Chapter 18 B

18.7K 599 78
                                    


Napabuntong-hininga si Joey nang tanging operator na naman ang narinig niya sa kabilang linya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Luis ngunit mukhang wala talaga itong balak na sagutin ang tawag niya.

Umuwi si Luis sa bahay ng parents nito at mukhang tuluyan na itong nagtampo sa kanya dahil pangatlong beses na iyon na pagtanggi niya sa pag-attend ng family dinner ng mga ito.

Noong una ay idinahilan niya ang mga kiss marks sa katawan niya. Sinabi niya dito na hahayaan na muna niyang mawala ang mga iyon para naman desente siyang makaharap sa mga magulang nito.

Sa pangalawa ay idinahilan niyang masama ang pakiramdam niya dahil sa menstruation. Naiintindihan naman nito iyon at sa katunayan ay inalagaan pa siya nito.

Ngunit sa pangatlong pagkakataon na pagdadahilan niya ay tuluyan ng nawalan ng pasensiya sa kanya si Luis. Noong una ay pinipilit pa siya nito pero nang maglaon ay tuluyan na itong nainis at bigla na lang umalis.

Hindi malaman ni Joey kung kanino maiinis. Sa sarili ba niya dahil masyado siyang nagpapa-apekto sa pagtatampo nito o kay Luis na hindi maintindihan ang takot niya?

Pinili na lamang ni Joey na mainis sa sarili. Hindi naman kasi alam ni Luis na natatakot siya sa pwedeng isipin o sabihin ng mga magulang nito tungkol sa kanya. Iniisip din niya ang Lola ni Luis na alam niyang galit na galit pa rin sa kanya. Paano na lang lung nandoon din ito? Nakakahiya naman sa mga magulang ni Luis kung sakaling magkasagutan sila ng matanda.

Idagdag pa na siguradong updated ang Daddy bi Luis sa mga nangyayari sa business world kahit na si Luis na ang namamahala sa kumpanya nito. Paano niya ipapaliwanag kung sakaling magtanong ito tungkol sa Salazar Holdings?

Iniisip din niya kung ano na lamang ang iisipin ng mga ito kapag nalaman nilang nakapatay ng tao ang girlfriend ng anak ng mga ito?

She used to not care about what other people say. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Luis, naging conscious siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Ayaw na niyang magkaroon ng bad impression sa kanya si Luis. Gusto niya ay maging perpekto ang tingin nito sa kanya.

Pero kahit pala anong gawin niyang pagtatago at pagkalimot sa nakaraan, may mga pagkakataon parin at mga tao na magpapaalala sa kanya ng mga iyon. Na kahit sabihin niyang tapos na ang lahat, nasa nakaraan na 'yon hindi pa rin maiiwasan na maidala 'yon sa kasalukuyan. At ang takot na bumabalot sa pagkatao niya sa mga oras na 'yon ang patunay kung gaano ka-fucked-up ang buhay niya.

Joey tried calling Luis again, pero sa hindi mabilang na pagkakataon ay hindi ito sumagot. Alas siete kinse na at alam niyang nagsisimula na ang dinner ng mga ito.

She have to make up her mind. Luis is so important to her. Ayaw niyang nagtatampo ito sa kanya. Kaninang umalis ito ay alam niyang masama ang loob nito kaya mas lalong bumibigat ang loob niya. Lahat ay ginagawa nito para sa kanya nang walang hinihinging kapalit. Pagkatapos ay gusto lang nitong ipakilala siya sa parenta nito ay hindi pa niya ito mapagbigyan.

Kung aalis siya agad sa oras na 'yon, baka maabutan pa niya ang dinner ng mga ito. Pero hindi naman siya pwedeng basta na lamang sumulpot doon.

Joey knows she have to dressed-up. She needs to atleast look presentable. Iniisip din niya kung ano pwedeng dalhing pasalubong.

She's panicking. The last time she felt that was when she's an helpless child! She used to be calm even when she's at the middle of a warzone.

Damn, Luis! Paano nito nagagawang pakabahin siya nang ganoon!

"Damn it! Bahala na!"

-

Limang minuto. Eksaktong limang minuto nang nakatayo si Joey sa harapan ng malaking gate ng mansyon ng mga Sy. Hindi niya magawang pindutin ang doorbell dahil kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now