte mo!" Pabulong ngunit madiin na usal niya.

"Bakit kasi isinama-sama mo pa ako dito. Akala ko ba hindi tayo pwedeng maglalabas?" Naiiritang tanong nito sa kanya. Gusot ang mukha nito.

Sinabi kasi niya dito na hindi muna sila pwedeng maglalabas dahil nag-umpisa na namang magpadala ng death threats ang mga kaaway nito. Hinahanap pa ng mga tauhan ni Arthur ang mga pinagmumulan ng mga sulat. Paminsan-minsan ay palihim na tumutulong siya kapag tulog na si Luis. Tinatakasan niya ito at kinukulong sa penthouse nito. Ngunit sinisigurado naman niyang safe parin ito.

"Kaya nga sa palengke tayo nagpunta, diba? Kasi walang mag-iisip na ang Bilyonaryong si Marco Luis Sy ay nasa palengkeng ito."

"I'm not a Billionaire!"

"Weh? Maniwala ako sa'yo. Tagapagmana ka nga nang lahat ng ari-arian ng pamilya mo."

"I quit, remember? Tsaka huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Nakakairita! Let's just finish this. I can't stand the fucking smell!"

"Arte mo, Bossing! Malamang nasa isdaan tayo, malansa talaga! Tara na nga!"

Nagpatuloy na sila sa pamimili ng mga stocks nila. Dinamihan na niya ang mga pinamili dahil nasisiguro niya na hindi papayag si Luis na bumalik pa sa palengkeng iyon.

"Bossing, kumakain ka ba ng ganito?" Tinuro niya ang mga Tilapia.

"No—"

"Ah, basta. Kakainin mo lahat ng iluluto ko." Putol niya sa sagot nito.

"Nagtanong ka pa." Sarkastikong sagot ni Luis. Nginisian niya lang ito at nagkilo na ng Tilapia. Pumili na din siya ng iba't-ibang isda.

"Pera, Bossing?" Inilahad niya ang kamay. Agad namang iniwas ni Luis ang katawan dahil sa basang kamay niya.

"Arte." Bulong niya.

"In my pocket." Ininguso pa nito ang bulsa. 

"Malansa ang kamay ko."

"Maghugas ka. I can't just put these down. Ang dumi ng sahig." Itinaas nito ang mga plastic na dala.

Nakihugas siya ng kamay sa tindera pagkatapos ay ipinasok ang kamay sa bulsa ng shorts na suot nito.

"Fuck! Basa pa ang kamay mo!" Reklamo ni Luis. Inirapan niya lang ito at kinuha na ang wallet nito.

Nang makapagbayad ay isinauli niya ang wallet nito ngunit hindi nito tinanggap.

"Ikaw na humawak." Sagot nito at nauna nang maglakad sa kanya.

"Need help, Bossing?" Tanong niya kay Luis dahil bitbit lahat nito ang mga pinamili nila.

Hindi siya pinansin ni Luis at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

"Hey, Bossing, bibili pa tayong prutas at gulay."

"What the! Hindi pa tapos?" Mababakas ang inis sa mukha ni Luis.

"Wala pang gulay." Nakalabing sagot niya. Agad naman umayos ang mukha ni Luis at napabuntong-hininga na lamang.

His Bodyguard (Slow Update)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ