Chapter 24 B

20K 725 117
                                    


~continuation~

"What's the problem, baby, hmm?"

Hininto ni Luis ang sasakyan sa gilid ng daan. Sinubukan nitong hawakan ang kamay ngunit agad siyang pumiksi kaya napabuntong-hininga na lamang ito.

Nagpupuyos ang kalooban niya dahil sa pambabalewala nito sa tanong niya kanina. Bahagya lang itong nagulat pagkatapos ay parang wala itong narinig at basta na lang iniba ang usapan nila.

At tila ngayon lang ito nakahalata na wala siya sa mood na makipag-usap dito. Kanina pa kasi ito nagkukwento pero hindi niya ito pinapansin. She wanted to let him know how pissed she was for ignoring her question.

"Ihatid mo na lang ako sa bahay ko," walang emosyong utos niya.

"What? I thought you wanted to--"

"Nagbago na ang isip ko," putol niya sa sasabihin nito.

Luis exhaled loudly. "Babe--"

"No more talking, please. Just drive me home."

"Alright, babe. Let just go home. Baka pagod ka lang," ani Luis at muling nagmaneho.

"No, ihatid mo ako sa bahay ko," she said, emphasizing the last word.

"Alright." Tiim-bagang na nagmaneho ulit si Luis.

Deretso ang tingin ni Joey sa daan pero nakikita niya sa peripheral vision niya ang mahigpit na paghawak ni Luis sa manibela. Mas lalo lang tuloy siyang nainis dahil tila mas galit pa ito kesa sa kanya.

She felt insecure. Gusto na tuloy niyang pagsisihan ang pakikipagkita kay Theia noong isang araw. Simula kasi nang magkausap sila ay hindi na nawala sa isipan niya ang tungkol sa kasal. Nabanggit niya na hindi na muling binuksan ni Luis ang topic ukol sa kasal. Nasabi naman sa kanya ni Theia na tuloy pa rin ang pinaplanong fixed marriage ni Mary Sy kina Luis at Yna Tang.

Ilang beses siyang nagtangka na i-topic ang kasal but everytime, marriage life pa lang ni Aya at Almira ang binabanggit niya ay iniiba na ni Luis ang usapan. Kanina naman ay direkta na siyang nagtanong pero tinawanan lang siya ni Luis.

Pagdating nila sa bahay niya ay agad na siyang bumaba. She placed her palm on the scanner, she entered and didn't wait for Luis.

Joey removed her leather jacket at basta na lamang inihagis sa kung saan. Papanhik na siya sa kwarto nang marinig niya ang muling pagbukas ng pinto.

She rolled her eyes and remind herself to change the command of her house.

Tumuloy na siya sa kwarto at hindi na nag-abala pa na i-lock ang pinto dahil mabubuksan din naman ni Luis.

Pabagsak na nahiga siya sa kama at mariing ipinikit ang mata. Sumasakit ang ulo niya dahil sa labis na pag-iisip. Ang active pa naman ng isip niya nitong mga nakaraang araw lalo na't hinahanap-hanap na ng katawan niya ang dating trabaho.

Naramdaman niya ang tahimik na pagpasok ni Luis sa kwarto, ang banayad na paghakbang nito palapit sa kanya at ang pag-upo nito sa gilid ng kama.

Nanatili siyang nakapikit habang tahimik lang din si Luis sa tabi niya. Nagtatalo ang isip niya kung pauuwiin na lang ba ito o hahayaan na lang ito doon at hindi na lang kakausapin.

"Babe, I know you're not sleeping. Let's talk, please, para maayos na natin 'to," basag ni Luis sa katahimikan.

Nagmulat siya ng mata at sinamaan ng tingin si Luis. "What are you still doing here?" kunwaring nagulat na tanong niya.

"Babe, please?" nagsusumamong usal ni Luis.

"'Di ba ang sabi ko, ihatid mo lang ako?" nakataas ang kilay na tanong niya.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now