Chapter 15

23.2K 645 46
                                    

MULA sa sasakyan hanggang sa makarating sila sa bahay, wala ni isa sa kanila ni Luis ang nagsalita kaya nagulat na lamang siya nang yakapin siya nito mula sa likuran.

"Anong gusto mong ulam, Babe?" Tanong nito.

"Ha?" Tanging nasambit niya dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito.

Mabaliw-mabaliw siya sa kakaisip kung bakit bigla na lang itong nanahimik matapos malaman ang isang bahagi ng pagkatao niya, pagkatapos ay tatanungin siya nito kung anong gusto niyang ulam? Nakaka-'tangina talaga ito!

Mabilis na tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya, "Seryoso ka ba talaga sa tanong mong 'yan, ha, Marco Luis?" Nakapamewang na hinarap niya ito.

"Of course!" Tila naguguluhan pang sagot nito.

"'Tangina ka talaga, eh, 'no?! Pagkatapos mo akong i-silent treatment, pagkatapos kong mabaliw-baliw sa kakaisip kung ano ang iniisip mo, yayayakap-yakap ka ngayon tapos tatanungin mo ako kung anong gusto kong ulam?! Ako ba talaga, ginagago mong hinayupak ka?"

Bahagyang natawa si Luis sa kanya at muli siyang niyakap. "Sorry na. Nagulat lang naman ako sa nalaman 'ko. Pero okay na, na-digest ko na. Sorry for the silent treatment."

"Gago!"

"Uyy, na-bother siya. Love mo na 'ko, 'no?"

"Kapal mo! Bwiset!" Natatawa na ding sagot niya. Pero hindi pa rin siya nakakahinga nang maluwag. There's a part of her na gustong tanungin ito kung pareho pa din ang nararamdaman nito sa kanya.

"Ano ngang gusto mong ulam? Pagkatapos nating kumain, mag-uusap tayo, hmm?"

"Kahit ano lang." Kinakabahang sagot niya at bahagyang tumango.

Pinakawalan na siya ni Luis at tinungo nito ang kusina, siya naman ay umakyat na sa kwarto. Nagpalit lang siya ng damit pagkatapos ay patagilid na humiga sa kama.

Pakiramdam niya ay dumating na ang araw na kinatatakutan. Ang unti-unting paglayo ng loob ni Luis sa kanya kapag nalaman na nito ang nakaraan niya.

Parang gusto niyang umiyak kanina dahil sa biglang pananahimik ni Luis.  Nang sabihin niya dito na ex-convict siya ay natakot na siya sa naging reaksyon nito. Pero mas natatakot siya ngayon dahil nalaman na nitong mamamatay-tao siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang sugat ng kahapon na kailanman ay hindi na ata maghihilom pa.

Nakuha na niya lahat, pero bakit hindi pa rin siya masaya? Fifteen years na ang lumipas pero bakit sariwa pa rin ang sugat?

"Babe?" Mabilis na pinunasan niya ang luha nang marinig ang tinig ni Luis.

"Hmm?" Nagpanggap siyang inaantok at hindi ito hinarap. Naramdaman na lamang niya ang paglundo ng kama pagkatapos ay ang paghapit nito sa kanya mula sa likuran.

"I just ordered foods. Tinamad akong magluto." Anito. "Okay ka lang ba?"

"Yeah." Halos pumiyok na sagot niya.

Hindi nagsalita si Luis. Nakayakap lang ito sa kanya.

"Babe..."

"M-Mahal mo p-pa ba a-ako?" Halos pabulong na tanong niya. Naramdaman niya ang pagkislot ni Luis sa likuran niya.

"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre naman!"

Hinarap niya ito at tinitigan sa mga mata. Gusto niyang makita sa mga mata nito ang katotohanan. "Kahit na nalaman mo na ang isang bahagi ng pagkatao ko? Kahit na mamamatay-tao ako?" Lakas-loob na tanong niya.

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now