Chapter 12

22.3K 740 53
                                    


"Wala ka talagang balak kumain?" Hindi na mabilang ni Joey kung pang-ilang beses nang itinanong sa kanya ni Luis iyon. Simula nung matapos itong magluto hanggang sa mga oras na 'yon ay paulit-ulit lang ang tanong nito.

Kinarir talaga niya ang pakikipag-eye to eye contact sa telebisyon, ni hindi niya sinulyapan si Luis kaya halos mabaliw-baliw na ito sa pagkausap sa kanya.

Simula nang makatanggap siya ng simpleng text message mula kay Arthur ay mas lalong nagulo ang utak niya.

Dapat ay nabawasan na ang mga inaalala niya. She's one step away from her plans. Malapit na niyang mabawi ang lahat. Ang kulang na lang ay ang muling pagkikita nila ng tiyahin at pinsan then everything's done.

Iyon naman talaga ang plano na sinabi niya noon kay Arthur. Pero bakit parang hindi siya masaya? Bakit hindi mawala-wala ang sakit sa puso niya?

"Abigail naman... kaninang lunch ka pa hindi kumakain. At kanina ka pa nakatulala diyan! I'm starting to get worried." Tumabi si Luis sa kanya at masuyong hinaplos ang kamay niyang nasa magkabilang gilid niya.

Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya nang magdikit ang mga balat nila kaya agad niyang binawi ang kamay at nagpatuloy sa paglalakbay ang isip.

May kulang. Alam niyang may kulang pa. At hindi niya alam kung ano iyon.

"Abi, please? Kahit hindi mo na ako kausapin o pansinan man lang, basta kumain ka lang."

Mariing napapikit siya sa pagbanggit nito sa pangalan niya.

Abi...

Nanginig ang buong kalamnan niya. Bakit masakit parin? Bakit hindi pa rin niya makalimutan ang lahat? Kailangan ba talaga na mapatay muna niya ang mga taong gumawa ng mga iyon sa kanila? Hindi ba sapat na mabawi lang niya ang lahat ng ninakaw sa kanya?

"Abi..." Parang dinudurog ang puso niya. Sa bawat pagbigkas ni Luis sa pangalang iyon ay tinig ng mga magulang niya ang naririnig.

"Abi naman!"

"Can you please shut up?! Nakakarindi ka!" Bulyaw niya kay Luis kahit na ang totoo ay gusto niyang pumalahaw ng iyak.

Gulat na napalayo si Luis sa kanya. "Y-You're crying." Anito.

Agad namang napahawak siya sa pisngi. Naramdaman nga niya ang pamamasa ng pisngi.

"I'm not. Napuwing lang ako." Kaila niya at pinunasan ang pisngi. Pilit ikinukubli ang mga emosyon.

"Hindi ako tanga, Abigail. Why are you crying?" Masuyong tanong ni Luis. Puno nang pag-aalala ang mga mata.

"Dahil nababanas ako sa'yo. I have a lot of things to do pero heto ako, hindi makalabas sa mismong bahay ko."

Napabuntong-hininga si Luis. Pagkatapos ay isinandal ang katawan sa likod ng sofa at tumingala sa kisame.

"Ayaw mo talaga akong makasama, no?" Anito. Puno nang hinanakit ang tinig.

Magrereact pa sana siya pero bigla na lang itong tumayo at dumeretso sa hagdan.

-

NASA loob ng comfort room si Joey nang makaisip siya ng paraan para makatakas kay Luis. Kailangan niyang kumbinsihin ito na buksan ang pintuan patungong balcony. From there, tatalon siya pababa. Kahit mataas ang balcony ay sanay naman siya sa pagtalon-talon sa mga matataas na building. Ang kaibahan lang ay may rapel siyang suot bilang suporta. Unlike sa plano niya, siguradong mababalian siya. Pero ayos lang. Ang mahalaga ay makaalis siya sa bahay.

His Bodyguard (Slow Update)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu