Chapter 22

18.2K 651 73
                                    


LUIS swear he won't beg for someone's attention. If someone wants to be out of his life, he'll let them. He won't beg someone to stay in his life.

Naglasing siya para hindi siya maagang magising kinabukasan. At kung maaga man siyang magising ay paniguradong magkakahang-over siya, sasama ang pakiramdam niya at tatamarin siyang tumungo ng Airport para habulin si Joey.

Pero hindi iyon ang nangyari, alas singko pa lang nang umaga, madilim pa sa labas ay mulat na ang mga mata niya. No hang-over, no headache, no bodypain, just the urge to go to the Airport and let Joey know he'll wait for her no matter what.

When he went to the Airport, he has no intentions on making her stay. Alam niya sa sarili niya na hindi niya pipigilan si Joey sa gusto nito. If going abroad will make her happy, even if it hurts him like hell, he'll still support her. Hindi niya kayang hadlangan ang anumang makakapagpasaya sa babaeng mahal.

Masakit sa kanya na makitang naglalakad palayo sa kanya si Joey, nasasaktan siya sa kaalamang wala siyang pinanghahawakan kung babalik pa ba ito sa kanya. But he's not regretting anything. Ang mapaalam kay Joey na maghihintay siya ay sapat na. At least, may panghahawakan ito kung sakaling gustuhin nito na balikan siya. Alam ni Joey na kahit kailan siya nito gustong balikan ay may babalikan ito. And that is all that matters for now.

Pagkatapos niyang ihatid si Almira sa bahay ni Arthur ay dumeretso siya sa bahay ng mga magulang. Nasa tapat pa lamang siya ng pintuan ay halos patakbo nang lumapit sa kanya ang Ina at mahigpit siyang niyakap.

Ang Ama niyang nasa puno ng hagdan ay nakatingin sa kanila. Maluha-luha ang mga mata nito kaya binalot ng takot ang pagkatao niya. Na mas dinagdagan pa ng hagulgol ng Ina.

"What's happening? Mommy, may masakit po ba sa'yo?" Puno nang pag-aalalang tanong niya sa ina na patuloy na humahagulgol sa bisig niya. Sinulyapan niya ang Ama na ngayon ay nasa baba na at ilang dipa na lang ang layo sa kanila. "Dad, what's wrong?" Tanong niya sa Ama, hindi ito sumagot bagkus ay lumapit sa kanila at yumakap din sa kanya na mas lalong nagpalakas ng hagulgol ng Ina.

"Okay," kinakabahang usal niya. "Tell me what's happening, Mom and Dad. Natatakot na ako," pag-amin niya sa nararamdaman.

It's very unusual for her Mom to hug him while crying like that.

"A-Anak... we're sorry. I'm so sorry." Usal ng Ina. Naguguluhan na bahagya niyang inilayo ang katawan ng Ina sa kanya ngunit masyadong mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.

"F-For what?" tanong niya.

"Ang mabuti pa ay maupo tayo," ang Ama niya habang inaalo ang Ina niya na umiiyak parin na nakayakap sa kanya.

"Mom, c'mon, umupo tayo. Hindi makakabuti sa'yo ang pag-iyak," bulong niya sa tapat ng tenga nito. Iginiya niya ang ina sa sofa at nagpatianod naman ito.

Nang makaupo sila ay yumakap na naman ulit ito sa tagiliran niya. Inakbayan niya ito at mas lalo naman itong nagsumiksik sa kanya. Inutusan niya ang isa sa mga katulong na kumuha ng tubig dahil nararamdam niya ang hindi maayos na paghinga ng Ina.

"Mom, stop crying, please. Tell me what's wrong, hmm?" Malambing na usal niya habang inaalo ang Ina.

"Anak... I'm sorry. I didn't know." Umiiyak pa rin na usal ng Ina. "I was busy mending my heart, I forgot that you got hurt too."

"What is this all about, Mom?" Nagtatakang tanong niya. Hindi maintindihan kung ano ang tinutukoy nito.

"Nakalimutan kong sa'ting tatlo ay ikaw pala ang mas excited na magkaroon ng kapatid. Na ilang taon mong hiniling 'yon sa'min pagkatapos ay bigla lang mawawala. I was blinded by my pain that I didn't see your pain, Kuya. I'm sorry, anak. I'm sorry." Pagpapatuloy ng Ina.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now