Chapter 25

18.7K 477 64
                                    


BOSSING BABE

Freaking boring in here. I miss you, babe.
9:40 AM

Babe?
9:40 AM

Baby kong mahal?
9:41 AM

Why are you not replying?
9:42 AM

Anong pinagkakaabalahan ng asawa ko?
9:42 AM

Natulog ka ulit? Please, reply, baby ko.
9:42 AM

I'm bored as fuck! Paulit-ulit na lang ginagawa ko. I wanna see you. Please?
9:43 AM

Kagagaling mo lang dito kanina. Umayos ka nga. Work!
9:48 AM

I wanna be with you. Please?
9:48 AM

No! Work muna, please? I have some errands to do today. I miss you, too, Bossing. Pakabait ka diyan! I love you.
10:00 AM

I love you, too! I love you more! I love you! I love you! I love you! Miss na kita. I wanna hug you. :(
10:00 AM

and kiss you! I wanna cuddle with you. I wanna stay in bed with you. I can't get enough of you.
10:00 AM

Errands? Sana sinabi mo agad. I'll be more than happy to accompany you.
10:01 AM

I'm bored in here. Tulungan na lang kita?
10:01 AM

No, you can't! Focus on your work, Bossing!
10:09 AM

I have to do something and I won't be replying to your texts, okay? Huwag pasaway, Attorney! I love you! 😙
10:09 AM

Napabuga na lang ng hangin si Joey nang sunud-sunod na naman ang pasok ng text ni Luis. Nasisiguro niyang mangungunsimi na naman siya sa kakulitan ng kasintahan.

She read the messages and typed her reply. Ilang segundo lang ay sunud-sunod na uli ang pasok ng reply ni Luis.

Nangunot ang noo niya. "What's wrong with this man?" she asked herself.

She composed a message again and told Luis to focus on his work because she won't be replying again. But after a few seconds, her phone started to received messages from him. Again.

This time, Joey didn't bother to reply. Alam niyang nagpapalambing lang ang kasintahan. Magkasama lang sila kanina at halos ayaw na nga nitong humiwalay sa kanya.

They are back from their routine. Magkahiwalay na uli sila ng bahay pero katulad din ng dati na si Luis ang gigising sa kanya sa umaga, sabay silang mag-aagahan, papasok ito sa opisina, uuwi uli sa kanya tuwing tanghalian, babalik sa opisina at kapag tapos na ang office hours ay uuwi uli sa kanya. Maghaharutan sila hanggang gabi at makikipagmatigasan sa isa't isa dahil magpipilit si Luis na matulog katabi niya. At dahil parehong matigas ang ulo nila, walang gustong magpatalo, aabutin sila ng madaling araw. Mahabang paalamanan at ang ending uuwi rin si Luis sa bahay nito pero ilang oras lang ay gigising siyang magkatabi na uli sila.

Ang pasok ni Luis na alas-otso ay nagiging alas-nueve at kapag tinamad pa ito ay nagiging alas-diyes pa. Kung minsan ay pinagbibigyan niya itong matulog sa tabi niya o kaya nama'y uuwi sila sa bahay nito para lang pumasok ito sa tamang oras. Madalas niya ring pagsabihan ito dahil nasasanay na ito sa ganoon. Isinusumbong na nga niya ito sa ama nito. Pinapagalitan naman pero matigas pa rin ang ulo.

His Bodyguard (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon