Chapter 13

19.8K 594 42
                                    


"I'm sorry, I can't"

Parang sinasaksak ng libo-libong patalim ang puso ni Joey nang maramdaman ang mas lalong paghigpit nang pagkakayakap ni Luis sa mga binti niya. At kasabay nang pagyugyog ng balikat ni Luis ay pag-agos nang masaganang luha niya.

Alam niyang nasasaktan niya si Luis, but it hurts her even more. Dahil aminin man niya o hindi, alam niya na unti-unti na din niyang minamahal si Luis. Hindi niya alam kung paano nangyari, hindi niya alam kung paano at kung kailan nagsimula. Basta ang alam niya, nagawa na nitong bumuo ng sariling tahanan sa puso niya.

Hindi niya ito papatulan sa mga kalokohan nito kung wala lang ito sa kanya. Hindi niya sasabayan ang trip nito kung wala siyang pakielam sa nararamdaman nito. Hindi pa lang talaga iyon ang tamang panahon para sa kanila. Wrong timing.

Everything about them is wrong timing.

Sana ay hindi na muna niya ito nakilala. Sana nagtagpo na lamang ang mga landas nila kapag buo na ulit ang pagkatao niya.

If only she could turn back the time. But of course, kahit anong gawin niya, hinding-hindi na niya mababago ang nakalipas na. Hindi na niya pwedeng baguhin ang mga nangyari na.

"Luis..." Pilit niyang binabaklas ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit sadyang mahigpit iyon. Konting-konti na lang ay mawawalan na siya ng balanse sa pagkakatayo. "Bossing... listen to me, please?" Sinubukan niyang i-angat ang mukha nito ngunit paulit-ulit na umiling lang ito.

"Wa-Why? Bakit hindi ka pwedeng mag-stay sa tabi ko?"

"Dahil natatakot ako! Natatakot ako na baka hindi mo matanggap ang nakaraan ko." Umiiyak na pag-amin niya.

"I-If I stay... If I stay here with you... would you accept my past? K-Kapag hindi na ako yung Abigail na kilala mo... kapag hindi na ako yung Abigail na malakas, mamahalin mo pa rin ba ako?"

Unti-unting nag-angat ng mukha si Luis. Nagtagpo ang mga mata nilang parehong hilam sa mga luha.

"W-What do you mean?" nagtatakang tanong nito pero hindi maikakala ang kislap ng pag-asa sa mga mata nito.

"I have a fucked up life, Luis. There are things in my past that keeps on haunting me. Yes, they made me stronger but at some point, they become my weakness, too. Hindi ako kasing lakas katulad ng iniisip mo. May mga sugat ako mula sa kahapon na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom. Ang Abigail na nakilala mo, yung malakas, yung laging nakasigaw sa'yo, isang bahagi lang ng pagkatao ko 'yon. Hindi mo pa nakikilala si A-Abi... Si Abi na mahina. Si Abi na umiiyak sa gabi kapag mag-isa na lang. Si Abi na paulit-ulit dinadalaw nang masamang kahapon. Si Abi na..."

"Sa tingin mo ba, ganoon lang kababaw ang pagmamahal ko sa'yo? Na hindi na kita mamahalin kapag nalaman ko ang mga kahinaan mo? Sa palagay mo ba ang pagiging malakas mo lang ang minahal ko sa'yo? Nobody's perfect, Abigail. Alam ko na may kahinaan ka. Alam ko na may mga secrets ka. Marami pa akong hindi alam sa'yo and it might break my heart kapag isa-isa ko ng nadidiskubre ang iba pang bahagi ng pagkatao mo. But it won't stop me from loving you."

"No, nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka pang alam."

"I know everything, Abigail. Alam ko kung ano ang nangyari sa'yo fifteen years ago. "

Nanlaki ang mga mata niya. Naramdaman niya ang panginginig ng kalamnan. "P-Paanong...." Nangatal ang bibig niya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya dahil sa biglaang pagkabog nang mabilis ng kanyang dibdib.

"Alam ko ang mga nangyari sa'yo fifteen years ago. Pero sa kabila ng mga nalaman ko, wala ni katiting ang nabawas sa pagmamahal ko sa'yo. Bagkus ay mas lalo kitang minahal. Mas lalo kitang hinangaan. Mas lalong tumaas ang tingin ko sa'yo. Alam mo bang nakakapanliit ka? You have everything that can torn a man's ego."

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now