Chapter 24 A

18.2K 629 79
                                    

NILILIBOT ni Joey ang opisina ni Luis sa Law Firm nito. Ilang beses na siyang nagpunta noon doon at halos makabisado na niya ang pwesto ng mga kagamitan doon kaya agad niyang napansin ang mga pagbabago.

Bukod sa pagpapalit ng mga furniture, binago din nito ang interior design ng opisina. Nagkapalit-palit na din ng pwesto ang mga filing cabinets.

Hawak niya ang picture frame na naglalaman ng larawan niya. That photo was taken months before her elementary graduation. Ang inosente pa ng ngiti niya. Wala pang muwang sa kasamaan ng mundo.

Naka-display iyon kasama ng mga trophies, certificates and awards na natanggap ni Luis at ng kumpanya nito. Nagtataka siya kung saan nito iyon nakuha.

"Hey." Ibinaling niya ang tingin sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Luis. "What are you doing?"

"Just checking, baka kasi may mahanap akong ebidensiya ng pambababae mo," pabirong sagot niya.

Agad na kumunot ang noo ni Luis pero mayabang pa rin na nagsalita, "may nahanap ka?"

"Wala. Pero may nakita akong isang bagay," aniya at ipinakita dito ang larawan niya. "gusto kong isipin na patay na patay ka sa'kin, Bossing. Saan mo 'to nakuha?"

"Oh, nakilala mo na pala ang girlfriend ko. Ang ganda niya, 'no?"

"Alam kong maganda ako, Bossing! Ang tanong ko ang sagutin mo."

Luis chuckled. Gusto tuloy niyang mahiya dahil sa mga lumabas sa bibig niya.

Lumapit sa kanya si Luis. "I'm happy that you now know how beautiful you are, babe," anito at inipit ang mga takas na buhok sa tenga niya. "But to answer your question, I got it from the basement of your parents house."

"What? May mga gamit pa doon?"

"Yup!"

"Nasaan na ngayon? Oh, my God! I didn't know! Ang sabi ni Tita Margie noon ay itinapon at sinunog na nila ang mga gamit ng parents ko. Ang mga itinira na lang ay mga mamahaling gamit at 'yung nag-iisang family picture namin."

"Well, she lied. Palagi akong bumibisita sa bahay niyo, kahit noong under construction pa iyon ay bumibisita ako dahil naiibsan niyon ang pagka-miss ko sa'yo. Nang minsang bumisita ako ay sakto namang naghahalungkat sa basement ang mga trabahador with the supervision of Rob. Tumulong akong maglabas ng mga gamit at nakita namin ang mga photo albums at ilang mga kagamitan doon."

"God! I wanna see them, bossing. Let's go there, please?"

"Alright. But let me finish the meeting first."

"Hindi pa tapos? Eh, anong ginagawa mo dito?"

"The boss asked for a ten-minute break 'cause he misses his girlfriend."

"And who's that boss who misses his girlfriend?"

"Me. Ilang oras na kitang hindi nakikita."

Pinisil niya ang ilong ni Luis. "Ang corny talaga ng boyfriend ko. Sige na, bumalik ka na doon para matapos na 'yang meeting niyo."

"Yeah. After this." Hinapit siya ni Luis at hinalikan ng mariin sa labi.

"See you later, baby!" Mabilis na lumayo sa kanya si Luis at bago tuluyang lumabas ay kinindatan pa siya nito.

NAIWAN ulit si Joey sa loob ng opisina ni Luis. And while waiting for her boyfriend, she browsed her newly made social media accounts.

Ilang days pa lang ang mga 'yon pero halos sumabog na ang notifications niya sa bawat accounts matapos i-tag sa kanya ni Almira ang isang stolen picture nila ni Luis noong engagement party nito at ni Arthur.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now