Chapter 23 B

16.2K 670 63
                                    

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 4:35pm and the temperature is 28°C. For your safety and comfort, please remain seated..."

HINDI na tinapos ni Joey ang pakikinig sa kung ano mang sinasabi ng flight attendant. Basta nang marinig niyang nasa NAIA na siya ay tanging pagkalabog na lamang ng dibdib niya ang gusto niyang pakinggan. Excitement is rushing through her veins. Ang kaninang pagkasabik niya ay doble na ngayong nasa Pilipinas na siya.

Naaalala pa ni Joey ang unang pagkakataon na itinapak niya ang mga paa sa Pilipinas pagkatapos nang maraming taong pamamalagi sa New York. Ibang-iba ang damdamin niya noon sa nararamdaman ngayon.

Kung dati'y halos isumpa niya ang Pilipinas, ngayon naman ay sabik na sabik ang puso niyang muling tumapak sa lupang sinilangan.

Nakakatawang isipin na ang pagbalik niya noon kasumpa-sumpang lugar para sa kanya ang siyang naging daan para magkakilala sila ni Luis. Si Luis din ang dahilan ngayon kung bakit hindi na siya mapakali sa kinauupan.

"On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"

"Philippines, here I am again," kausap niya sa sarili habang inililibot ang paningin sa labas ng NAIA.

She's really back and it's for good! Hindi niya inakala na makukumbinsi niya ang sarili--mali, hindi pala niya kinumbinsi ang sarili--nakumbinsi ni Luis ang puso niya na muling manirahan sa bansang unang nagmulat sa kanya kung gaano kagulo at kasama ang mundo. Ang lugar kung saan isinilang at pinaslang ang kanyang pamilya. Ang bansa na may bulok na sistema.

And now, she's thinking on how to make a change. Kung hindi kayang simulan ng mga nakaupo sa gobyerno, sisimulan niya. At nasisiguro niyang makakaya niya iyon sa tulong ng mga kaibigan niya. Pero bago 'yon, uunahin muna niya ang sarili at ang tanging rason kung bakit muli siyang bumalik.

NGINITIAN ni Joey ang mga guards na sumalubong sa kanya sa labas ng gate ng mansyon ng mga Acosta. Nang makilala siya ay halos magkapanabay na sinaluduhan siya ng mga ito. Tumango lamang siya at nagpatuloy na sa pagpasok.

Nakakailang hakbang pa lamang siya ay nakita naman niya ang mga bodyguards na nagkalat sa buong paligid. Bahagya siyang napailing, The Acosta's and their security shits. Nasisiguro niya na pulos matataas at kilalang tao ang mga bisita nina Arthur dahil hindi lang basta Engagement party iyon, wedding anniversary din kasi ng mga magulang nito. And she wonders, ano kaya ang mas marami? Ang mga bisita o ang mga bodyguards?

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa malawak na hardin ng mga Acosta kung saan ginaganap ang party. Nasa malayo pa lamang siya ay nakita na agad ng mga mata niya si Luis.

Ayan na naman ang abnormal na pagtahip ng dibdib niya. Tila siya mauubusan ng hininga.

Gusto na niyang tumakbo palapit dito pero para siyang tanga na napatigil sa paglalakad nang sakupin ng mga agam-agam ang kanyang puso. Sinusundan ng mga mata niya ang bawat pag-galaw ni Luis habang kausap nito sina Aya at Almira.

Siya pa rin ba ang mahal ni Luis? It's been two years! Baka may nakilala na itong ibang babae.

But he promised! He promised to wait for you! Sagot ng isang bahagi ng puso niya.

Saka siya napatingin sa hitsura niya. Everyone's wearing formal suits and dresses and there she was in her boyfriend's jeans, black leather jacket and black ankle boots. Medyo na-conscious siya pero agad na iwinaglit niya iyon sa isipan. Sa ganoon siya kumportable, pakielam ba nila? At isa pa, sa ganoon siya minahal ni Luis.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now