Chapter 21

15.1K 595 82
                                    

TAAS-NOONG naglakad si Joey palapit kay Mary Sy. It took her half an hour before the guards let her inside. Sobrang higpit ng security ng matanda. Noong una siyang nagtungo sa bahay nito ay kasama niya si Luis kaya hindi niya kinailangang dumaan sa security nito.

Gustong matawa ni Joey. Mary Sy is a ruthless businesswoman. Nasisiguro niyang madami itong kaaway kaya ganoon na lang kahigpit ang security nito. But she's Joey Abigail Salazar, kung hindi siya papasukin nito ay kayang-kaya niyang labanan ang mga security personnel nito makaharap niya lang ang matanda.

Sinadya niya ang babae sa bahay nito para makausap tungkol sa mga pinaggagagawa nito kay Luis.

Nag-aalala si Joey na baka pag-alis niya ay magsimula na naman ang matanda sa pananakot kay Luis. Baka kung anu-ano na naman ang maisipan nitong gawin mapapayag lang si Luis sa kung ano mang gustuhin nito.

"Kung ikaw pera punta dito, ikaw alis na. Ikaw wala asahan sa'kin." Bungad ni Mary Sy sa kanya eksaktong pag-apak pa lang ng mga paa niya sa nagsisilbing opisina nito sa bahay.

"Madami akong pera. Baka nga mas madami pa akong pera sa'yo. Kaya hindi iyon ang dahilan ng pagpunta ko dito." Kahit hindi siya inalok ng matanda ay naupo siya sa silyang kaharap nito.

"You have a lot of money? From what?" Sarkastikong tanong nito. "Oh, baka naman dahil ikaw bilog na ulo ni Luis siya bigay na pera sa'yo?"

Nahihilo na si Joey sa tagalog ng matanda kaya inilahad na niya ang sadya. "Nandito ako para sabihin sa'yo na iiwanan ko na ang apo mo."

Bahagyang nagulat ang matanda. "Why? Ikaw ubos na pera niya?"

Nagsisimula nang bumangon ang galit sa sistema ni Joey. Kahit anong pagpipigil niya, kahit anong pagtitimpi, mukhang hindi niya matatagalan ang pagpapakahinahon dahil sa talas ng dila ng matanda.

"Iyong-iyo na ang mga pera niyo. Hindi ko iyon kailangan. Iiwanan ko si Luis sa isang kundisyon. Give him freedom. Freedom to have his vacation whenever he want. Freedom to rest. Freedom to choose whom to marry. Freedom to love. Freedom to his own emotions, and freedom from you."

"And if I don't agree?"

"Say goodbye to your beloved company, to your grandson, to your family and to your possessions."

"Are you threatening me?"

"Were you threaten?"

"Tell me, why are you doing this? If isn't for the money, then for what?"

"This is for Luis. Nahihirapan na si Luis, I want to give him the freedom he deserves."

"Ha! Stop acting like you know Everything. Ako hindi pahirap apo ko. Ako sakripisyo para pamilya ko. Ako alaga sa kanya. Ako paano pahirap sa kanya?"

"Talaga ba? Ikaw ang nagsakripisyo?" Sarkastikong tanong niya. "His dream is to become a prosecutor but he set aside it so he can manage your businesses. He's running three big companies and he's doing it very well. Did you hear any complaints from him? Ngayon, sino ang nagsakripisyo sa inyo? Ikaw na ipinamumukha sa kanya ang lahat ng nagawa mo o siya na tahimik lang at patuloy na ginagawa ang mga gusto mo?"

"Do you know how dead tired he is after work? Hindi, 'di ba? Wala kang alam kasi hindi siya nagrereklamo. Kasi kahit na hirap na hirap na siya sa mga responsibilidad na ibinigay mo sa kanya, kinakaya niya. Alam mo ba kung bakit? Kasi mahal na mahal ka niya. Na kahit gaano pa kasakit para sa kanya ang ginawa mo sa pamilya niya, hindi niya kayang talikuran ang responsibilidad niya sa inyong pamilya. Kasi ang gusto niya, magpahinga kana lang sa bahay at magrelax dahil hindi ka na bumabata. He wanted you to enjoy life, he set aside his own life. Pero ikaw, naiisip mo ba 'yon? Hindi 'di ba? Instead of appreciating his work, instead of showering him love, anong ginawa mo? Sending him death threats? Para ano? Para lalo siyang ma-stress? Para lalong dumami ang mga alalahanin niya?" Saglit siyang tumigil para huminga. "You don't know how he almost breaks down everytime na nagkakaproblema sa dalawang kompanya. Hindi mo alam kung gaano siya ka-stress kapag bumabaha ng kaso sa law firm niya. He's amazing, isn't he? Ni minsan ba natanong mo ang sarili mo o sa kanya mismo kung paano niya nakakaya ang lahat ng iyon? Sandali," She smiled bitterly at hinayaan ang mga taksil na luha na tumulo sa kanyang mga mata. "ni minsan ba ay natanong mo siya kung kumain na ba siya? Kung maayos ba ang pakiramdam niya? Kung nakakatulog pa ba siya? Hindi, 'di ba? Kasi wala kang pakielam! Ang alam mo lang, maayos ang kumpanya mo! Lumalago ito at mas lalo ka pang yumayaman. Pero hindi mo alam na ang apo mo ay halos mamatay na kakatrabaho. Hindi mo alam kung paanong sa kalagitnaan ng gabi ay nagigising siya para isipin kung paano hahatiin ang oras sa pag-aayos ng mga problema sa mga kumpanya."

His Bodyguard (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon