04. Exposé

196 23 9
                                    

IMPORTANT NOTICE:
I am not a professional writer and/or critic. My evaluation and opinion will be based on my observation and other references from the net. Do note that some information about the story will be redacted in order to preserve some of the story's highlights, and to not let out spoilers which will ruin other readers' reading experience.

✏✏✏

Author: enirose19
Story: Exposé
Critic: VEEutiful
Critique Released: March 16, 2020
Parts Read: 15 parts
Book Status: On hold

TITLE
🌕🌕🌕🌕🌕

Exposé - a film or piece of writing which reveals the truth about a situation or person, especially something involving shocking facts.

The title's already a dead giveaway kaya nakakuha na agad ako ng ideya kung ano ang magiging plot ng story base pa lang dito. It's not a bad thing though. Mas ginawa nga nitong interesante ang kung ano mang magiging laman ng story.

It's short but it already says something. Wala na akong ibang mai-sa-suggest para sa title.

BOOK COVER
🌕🌕🌕🌕🌗

No'ng una kong nakita ang book cover akala ko horror ang genre niya. Sa picture pa lang kasi na ginamit ay nakakatakot na e. Aaminin ko medyo nakukulangan ako sa book cover kasi ang daming nangyayari sa story kaya hinahanap ko rin 'yong ibang symbolisms o kahit konting hint about the story. Isa lang kasi ang kaya kong ma-infer sa book cover and that is (para sa akin), si Carmen Light 'yon, or maybe Mori.

BLURB
🌕🌕🌕🌕🌕

Nagandahan ako sa pag-tackle mo ng mechanics no'ng TV show sa blurb because that's what the story is all about (or is it?). May konting exposition na rin which is good. The characters were introduced, as well as the problem or the mystery. Hindi gano'n karami ang nailantad dito pero sapat na para maging nakakaintriga. I'll give it a perfect score.

CHARACTERIZATION/
TONE
🌕🌕🌕🌕🌘

Medyo naguluhan ako sa first part nito kasi marami ang characters ng storya at magulo rin ang pagkaka-describe sa kanila. Although, habang tumatagal naman ay nakikilala na rin ang mga characters pati na ang kanilang mga mannerism at paraan ng pagsasalita so it's a good thing.

Masasabi kong may kanya-kanya silang tone pero mga nasa chapter 4 and above ko na ito napansin. Nakitaan ko rin sila ng character development as the story progressed, at medyo impressed ako sa pagkakagawa sa kanila dahil may kanya-kanyang silang styles and talents kahit na ang dami nila.

Pansin kong sinabi sa first and second chapter na 8 na artists at 8 na managers ang kukunin nila, therefore 16 na tao 'yon pero ang nakalagay lang sa chapter 2 na nakapasa ay 11. Later on the story, may mga bagong naipakilalang characters na kasali pa rin pala sa debate, which made it confusing kasi sa'n sila nanggaling? Ba't biglaan ang pagsulpot nila? Don't neglect secondary characters kahit na sabihin mong wala naman silang gaanong scenes sa istorya. They're still part of the story at nakakatulong rin sila sa ibang background at sa pagbubuo ng istorya.

Also, hindi malaman kung sino-sino ang mga artists at managers na nakapasa sa chapter 2 so I suggest na i-specify na rin 'yon ni Erm. I appreciate the descriptions about them and also the pics and gifs tho

PLOT
🌕🌕🌕🌕🌑

The plot as a whole is very interesting. Nakakaengganyo ang bawat debates nila at bonus na rin 'yong mysteries na unti-unting nilalantad ng istorya. Pero masyadong nakakabitin ang mga debates nila and some of them are really shallow and biased. Build the debate up - build the tension para mas ma-hook ang readers. Such cases could not be solved in just under thirty minutes. Masarap rin naman kasing basahin ang bawat debate nila pero mas mainam kung mag-dig deeper pa sila sa issue. Malay mo may mabungkal na mas juicy na information.

[CLOSED] Helping Hands Critique JournalWhere stories live. Discover now