Chapter 19

16.6K 516 85
                                    


GANADO sa pagkain ng lunch sina Joey at Aliyaah. Pareho silang seryoso at walang may gustong magpaistorbo sa pagkain ng ginisang sardinas na may repolyo, tuyo, itlog na maalat na may kamatis, at bagoong at kamatis bilang sawsawan.

Mula nang dumating si Aliyaah sa bansa ay lagi itong nagrerequest ng ganoong pagkain kay Joey pero dahil si Luis ang kasabayan niya sa pagkain ay hindi niya mapagbigyan ang kaibigan dahil hindi naman kumakain ng ganoong mga pagkain ang kasintahan.

Kaya nang malaman ni Joey na may luncheon meeting si Luis at hindi makakasabay maglunch sa kanya ay agad na tinawagan niya si Aliyaah at sinabihan ito na maglunch sa bahay niya dahil magluluto siya ng mga paborito nilang pagkain. Busy si Aliyaah pero nang malaman nito ang balak niya ay agad na pinuntahan siya nito.

Katulad ni Aliyaah ay miss na miss na din niya ang mga ganoong pagkain. Magsimula kasi nang makilala niya si Luis at makasama ito ay hindi na siya nakakakain ng mga ganoong pagkain.

It's for the poor, yes. Totoong ang mga nasa hindi maalwan na buhay ang madalas mag-ulam nang ganoon. Pero para sa kanila ni Aliyaah, isa ng pribilehiyo at napakalaking biyaya ang makakain ng mga pagkaing ganoon lalo na't pareho nilang naranasan ang magutom at walang makain.

Katulad niya, may masalimuot ding karanasan si Aliyaah sa bansa. Maswerte lang sila at may mga taong tumulong sa kanila, dinala sila sa ibang bansa at binigyan ng magandang buhay. Aliyaah's past experiences were also the reason why she's a member of UP.

Ikatlong plato na ng kanin ang kinakain ni Joey nang magring ang cellphone niya. Saglit silang natigilan ni Aliyaah at nagkatinginan pagkatapos ay nagsimula na ulit kumain si Aliyaah habang siya ay gustong-gusto nang murahin ang kung sino mang gumambala sa pagkain niya.

Pero nang tignan niya ang screen ng cellphone at ang larawan ni Luis ang nakadisplay sa screen ay dali-dali siyang tumayo para maghugas ng kamay.

Then she remembered, 'yun nga pala ang ringtone ni Luis sa kanya at kahit pa nakasilent ang phone niya ay tutunog iyon kapag si Luis ang tumatawag.

"Hello, Bossing." Bati niya nang sagutin ang tawag.

"Hello, Babe. Bakit ang tagal mong sumagot?" Tanong ni Luis at kung tama ang hinala niya ay nakabusangot na ito sa kabilang linya.

"Kumakain kasi ako. Bakit ka napatawag? Akala ko ba may meeting ka?" Naglakad siya palayo at tumalikod kay Aliyaah na kahit sumusubo at ngumunguya ng pagkain ay nakatingin pa rin sa kanya at pinapanood ang bawat galaw niya.

"Really? Good. I excused myself for a while so I can talk to you and make sure you've eaten your lunch."

"Sus." Tanging nasabi niya dahil bigla na namang nagliparan ang mga alaga niyang paru-paro sa tiyan.

"I love you, Babe. Kailangan ko ng bumalik sa meeting. I miss you."

"Hoy! Anong I miss you ka diyan! Galing ka palang dito kaninang umaga at nag-videocall ka pa sa'kin two and a half hours ago pa lang!"

"Eh, miss na nga kita agad-"

"Ay, ewan ko sa'yo! Sige na, ba-bye na. I love you too." Bago pa man ito makasagot ay pinatay na niya agad ang tawag.

Nangingiting binalikan niya si Aliyaah na agad tumutok ang mga mata sa kanya kaya agad niyang pinaseryoso ang mukha.

"What happened to your Walang Forever?" Si Aliyaah habang sinisimot ang kanin sa plato.

"Tsk! Walang pakialamanan. Nung nagpakasal ba kayo ni Bronx, pinakialaman kita?" Taas-kilay na tanong niya. Natahimik naman si Aliyaah at nag-iwas ng tingin.

His Bodyguard (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon