Chapter 23 C

18.5K 636 55
                                    


BAHAGYANG nagulat si Joey nang imbes na sa Condo, Penthouse o di kaya'y sa bahay niya, sa Village kung saan nakatira sina Kurt at Aya siya dinala ni Luis.

"Dadaan tayo kina Aya?" hindi mapigilang tanong niya.

Nangingiting umiling lang si Luis at muling itinutok ang atensyon sa pagmamaneho.

Ilang saglit lang ay papasok na sila sa isang bahay. Pagtutok pa lang ng kotse sa gate ay automatic na bumukas na iyon. Manghang napasulyap siya kay Luis na nagkibit lang ng balikat.

Madilim sa paligid pero nagliliwanag sa gitna ng malaking lupain ang puting bahay.

"Yours?" tanong niya kay Luis pero imbes na sumagot ay pinagsalikop lang nito ang mga kamay nila at iginiya na siya papasok.

Pagbukas ni Luis sa pinto, biglang nagliwanag ang buong paligid. Sumalubong sa kanya ang kabuuan ng bahay na naghuhumiyaw ng karangyaan. Para tuloy gusto na niyang lumabas ulit dahil nakakatakot tumapak sa sahig na kumikinang sa kalinisan. Pero gustong-gusto din niyang manatili dahil agad na naramdaman niya ang 'homey' feeling na madalang lang niyang maramdaman dahil simula noon ay paiba-iba siya ng tinitirhan lalo na kung nasa field siya.

"Kailan ka lumipat?" tanong ulit niya kahit na mula pa kanina ay walang sinasagot si Luis sa mga tanong niya.

"Few months ago? I don't know, madalang lang din naman akong umuuwi dito," sa wakas ay sagot ni Luis dahil kung hindi pa ito sasagot sa tanong niya ay hahambalusin na talaga niya ito. "Nagustuhan mo ba?"

"Yup. Pwedeng-pwede mag-sparring sa gitna," aniya at ininguso ang gitnang parte ng bahay na sobrang luwang.

"Tsk. Come, para makapagpahinga ka na," yaya sa kanya ni Luis at muli siyang iginiya papanhik sa engrandeng hagdan.

"Sungit mo, ah? Sapakin kaya kita!" singhal niya at binawi ang kamay na hawak ni Luis.

Simula kasi nang umalis sila sa bahay nina Arthur ay hindi na muling umimik si Luis.

Biglang ngumisi si Luis at tinangkang bawiin ang kamay niya pero mabilis na inilagay niya iyon sa likuran niya at sinamaan ito ng tingin.

"Fine! Iniisip ko kasi kung paano kita sisingilin sa mga araw na miss na miss kita. And that's two years. More than 700 days, eh, wala pang 100 ang mga naiisip ko," sabi nito kaya napaurong siya at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib niya.

"H-Hoy! Anong binabalak mo?" pasinghal na tanong niya habang si Luis ay pangisi-ngisi lang.

Binuksan na ni Luis ang pintuan kung saan sila nakatapat. Sa dami ng mga dinaan nila, hindi na niya napansin kung pang-ilang kwarto na iyon.

"Don't worry, hindi kasing halay ng naiisip mo," sagot ni Luis at nauna nang pumasok.

"Pasok, Babe, huwag kang mag-alala hindi ko gagawin sa'yo 'yang iniisip mo," ani Luis dahil nakatayo pa rin siya sa labas ng kwarto at masama ang tingin dito.

Pagpasok ni Joey, isinara na ni Luis ang pinto at hinapit siya palapit sa katawan nito. Bago pa siya makapagsalita ay siniil na siya ng halik ni Luis.

Paglapat pa lamang ng mga labi ni Luis sa kanya ay agad na dumaloy ang kuryente sa bawat parte ng katawan niya. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang bawat paghagod ng mga labi nito sa kanya. Magaan at puno ng pag-iingat ang paghalik sa kanya ni Luis. Parang binubura ng halik na iyon ang kaninang pangamba niya sa kung ano mang binabalak nito.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, bahagya niyang iniyuko ang ulo at itinutok ang paningin sa tapat ng dibdib nito.

"Natakot ka ba na gagawin natin 'yon?" tanong nito kaya medyo nahiya siya. "I told you before, right? Hindi natin gagawin 'yon hangga't hindi tayo ikinakasal. Kaya kong magpigil, kaya kong tiisin ang init ng katawan ko."

Marahan nitong hinawakan ang baba niya upang iangat ang ulo niya. Nang magtagpo ang mga paningin nila ay nakita niya kung paanong lumamlam ang mga mata nito.

"Pero alam mo ba kung ano ang hindi ko na kakayanin pa?"

"L-Luis..."

"Kapag iniwan mo pa ulit ako. Tama na 'yung dalawang taon, babe. H-Hindi ko na kakayanin pa."

Inilapat niya ang kamay sa mukha ito at pinalis ang luhang tuluyang nalaglag mula sa mga mata nito. "I know, that's why I intend to stay here with you for the rest of my life. Thank you for not letting go, Luis."

Nang dumating siya, hindi nagtanong si Luis. Parang walang dalawang taong lumipas. Basta nang magkita sila, nagkaintindihan na agad ang mga puso nila. No words needed. No explanation. Basta magkasama na sila, okay na lahat.




"When it comes to you, I'm having a roller coaster emotions, madalas din na hindi ako makapag-isip nang maayos," sagot ni Luis nang tanungin niya ito kung ano-ano ang mga naiisip nito nang wala siya.

Nakahiga sila sa kama at nakaunan siya sa dibdib nito.

"Minsan, naiisip ko na okay lang na hindi mo ako balikan, pero mas madalas na naiisip ko na sundan ka saan mang sulok ng mundo. Pakiramdam ko nga, nalilito na din ang Diyos sa'kin, eh. Paiba-iba kasi ako ng gusto. Andiyan 'yung mag-aantay ako, andiyan 'yung hahayaan na kita, andiyan din 'yung susundan kita. Pero alam mo ba kung ano ang sigurado ako at kailanman hindi nagbago? Iyon ay ang hindi na ulit ako magmamahal nang katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Dahil walang kahit sino ang makakatumbas sa'yo sa buhay ko."

Bahagya niyang iniangat ang ulo upang makita ang mukha nito, "What if... hindi ako bumalik? Paano kung wala ako ngayon sa tabi mo?"

Humugot nang malalim na hininga si Luis bago sumagot. "Nang sabihin ni Arthur sa'kin na ligtas ka, nasa mabuting kalagayan, ang sabi ko sa sarili ko, hahayaan na kita. Kung gusto mo sa ibang bansa, sige lang, kung doon ka masaya, susuportahan kita. Pero niloloko ko lamang pala ang sarili ko. Dahil ilang araw pa lang, heto na ako, nagbabalak nang sumunod sa'yo. Nakahanda na akong suyurin ang mundo magkita lang ulit tayo."

"Susundan mo talaga ako?" nagawa niyang itanong kahit na halos magbara na ang lalamunan niya dahil sa pinipigalang pag-iyak.

Bahagyang gumalaw si Luis kaya inalis niya ang pagkakasandig dito. Binuksan nito ang drawer sa may bedside table at inilabas ang passport nito at iniabot sa kanya. Nang buklatin niya 'yon ay nakita niya ang nakaipit na plane ticket nito patungong New York.

"Hindi ko pala kaya na basta ka na lang isuko. Walang kasiguraduhan kung mahahanap nga kita pero nakahanda kong itaya ang buong panahon ko, mahanap ka lang."

"Kahit naman noong umalis ako, kahit hindi ko sinabi sa'yo, balak ko talagang balikan ka. Walang araw na hindi kita naisip. Kahit nasa kalagitnaan ako ng training, ikaw ang nasa isip ko. Gustong-gusto ko nang umuwi. Gusto kong sabihin sa'yo na hintayin mo ako, babalikan kita," ibinaon niya ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat nito para hindi nito makita ang mga luha niya. "pero hindi ko magawa kasi kahit ako hindi sigurado sa mga pwedeng mangyari. Kaya itinatatak ko talaga sa isip ko na kailangang kong umuwi ng buhay. Kailangan matapos ko ang misyon ko para makauwi na ako sa'yo kasi... alam ko na naghihintay ka."

"That's why I'm thankful," anito habang hinahagod ang likod niya. "Everyday, I prayed to God na ingatan ka Niya, na ibalik ka Niya sa'kin. And I can't thank Him enough for answering my prayer."

Pinadausdos niya ang ulo patungo sa dibdid nito at doon humilig. Ikinulong siya ni Luis sa mga braso nito.

"I prayed, too. Na sana may babalikan pa ako. Tapos heto ka, no question asked, welcoming me in you life again."

When Luis started humming, her mind drifted to all the things Luis did for her. Mga bagay na hindi niya hiniling dito pero ginawa nito para sa kanya.

Sa mga panahong nagbubulag-bulagan siya sa mga panlalambing nito. Sa mga araw na imbes na i-appreciate ay kinainisan niya ang presence nito. Sa mga espesyal na bagay na ginagawa nito pero sa huli ay iniiwanan niya lang ito.

He accepted her past, her hang-ups, all the bad things, all her troubles, he fixed her, he gave her hope, he taught her to still believe no matter how fucked up the world, he taught her to forgive, and to love... to love the way he loved those people around him.

And while thinking about those, she realized how undeserving she was for his love. Masyado nitong ginalingan sa pagmamahal sa kanya na hindi na niya alam kung paano pa ba niya matutumbasan iyon.

Ilang beses niya itong sinaktan, paulit-ulit na iniwanan pero heto pa rin si Luis, patuloy na nagmamahal sa kanya. Naghihintay sa kanya sa lugar kung saan niya ito iniwanan.

Niyakap niya ito nang mas mahigpit, hinayaan niyang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

Lord, thank you. Thank you for giving me Luis. Thank you for blessing me this wonderful man. Alam ko po na hindi ako karapatdapat sa kanya, alam ko na marami diyan na mas deserving but I am not letting go of this man, Lord. Kaya po nakikiusap ako. Tulungan niyo po ako na iparamdam sa kanya ang pagmamahal na deserve niya. Because he deserve all the love in this world. With everything he went through, hindi ko na po alam kung paano pa babawi. I love this man, Lord, more than I could ever imagine and more than I could explain, so please, make him feel my love through You.

Ang saya ng puso niya. Nag-uumapaw ang galak sa katawan niya na wala na siyang ibang magawa kun'di iiyak iyon. Sa lahat ng mga araw na umiiyak siya, iyong mga oras na 'yon ang paborito niya. Dahil na-realize niya na hindi porke't umiiyak ay malungkot na. Masarap din palang umiyak dahil sa sobrang saya. Ang sarap ng kirot sa puso niya sa pagkakataong iyon, ang sarap sa pakiramdam ng sakit na nararamdaman niya dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal ni Luis sa kanya.

"Hey, stop crying, Babe. Mamamaga na ang mga mata mo niyan," ani Luis habang hinahagod ang buhok niya.

"Sobrang saya ko, Luis. Masayang-masaya ako ngayon."

"I wonder what God was thinking when He created you. I wonder if He knew everything I would need. Because He made all my dreams come true. When God made you, He must have been thinking about me..." Luis sang, iyon pala ang hina-hum nito. Hindi niya alam ang kantang 'yon, but the lyrics got her.

"What's the title of that song?" tanong niya.

"When God made you," sagot nito.

"I want that to be our wedding song," aniya at naramdaman niya ang paninigas ng katawan ni Luis.

His Bodyguard (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon