Chapter 25B

20.9K 499 88
                                    

~continuation~

Nanatiling nakaupo si Joey sa kandungan ni Luis. Ilang beses na siyang nagtangkang umalis ngunit ayaw siyang pakawalan ni Luis.

She was playing mind games on her phone while Luis was busy reading reports and cases. Kapag may hindi siya masagot ay tinatanong niya ito at mula sa mga papeles ay ibabaling nito ang atensyon sa kanya pagkatapos ay muli ring babalik sa ginagawa.

Minsan ay sinasadya niyang istorbuhin ito pero sadyang mahaba ang pasensiya ni Luis sa kanya.

"Babe," tawag niya rito. She closed the app and placed her phone at the table.

"Hmm?"

"Five na," she reminded him.

Sumulyap si Luis sa relong pambisig nito. Ibinaba na nito ang mga papeles na hawak at pinagsalikop ang mga kamay nila sa tapat ng tiyan niya.

"Uwi na tayo?" tanong nito.

Umiling siya. "Tawagan mo si Grace, baka importante 'yung sasabihin niya kanina. Saka oras na rin, pauwiin mo na siya."

"She's working overtime. May ipinapaayos ako sa kanya."

Umingos siya. "Kanina pa sana tapos 'yon kung hindi ka lang beast mode."

"Whose fault is that, hmm?" he side glanced her.

Inirapan niya lang ito. "Call her, para makaalis na rin tayo."

"Alright," sabi nito pagkatapos ay may pinindot sa intercom.

Ilang segundo lang ay pumasok na si Grace dala ang patong-patong na mga folders. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang ayos nila ni Luis. Umakto itong lalabas uli pero agad itong napigilan ni Luis.

"It's okay, put them here." Tumalima naman si Grace. "Are you done with the compilation?"

"Yes, Attorney."

"Good. Buy me a new phone. Same brand, the latest."

"Yes, Attorney." Yumukod si Grace tanda ng pagpapaalam pero agad niya itong pinigilan.

"Kami na lang bibili ng phone niya," sabi niya kay Grace at sumulyap kay Luis, "may iba ka pa bang iuutos sa kanya?"

Umiling lang si Luis at isinubsob ang mukha nito sa leeg niya.

"Alright. You can go home now, Grace. Thank you," nakangiting sabi niya.

Alanganing tumango si Grace. Nagpasalamat ito sa kanya bago mabilis na lumabas.

Pabirong tinapik ni Joey ang braso ni Luis. "Pasaway ka talaga! Na-e-eskandalo tuloy si Grace," nakangising sabi niya.

"Don't mind her," sabi nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Luis started kissing the side of her neck down to her collar bones. Nang mas bumaba pa ang halik nito'y marahan na niya itong itinulak at tumayo na para ayusin ang damit.

Pareho silang marupok ni Luis, kung hindi magpipigil ang isa sa kanila ay baka kung saan na naman mapunta ang 'paglalambingan' nila.

"Let's go?" yaya niya kay Luis. But Luis kept on staring at her.

"What?" natatawang tanong niya.

Imbes na sumagot ay bumaba lang ang tingin nito sa katawan niya. Nang bumalik sa mukha niya ang tingin nito ay nakasimangot na ito.

Tinaasan niya lamang ito ng kilay dahilan para mas sumimangot pa ito.

"Anong problema mo diyan?"

His Bodyguard (Slow Update)Where stories live. Discover now