Chapter 7

22.3K 750 49
                                    


Chapter 7

NAALIMPUNGATAN si Abigail dahil sa nag-iingay na cellphone. Tinapik niya ang katabi para gisingin.

"Bossing, ang ingay!" Reklamo niya nang hindi man lang ito gumalaw.

Nagpatuloy parin sa pag-ring ang cellphone kaya naiinis na dinampot niya iyon at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Hoy! Ayaw ka niyang kausapin kaya huwag ka ng tawag nang tawag! Umagang-umaga, istorbo ka! Bwiset!" Litanya niya at pinatay na ang tawag. Ibinalik niya sa pagitan ng unan nila ni Luis ang cellphone nito at muling natulog.

Hindi niya alam kung ilang minuto na ang nakalipas nang muling magring ang cellphone nito. Ang balak niya ay itapon na iyon pero naunahan siya ni Luis.

"Hello?" dinig niyang bati ni Luis sa kausap. "What?! Alright. But please tell her that she should find someone else to manage her company. I'm out. Bye."

"Sino 'yon?" Inaantok pa na tanong niya.

"Si Princess. Sinagot mo daw ang tawag ni Grandma?"

Nagising ang diwa ni Joey. Nanlaki ang mga mata sa tanong ni Luis. "Si Lady in Red ang tumatawag kanina?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah."

"Bakit daw?"

"I don't know. Maybe checking if I'm still doing good after what happened."

"Bakit? Itinakwil kana ba ni Lady in Red?"

"What? Of course not!"

"Weh?"

"Hindi nga." Tumayo na si Luis at dumeretso sa banyo.

Agad naman niya itong hinabol at naabutan niya ito na naghuhubad ng t-shirt.

Hindi niya pinansin ang mga abs nito at nagpatuloy sa pag-iintriga.

"Oh, baka naman ikaw ang nagtakwil kay Lady in Red?"

Hinarap siya ni Luis at ipinatong ang braso sa hamba ng pintuan. Nagflex ang mga muscles nito kaya nagbaba siya nang tingin. Na agad din naman niyang pinagsisihan dahil ang six pack abs nito ang sumalubong sa kanya pati na rin ang umbok sa pagitan ng mga hita nito.

Sanay naman siyang nakakakita nang ganoon dahil halos lalaki ang mga nakakasama niya sa trabaho. Ngunit ewan ba niya kung bakit iba ang dating ni Luis sa kanya.

"Eyes up, Abigail." She was stunned. Hindi siya nakagalaw kaya ito na mismo ang nag-angat ng ulo niya.

Nagsalubong ang mga mata nila at kitang-kita niya ang pagkinang ng mga mata nito. Napapahiyang nag-iwas siya nang tingin.

"Gusto mong sumabay?" Tanong nito. Itinaas-baba pa nito ang mga kilay.

"Gago! Sapakin pa kita diyan!" Sagot niya at tinalikuran ito.

Habang naliligo si Luis, napagpasyahan ni Joey na i-check ang kabuuan ng bahay ni Luis. Isa-isa niyang tinignan kung maayos ba ang pagkakalagay ng mga CCTV camera sa kabuuan ng penthouse. Sinubukan niya din kung gaano katatag ang mga grills sa bintana at tinignan ang mga posibleng daanan ng mga gustong pumatay kay Luis maliban sa elevator. Patago siyang naglagay ng mga baril sa iba't-ibang panig ng penthouse. Nag-isip na din siya ng mga escape plans kung sakaling magkagipitan.

Nang matapos sa ginagawa, bumalik na si Joey sa kwarto. Nang nasa tapat na siya ng pintuan, nakarinig siya nang mahihinang tunog ng mga kasangkapan sa kusina. Idinikit niya ang tenga sa pintuan, dinig pa niya mula sa loob ang lagaslas ng tubig.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now