Chapter 26

14.2K 418 62
                                    

AN: Thank you for patiently waiting. Please, comment down your thoughts. Thank you! ❤️

PS: I revised this chapter.

❤️🧡💛💚💙💜🖤

"PAPI WIS!"

Sabay na napalingon sina Joey at Luis sa dalawang bata na ngayon ay tumatakbo na palapit sa kanila.

A smile curved from her lips when the two kids hugged Luis' legs. Bahagyang yumukod si Luis para mayakap pabalik ang dalawa.

"Papa Wis, huh?" natatawang komento niya.

Umangat ang tingin ni Luis sa kanya, kinindatan lang siya nito at muling ibinalik ang atensyon sa dalawang bata na nag-uunahan pa sa pagkukwento sa tiyo.

A warm feeling enveloped her heart when she saw how gentle and passionate he was while talking to the kids. Surely, Luis will be a good father.

Naramdaman ni Joey na may nakatingin sa kanya kaya agad na nag-angat siya ng tingin. She found Luis' parents looking at them.

Marco and Alicia Sy were standing in front of the large mahogany door. Beside them were Aya and Kurt. All smiling from ear to ear.

"Good evening po," magalang na bati niya. Lumapit siya sa dalawang matanda at nagmano bilang paggalang.

"Hi, ate Joey!" Aya went to her and kissed her on the cheek.

"Good evening, hija. Masaya akong makita kang muli," nakangiting pagbati sa kanya ni Marco Sy while Alicia Sy slightly nod at her and immediately turned her attention to Luis.

Bahagyang tumabingi ang ngiti ni Joey dahil ramdam niya ang malamig na pakikitungo ni Alicia sa kanya. Or maybe, Joey's just too conscious that's why she felt that way? She doesn't know, but it was definitely way too far from the way Alicia treated her before.

Nagpapasalamat na lang si Joey na inabot ng ginang ang kamay nito nang magmano siya dahil kung hindi'y kakaripas na siya ng takbo paalis sa lugar na iyon.

"Kids, mamaya na 'yan. Let's get inside, dinner is waiting," awat ng ginang sa magtitiyo. Nang tumayo ng tuwid si Luis ay agad na humalik at yumakap ang ginang sa anak. "How are you, anak?"

"I'm fine, Mom," sagot ni Luis at nang lumayo ang ina ay agad na ginagap nito ang kamay niya. "Let's go?"

Nginitian ni Joey ang kasintahan at nagpagiya rito. Sabay-sabay na pumasok sila sa loob.

"Saan kayo galing, ate?" tanong ni Aya nang magkatabi sila habang nasa daan patungo sa dining room.

"Sa mall. Bumili kami ng phone niya," sagot niya at ininguso si Luis na umirap lang sa kanya.

Natawa si Aya sa inasta ng kapatid. "Anyare?"

"Nagpapalambing ang bata," pabulong na sagot niya.

Nagtawanan sila ni Aya kaya muling napasulyap si Luis sa kanya.

"Hey!" tawag ni Luis sa kanya at hinapit siya para mapaghiwalay sila ni Aya.

"Ay, naku, Kuya!" Aya rolled her eyes and held on her husband's arm.

Napailing na lamang siya sa asaran ng dalawa.

Nang makarating sa dining area, tumambad sa kanila ang mesang punong-puno ng pagkain. Nagmistulang fiesta dahil sa dami ng mga inihandang putahe.

"Are we celebrating something?" tanong ni Luis sa mga magulang.

Nagkibit-balikat lang ang ama nito habang ang ina ay iwinasiwas lang ang kamay.

"Madalang lang tayong kumain ng sabay-sabay dahil may kanya-kanya na kayong pinagkakaabalahan sa buhay," sagot ng ina ni Luis. Bahagya pang lumamlam ang mga mata nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now