Chapter 23

16.9K 596 107
                                    


AN: HETO PA LANG ANG TUNAY NA CHAPTER 23. 😂✌✌✌


NAMUMUO ang pawis sa noo ni Luis dahil sa pinaghalong init ng panahon, poor ventilation, excitement at iba't ibang emotion.

Pabalik-balik din siya sa pagkakaupo at paglalakad-lakad habang naghihintay sa waiting area ng NAIA.

His baby is coming home at siya ang susundo dito.

Hindi maipaliwanag ni Luis ang nararamdaman. He's waiting for that very day to happen. And now, here he is, waiting for the arrival door to open for his Abigail.

Sa t'wing bubukas ang pintuan ay halos magkandahaba ang leeg niya at parang nagsu-super zoom ang mga mata niya sa pagtingin kung sina Joey na ba ang palabas.

Ilang minuto pa ay muling bumukas ang arrival door at iniluwa niyon si Arthur kasunod nito ay ang babaeng pinakahihintay niya.

Joey Abigail, in her most precious smile, is walking towards him. Suddenly, the people around them were all blurry. Tanging ang babae na lamang ang nakikita ng mga mata niya. Maging ang ingay sa paligid ay hindi na niya marinig dahil mas malakas pa ang kalabog ng kanyang dibdib keysa ingay ng mga tao.

Gusto na ni Luis na tumakbo palapit kay Joey ngunit tila napako ang mga paa niya sa sahig at hindi niya maigalaw ang mga 'yon.

Dammit! Ilang dipa na lang ang layo ni Joey sa kanya pero pakiramdam niya ay malayong-malayo pa ito. He tried moving his feet again, pero wala pa rin.

What's happening?

Joey stopped walking. Oh, c'mon! Come here, baby. Why did you stop?

Yumuko ito at sinapo ang sariling dibdib. Luis started hearing the noise again. Maging ang kaninang blurred na paligid ay malinaw na ulit niyang nakikita. Hindi lang iilang putok ng baril ang narinig niya. Nilinga-linga niya ang palingid. Everyone's shouting in horror.

Mabilis na ibinalik niya ang tingin kay Joey. His eyes widen in fear nang makita ang sitwasyon nito. Multiple gunshot in her body, ang kaninang puting t-shirt na suot nito ay pula na ngayon dahil sa sariling dugo.

Muling tumigil ang mundo ni Luis. Naging itim ang paligid at tanging ang katawan na lamang ni Joey ang nakikita niya. Nakatayo pa ito, ngunit wala ng buhay ang mga mata na nakatingin sa kanya. Umubo ito at sunud-sunod ang paglabas ng dugo mula sa bibig nito but Joey still managed to smile at him. Kasunod niyon ay ang unti-unting pagbagsak ng katawan nito.

"Abigail!" nagawa niyang isigaw ngunit pakiramdam niya ay walang boses na lumalabas sa bibig niya.

"No, no, no! Abigail, baby..." nanghihina ang mga tuhod niya. Labis ang takot na nararamdam but he still tried to move para makalapit kay Joey.

Nang maigalaw na ang mga paa ay mabilis na tinakbo niya ang pagitan nila ni Joey. "Abigail! B-Baby..." hindi niya alam kung paano ito hahawakan.

Blood all over Joey's body. Hindi na niya alam kung saan ang mga tama nito.

"God! W-Why..." takot na takot ang pakiramdam ni Luis. Sinubukan niyang humingi ng tulong pero wala siyang makitang tao.

"L-Luis..." si Joey habang pilit inaabot ang kamay niya.

Nanginginig na inabot niya iyon at marahang pinisil. "Babe... Please, hold on. D-Don't leave me. Please! Please!" pakiusap niya dito.

"S-Sorry..."

"No! P-Please, Baby... hold on... for me, please?"

Marahang umiling si Joey kaya halos mamatay na siya sa sakit.

"You know I can't lose you, right? H-Hindi ko kaya, Babe, please."

"I-I'm s-so-sorry, B-Babe... Ma-Mahal n-na m-mahal k-kita... L-Luis," nahihirapang usal nito.

"B-Babe, please! Please! Hold on! Damn it! Nasaan ba ang mga medics!" Naghihisteryang sigaw niya.

"B-Be... h-happy... M-Mahal k-ko..." unti-unting pumikit ang mga mata ni Joey.

"Abigail, no! No, Baby, please!" mahinang tinapik niya ang pisngi nito ngunit hindi na ulit pa ito nagmulat ng mata.

At that very moment, he died a thousand deaths. His world collapsed right in front of his face, at damang-dama niya ang buo at mabigat na pagkakadagan nito sa kanya.



"ABIGAIL!" Hinihingal na napaupo si Luis mula sa kanyang pagkakahiga.  Nagmistula siyang nakipaghabulan dahil sa tagaktak ng pawis sa kanyang buong katawan, idagdag pa ang malakas na kabog sa kanyang dibdib.

"Fuck!" tanging naiusal niya nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Panaginip ngunit pakiramdam niya ay totoong-totoo iyon!

Mabigat ang loob na bumangon siya at nagtungo sa banyo. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa malaking salamin.

He's lost. The Marco Luis Sy he knew was lost. Hindi na siya ang dating Luis na naitatago ang nararamdam. Hindi na siya ang Luis na naiinda ang sakit. Ang Luis na binuo niya nang ilang taon ay nawalang parang bula. Suddenly, he's back to the ten-year-old Luis.

'Yung batang umiiyak tuwing gabi dahil takot sa dilim. 'Yung batang natatakot mag-isa. 'Yung batang takot na maiwanan.

"What have you done with yourself?" tanong niya sa sarili. Pakiramdam niya ay ubos na ubos na siya.

Paano niya nagagawang bumangon sa araw-araw kung sa bawat pagmulat ng mga mata niya ay pulos pangungulila ang nararamdam niya? Kung minsan ay naitatanong na lang niya sa sarili kung bakit buhay pa siya sa kabila nang lahat ng iyon.


Binuksan niya ang gripo, sumalop ng tubig at inihilamos sa mukha. Ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa mahimasmasan siya at bumalik sa dati ang pag-iisip.

It's not the right time to wallow in self-pity. Marami pa siyang kailangang gawin sa araw na 'yon. It will be a long day for him. Kailangan niyang maging malakas at matatag.

Muli niyang tinitigan ang sarili sa salamin at bahagyang tinanguan ang sarili. His way of telling his self 'it's okay'.

-


"Papi Wis! Papi Wis!" Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Luis nang salubungin siya ng mga pamangkin.

Sa sobrang abala ni Luis sa trabaho, muntikan na niyang makalimutan ang pangakong pagbisita sa kambal. Kung hindi pa tumawag sa kanya si Aya ay baka tuluyan na niyang nakalimutan iyon.

Nag-unahan ang kambal sa pagyakap sa kanya at hinihila ang damit niya para bumaba kapantay ng mga ito.

"Papi Wis, Kiss! Kiss!"

"Alright! Calm down, kiddos," natatawang usal niya at yumukod para maaabot ng mga ito ang pisngi niya.

Magkapanabay na humalik sa magkabilang pisngi niya ang kambal. Nang matapos ay dumeretso na si Sebastian sa kotse niya at patalon-talon na sumisilip sa bintana. Si Mandy naman ay naglalambing na naglambitin sa braso niya, asking for another kiss and hug.

Yumakap si Amanda sa magkabilang binti ni Luis at kung hindi siya nakapagbalanse ay siguradong matutumba silang pareho.

"You miss Papi that much, huh?" natatawang usal niya habang pinagbibigyan ang pamangkin.

"Papi, there's a lot of toys! I wanna see mine, please! Please!" Tumatalon sa tuwa na bulalas ni Sebastian.

Natambakan na siya ng mga wishlist ng mga ito dahil dumalang na ang pagbisita niya kaya kailangan niyang bumawi sa mga pamangkin.

"Alright, let's get them, buddy," aniya at binuksan ang pintuan ng backseat.

Kanya-kanyang kuha ang kambal sa mga paperbags na nandoon habang siya ay binuksan ang trunk para kunin pa ang ibang laruan.

"Whoa! There's more! Wow! Papi, you're the best!" Humahikgik si Mandy nang makita ang dalawang malaking kahon na ibinaba niya lalo na nang makita ang dollhouse na hiling nito sa kanya noong nakaraang buwan.

Binitawan ni Mandy ang mga paperbag na hawak at gusto nang kunin sa kanya ang dollhouse.

"It's heavy, Sweety. Let's get inside first, okay?" aniya at inutusan ang kasamabahay ng mga ito na tulungan siya sa pagpasok sa mga laruan.

Sunud-sunod ang pagtango nina Amanda at Sebastian. Patalon-talon pa ang dalawa na pumasok sa kabahayan.


"WOW! Ang dami niyan, Kuya!" Sinalubong si Luis ni Aya na hindi makapaniwalang nakatingin sa mga laruan na sabik buksan ng kambal. "I miss you, Kuya. Ang tagal mong hindi bumisita!"

Pagkatapos humalik sa pisngi niya ay mahigpit na niyakap siya ng kapatid. Hindi niya maiwasang mapangiti sa ginawa nito. "I love you, Kuya," usal ni Aya. "You know I'm just here, right?"

Lumapad lalo ang ngiti niya, "I know. I love you, too, kulit!"

Nakakapit sa braso niya si Aya habang nakangiti nilang pinapanood ang kambal na masayang naglalaro.

"Ang spoiler mo, Kuya. Parang ikaw si Kurt," basag ni Aya sa katahimikan sa pagitan nila.

Bahagya niyang sinulyapan ang kapatid. "I can't wait to see you with your own child, Kuya. I love the glow in your eyes whenever you're looking at them," ininguso nito ang kambal, "I'm sure, kapag ang anak mo na ang tinitignan mo, mas magiging maningning pa ang mga 'yan."

"Anak agad? Hindi pa pwedeng asawa muna?" pagbibiro niya pero mukhang hindi iyon bumenta sa kapatid.

"Siya pa rin ba, Kuya?" bahagya siyang natigilan sa tanong ni Aya.

"Syempre. Wala namang iba."

"Pero, Kuya, wala namang kasiguraduhan na babal--"

"Kahit na. Maghihintay pa rin ako," nakangiting putol niya sa sasabihin nito.

Aya sighed, "sana nga, Kuya, bumalik na siya, because I can't bear seeing you like that. Nasasaktan din ako kapag nasasaktan ka. Nalulungkot din ako kapag malungkot ka. I want you to be happy, Kuya, katulad nang sayang nararamdaman ko sa piling ni Kurt at ng mga anak namin."

"Ang sweet naman ng baby sister ko!" tanging naibulalas niya at muling ikinulong sa bisig ang kapatid.

Naputol ang yakapan nilang magkapatid nang mula sa palabas na 'Spongebob' ay naging 'breaking news' iyon.

Pareho silang natigilan ni Aya at napatingin sa telebisyon.
Balita iyon tungkol sa kasalukuyang giyera sa America.

Nagkatinginan silang magkapatid, pareho ang nasa isipan.

Agad na inutusan ni Aya ang mga kasambahay na dalhin sa kusina ang kambal. Siya naman ay tutok na tutok sa telebisyon.

Ipinapakita sa balita ang patuloy na giyera, mga pagsabog ng bomba at ang patuloy na palitan ng putok sa magkabilang panig.

"I-I tried calling Almira but I can't reached h-her. I have Tito Al's number, want me to call him, Kuya?"

"No need, Aya. It's okay," aniya habang tutok na tutok parin ang atensyon sa tv.

"Umabot na sa pitong daan ang naitalang patay sa gyerang ito. Kabilang na dito ang mga sundalo't kapulisan mula sa iba't ibang bansa na nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan..."

"Inaalam na ng Gobyerno ang sitwasyon ng mga tropang ipinadala ng ating sandatahang lakas upang tumulong sa labang ito..."

"Kuya, that's only local news, we can change the channel to international. I'm sure, mas updated do'n."

"I-I..." nanlalambot na napaupo siya sa sofa. "I had a dream... I dreamt of her. Lifeless. Naliligo sa kanyang sariling dugo," nahihirapang usal niya. Muling bumalik sa isipan ang mga senaryo sa kanyang panaginip.

Joey walking towards him. Halfway through, he heard gunshots, countless gunshots. Then he saw how Joey's white shirt was covered with her own blood. Kung paanong unti-unting bumagsak ang katawan nito sa sahig.

"N-No!" Kapagkuwan ay naisigaw niya. Sumasakit ang ulo niya sa ala-alang iyon. Pero mas masakit ang puso niya. Pakiramdam niya ay sa kanya tumatama ang mga bala sa panaginip niya at lahat ng iyon ay sumisentro sa kanyang puso.

"K-Kuya..." tinabihan siya ni Aya at inalo. "Let's stay positive. Uuwi si Joey. Sila ni Arthur. Uuwi sila nang buhay, okay?"

Sinulyapan niya ang kapatid. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito kahit pa pinipilit nitong itago 'yon.

"She has to be okay, Aya. I-I..." a tear escaped his eye, "Kahit na hindi na niya ako balikan, basta mabuhay lang siya, nasa maayos na kalagayaan, okay na ako."

-itutuloy-

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now