Chapter 5

22.1K 724 26
                                    

NAGLALAKAD na si Joey patungo sa kwarto na nakalaan para sa kanya nang may humila sa kamay niya. Agad naman na umigkas ang braso niya at akma nang paulanan ng suntok ang pangahas nang magsalita ito.

"Abigail, it's me." Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa dilim at hindi rin niya makilala ang boses nito dahil pabulong lang itong nagsalita. But she can feel in her heart na si Luis ang kasama niya.

Bumilis kasi ang tibok ng puso niya katulad nang pagtibok nito kapag magkausap sila ni Luis. At isa pa'y ito lang ang tumatawag na Abigail sa kanya.

"Luis?" Paninigurado parin niya. Ibinaba na ang depensa.

"Yeah." Paos ang boses na sagot nito.

"Anong trip mo at bigla kana lang nanghihila? Teka nga! Bitawan mo ang kamay ko." Tanong niya sa lalaki at siya na rin ang nagtanggal ng kamay nito sa braso niya.

"Kanina pa kita hinihintay."

Pilit niyang inaaninag ang mukha nito pero madilim talaga.

"Oh, bakit? Anong kailangan mo?"

"Ikaw. I need you."

"Huh? Nababaliw kana ba? Psh. Lasing ka lang. Itulog mo na yan, 'tol." Sagot niya at agad naglakad palayo sa lalaki. Mabibilis ang lakad niya at nang makarating sa kwarto ay agad na isinara niya iyon at sumandal sa likuran ng pinto.

Napahawak siya sa tapat ng dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. She can't understand herself anymore! Ano bang nangyayari sa kanya?! Kapag nasa malapit si Luis ay daig pa niya ang nasa gyera dahil parang tinatambol ang puso niya.

"Shit! Gago yun, ah! Wala lang 'to. Ililigo ko lang 'to." Kausap niya sa sarili.

Nagmamadaling nagtungo siya sa banyo para maligo. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nasa ilalim ng shower. Basta nakatayo lang siya doon. Lumilipad ang isip.

"Ahhhhhhh!" Sinabunutan na niya ang sarili dahil sa sobrang frustration. "PUTANGINA MO, MARCO LUIS SY!"

Bakit ba kasi ganoon na lang ang nararamdaman niya sa lalaking yon?! Dapat ay hindi siya naaapektuhan! Dapat ay wala siyang ibang maramdaman kapag malapit ito kundi inis at galit!

"Joey, umayos ka! Hindi ka pwedeng magmahal! Hindi pwedeng lumambot ang puso mo! Tangina!"

She's hopeless. Puno ng galit sa sarili na sinuntok niya ang tiles ng banyo. At kasabay ng paglandas ng dugo sa kamao niya ay ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

NAGDADALAWANG-ISIP si Luis kung kakatok ba sa kwarto ni Abigail o hahayaan na lamang niya ang babae.

Naiinis siya sa nararamdaman. Bakit ba ang lakas ng dating nito para sa kanya? Nagmumukha na siyang tanga dahil sa mga pangsusupalpal nito.

Hindi niya alam kung bakit sinabi niya iyon kay Abigail kanina.

"I need you? The fuck! Saan ko galing 'yon?" Kausap niya sa sarili. Nang marealize kasi niya na yun ang sinabi niya kanina ay tinubuan siya ng hiya. Baka akalain ni Abigail na may gusto siya dito. And worst, isipin nito na manyakis siya.

Sinubukan niyang pihitin ang saradura and dang! Hindi naka-lock! Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bago pa siya makapasok ay narinig na niya ang sigaw nito mula sa banyo.

"Ahhhhhh! PUTANGINA MO, MARCO LUIS SY!"

Mahina siyang napamura at mabilis na lumabas ng silid nito. Halos patakbo pa siyang umalis sa lugar na iyon at nagtungo sa sariling silid.

"Tangina! Paano niya nalamang ako ang pumasok?!" Nagtatakang tanong niya at naiinis na sinabunutan ang sarili.

"Argh! What should I do with you, Abigail?! Bakit mo ba ako ginugulo?" Padapa na humiga siya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan.

His Bodyguard (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon