09. BODACIOUS: Kristoffer Ocampo

93 11 0
                                    

DISCLAIMER:
Ang iyong mababasa ay ayon lamang sa opinion, kaalaman, at karanasan ng kritiko. Maaari kang masaktan sa ihahain na kritiko kaya hiling naming lawakan muna ang pag-iisip bago simulang magbasa. Nawa’y may karagdagang kaalaman kang matutunan sa pagsusuring ito.

✏✏✏

AuthorIAmBhris
Story: BODACIOUS: Kristoffer Ocampo
CriticPinkieditidy
Critique Released: May 17, 2020
Parts Read: 43 parts
Book Status: On going
Genre: Romance

Author: IAmBhrisStory: BODACIOUS: Kristoffer OcampoCritic: PinkieditidyCritique Released: May 17, 2020Parts Read: 43 partsBook Status: On goingGenre: Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TITLE:
(3%)

Bodacious – “means sexy and can be possessive. Bodacious comes from the word Bold and Audacious which means they are bold enough to do something risky”.

Aaminin ko, tumatak sa akin ang salitang bodacious dahil ngayon ko pa lang ito na-encounter, other people may think otherwise though because it is an unfamiliar word at ito naman ang con sa paggamit ng mga salitang hindi pamilyar sa masa. Hindi ‘yon ang pinupunto ko rito though, kundi ‘yong koneksyon niya sa istorya. Hindi kasi naipakita ‘yong pagiging bodacious sa katauhan ni Jhon Kristoffer Ocampo dahil sabi na rin sa description ay “shy” raw siya. Sa pangalan pa lang din ng bida ay hindi na bodacious ang dating. Masyado na kasi itong common at widely-used na ang pangalan niya, samantalang ‘yong mga kaibigan niya ay may kakaiba at unique na mga pangalan.

Sa pagbabasa ko rin ng istorya ay parang hindi ko na makita kung bakit si Kristoffer ang nakalagay sa title. Dahil ba isa siya sa Bodacious Men? Dahil ba siya ang male lead? Pansin ko kasing mas marami ang ganap sa side ng female lead. May mission ang female lead, may conflict at may background, habang si Kristoffer ay nando’n lang para suportahan siya. Maging doon sa parte ng istoryang bumalik si Kristoffer sa Pilipinas ay mas focused pa rin ang istorya kay River dahil marami ang nangyari sa kanya five years ago. But, this may be just me saying though.

Overall, the title is okay, but could be better. Masyado na kasing common ang structure ng title na pangalan ng character ang nilagay. Isang halimbawa nito ay ‘yong Possessive Series ni Cecelib. Pros and cons of your title: Pro – pwedeng dagsain ng mga mambabasa dahil ang title ay halos kapareho ng structure ng isang sikat na series. Con – pwedeng hindi na mag-stand out ang title ng istorya dahil halos kapareho ang structure nito sa isang sikat na series.

BOOK COVER
(3%)

Good, but lacking. Hindi ko makita ‘yong pagiging ‘Bodacious’ ng cover. Hindi ko rin ma-picture na si Kristoffer ang nasa book cover dahil taliwas ito sa sinabi sa description sa character niya na “shy” raw siya. Tingin ko mas maganda kung naipakita rin dito ‘yong love of music niya dahil ayon ‘yong masasabi kong distinct characteristic niya na madi-differentiate siya sa ibang Bodacious Men.

[CLOSED] Helping Hands Critique JournalWhere stories live. Discover now