Chapter 17

19.5K 560 63
                                    

"Dinner?" NAPATAAS ang kilay ni Joey nang mabasa ang text ni Luis sa kanya.

"Sure. Text me the details," she replied. Nang ma-send na ang text ay muli niyang ibinalik ang tingin sa monitor.

Ka-videocall niya ang kaibigan na kasamahan din sa Universal Panorama. Ibinalita sa kanya ni Aaliyah ang pagbabakasyon nito sa Pilipinas na ipinagtataka niya. Of all places na pwede nitong pagbakasyonan, sa Pilipinas pa.

Aaliyah hates the Philippines. Kahit pa may dugong Pinoy ito ay halos isumpa nito ang Pilipinas dahil sa masamang karanasan nito sa bansa. Idagdag pang kasalukuyang nasa bansa din si Bronx, ang mortal nitong kaaway.

Iba ang kutob niya sa pagdating ng kaibigan. Dahil nasisiguro niya na hindi makakatagal si Aaliyah sa Pilipinas kung wala itong importanteng gagawin. Ang hinuha niya ay may iniutos dito ang mga nakatataas. At iyon ang gusto niyang malaman.

Dahil sa mga oras na 'yon, natitiyak niyang hindi magiging madali kung sakali mang pabalikin na siya ng UP sa base.

"Hey!" Mula sa monitor ay nakita niyang pinanlalakihan na siya ng mata ni Aaliyah.

"What?," tanong niya at idinikit ang katawan sa likod ng swivel chair.

"Don't what-what me. I'll stay in your house. You got it back from Luis, right?"

"No way!" Mariing tutol niya. She can't let her stay in her house! Lalo pa't halos doon na lang naglalagi si Luis. Bago ito pumasok sa opisina ay dadaanan siya nito. Sa t'wing lunch break nito ay sa kanya ito umuuwi at pagkatapos nitong magtrabaho hanggang hating-gabi ay nasa kanya ito.

"Why?" Nakabusangot na tanong ni Aliyaah. "Don't you missed me?"

"Good Lord! Huwag mo nga akong dramahan, okay?! Ang yaman-yaman mo, mag-hotel ka! O kaya naman bumili ka ng bahay mo dito. Psh. Hindi mo naman madadala sa hukay ang mga pera mo!"

"Sama mo." Halos mapalipit ang dila na usal nito. Kahit na sa Pilipinas ito ipinanganak, hirap na hirap ito sa pagsasalita ng tagalog. Siya lang ang nagturo ng tagalog dito na ayaw pa nitong pag-aralan noon.

"Argh! Bahala na. Just take care and have a safe trip. Bye!" Mabilis na paalam niya at agad na pinatay ang connection nila.

Tinext niya si Arthur at tinanong ito kung may alam ba ito sa pagdating ni Aaliyah. She waited for Arthur's reply pero mukhang abala ito kaya binasa na lamang niya ang reply ni Luis sa kanya.

'7pm, Le *****'

Nanlaki ang mga mata niya. Isa iyong fine dining restaurant at alam niyang pahirapan ang reservation doon.

"Shit!" Naiusal niya at napakagat sa sariling labi. That means she needs to wear something formal, something nice and something that she is not. The fuck!

Ipinikit niya ang mga mata at nag-isip kung may babagay ba sa restaurant na 'yon sa mga damit na mayroon siya.

"Fuck! What to do?! 'Tangina!" Nagpalakad-lakad siya sa loob ng control room at iniisip kung saan siya kukuha ng damit na isusuot.

Natigil lang siya sa paglalakad nang mag-beep ang phone niya at mag-pop ang text message ni Luis.

'I bought you a dress, but I know you don't like wearing one. So, just wear your style, Babe. I love you just the way are.'

Napahawak na lamang siya sa magkabiling pisngi at nangingiting naglakad patungo sa kwarto. Kahit anong pagmamatigas niya ay kayang-kaya talaga ni Luis na palambutin siya.

Hindi pa rin siya makapaniwala na napapakilig siya ni Luis kahit sa mga simpleng hirit lang nito.

Agad na binuksan niya ang closet  at nakita nga niya ang isang paperbag at isang itim na kahon na may tatak ng isang sikat na brand ng sapatos. Binuksan niya ang may kalakihang paperbag at sunalubong sa kanya ang ni isang off-shoulder long black dress.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now