Chapter 14

17.6K 544 32
                                    


ITINIGIL ni Joey ang pagtutupi ng mga damit nila Luis dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya.

Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo sa may hamba ng kusina si Luis at tila wala sa sarili na nakatitig sa kanya.

"Hoy! Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Baka gusto mo akong tulungan?" Tila nagulat naman si Luis sa pagsigaw niya kaya bumalik ito sa tamang huwisyo. Umiiling na lumapit ito sa kanya.

"Problema mo?" Tanong niya nang makaupo na ito sa tabi niya. "Sino 'yung tumawag?" Ininguso pa niya ang cellphone nito na kakapatong lang sa lamesa.

"Si Princess lang." Sagot nito.

"Si Princess lang pero kailangan mo pang lumayo? Ganoon ba ka-confidential ang pinag-usapan niyo? Psh!" Padabog na ipinagpatuloy niya ang pagtutupi ng mga damit.

"Selos ka?" Nakangising tanong ni Luis.

"Why should I? Gago!" Inis na bulyaw niya. Nagulat na lamang siya nang biglang dumukwang si Luis at halikan siya sa mga labi.

Bago pa siya makakilos para sapakin ito ay agad na nakabalik na ito sa pwesto.

"Bawal kang magmura, 'di ba?"

"Argh! Itupi mo na 'yang mga briefs at boxers mo!" Naiinis na bulyaw niya.

"Ayoko nga. Itong mga panty mo ang gusto kong itupi." Anito.

Bago pa niya mahablot ang mga panties ay agad na nailayo na nito ang mga 'yon.

"Ibigay mo sa'kin 'yan!"

"Ayaw."

"Isa!"

"Dalawa."

"Para kang bata, Marco Luis!"

"Baby pa naman ako. Padede nga."

"Manyak ka talaga! Siraulo!" Naiinis na hinayaan na lamang niya ito.

Nang matapos siya sa ginagawa, iniakyat na niya ang mga iyon at isinalansan sa mga closet.

Pagbalik niya sa sala ay hindi pa rin tapos si Luis sa pagtutupi ng mga boxers nito.

Iilang piraso lang ang mga iyon at mukhang dinadasalan pa nito isa-isa kaya hindi ito matapos-tapos.

"Akin na nga ang mga 'yan!" Hinablot niya kay Luis ang mga boxers nito at siya na ang nagtupi. Ilang minuto lang ay natapos siya.

"Ako na din maglalagay sa damitan mo, nakakahiya naman sa'yo."

"Thanks, babe." Nakangising pagpapasalamat nito. Nagdadabog na tinungo niya ang hagdanan

Nang nasa gitna na siya ng hagdan, narinig niya ang pag-a-I love you nito sa kanya.

Naiiling na napangiti na lamang siya. Gago talaga ito. Pagkatapos siyang inisin ay pinapakilig naman siya nito.

NAPAPANSIN ni Joey na hindi mapakali si Luis. Nanonood sila ng tv at hindi siya makapag-concentrate sa palabas dahil sa paglilikot nito. Nakasandal kasi siya dito kaya konting galaw lang nito ay nararamdam niya.

"What is it?" Hindi nakatiis na tanong niya.

"Huh?"

"Kanina ka pa hindi mapakali diyan."

"'Di ba tumawag si Princess?"

"Oh? Tapos?"

"She informed me about the event na inorganized ng sinusuportahan kong foundation."

"Ahhh. Oh, anong problema? Hmm?"

"May benefit concert kasi, pwede mo ba akong samahan?" Tila nanantiyang tanong nito.

His Bodyguard (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon