Chapter 21 B

12.7K 505 62
                                    

Thank you for waiting. This is for all of you, Loves. 😊

The excruciating pain is killing Luis. He closed his eyes and prayed that everything he's feeling at the moment and everything that's happening and going to happen will just be one of his bad dreams. He prayed that when he open his eyes, Joey Abigail will still be in his arms and wouldn't leave him anymore.

Nagpanggap siyang natutulog. He's waiting for her to say she'll staying. Or even just something he could hold on to.

"I love you so much, Luis. I'm sorry I have to choose my work over you. Babe... Bossing ko, thank you for everything. Thank you for loving me more than I deserve. You will always be my man, Luis. No one can replace your special place in my heart. I love you."

Joey kissed him. Hindi birong pagpipigil ang ginawa niya para lamang hindi ito halikan pabalik. Pero ang sumunod na nangyari ay mas lalong nagpasakit sa sakit na nararamdam ng kanyang puso. Narinig niya ang mga yabag na palayo, maging ang pagbukas ng pintuan at muling pagsara niyon.

He started counting in his mind. One, two, three... Praying that it was all a dream. That when he reach one hundred, he'll open his eyes and Joey is just beside him, peacefully sleeping.

Pero pagmulat niya ng mata, emptiness filled him. Pagak siyang natawa kasabay ng muling pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.

She's gone. Joey left him... again.

Gusto niya itong habulin, gusto niya itong pigilan. But for what? Desidido na ito. Kahit kaunting pag-asa na pwede niyang panghawakan ay wala man lang itong ibinigay sa kanya.

He will only look stupid kung patuloy pa siyang maghahabol. He had enough of begging. Pagod na siyang panglimos ng atensyon. Lahat na lang ng mga mahal niya ay binabale-wala siya.

He'd like to think Joey Abigail's different. He wanted to fight for the love of his life. Pero paano niya gagawin iyon kung ito mismo ay sumuko na? Paano siya lalaban kung ipinagdiinan na nito sa kanya na wala siyang laban sa trabaho nito.

Dinaklot niya ang dibdib. Paulit-ulit na kinalabog iyon gamit ang nakayukom na kamao na parang sa ganoong paraan ay maiibsan ang sakit na nararamdaman.

Nakakatampo. 'Yun ang pumasok sa isipan ni Luis. Gusto niyang magtampo sa mundo. Pakiramdam niya'y napakadaya nito. Winasak nito ang pag-ibig na akala niya'y panghabang-buhay na. Parang galit na galit ito sa kanya na kailangan pa nitong ihiwalay sa kanya ang tanging babaeng nagparamdam sa kanya ng atensyon at pagmamahal na matagal niyang inasam.

Nagmamahalan sila ni Joey Abigail. Damang-dama niya iyon sa mga araw na dumaan sa buhay nila. Nalabanan nilang pareho ang lungkot ng nakaraan. Pero sadyang malupit ang tadhana sa kanila. Lalo na sa kanya. Pinagtagpo, pinausbong ang pag-iibigan, ngunit sa huli, ang malupit na tadhana ay siya ding naghiwalay sa kanila.

Lagi na lang. Pero bakit hindi mawala-wala ang sakit? Dapat ay nasanay na siya, dapat ay wala na lang sa kanya ang mga ganoong pangyayari. Dapat ay manhid na siya sa ganoong klaseng sakit. Sanay na naman siya na laging naiiwan.



'Tomorrow, LRS Airport 8:00am'

IT'S been two days since Joey Abigail left him in his Condo. He tried to act normal. Sanay na sanay naman na ang katawan niyang pumasok sa opisina, magawa nang maayos ang trabaho, ngitian ang mga empleyado at makipagtawanan sa mga kliyente kahit na ang puso niya ay nasasaktan.

Halos kadarating lang niya sa Condo nang matanggap niya ang mensaheng iyon mula kay Arthur. Muli na naman niyang naramdaman ang kirot sa puso. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho, inabala niya ang isip sa mga kailangang ayusin sa opisina, ang mga meetings na pinamove niya noon ay isa-isa niyang dinaluhan para lamang hindi na niya maisip pa si Joey.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now