18. Against Time

94 13 4
                                    

IMPORTANT NOTICE:
I am not a professional writer and/or critic. My evaluation and opinion will be based on my observation. Do note that some information about the story will be redacted in order to preserve some of the story's highlights, and to not let out spoilers which will ruin other readers' reading experience.

✏✏✏

Author: httpjin_
Story: Against Time
Critic: VEEutiful
Critique Released: May 3, 2020
Parts Read: 7 parts
Book Status: Complete

Author: httpjin_Story: Against TimeCritic: VEEutifulCritique Released: May 3, 2020Parts Read: 7 partsBook Status: Complete

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TITLE
🌕🌕🌕🌕🌕

The title is quite a genius one. Maikli lang ito pero sapat na para makita ang relevance nito sa istorya at madali rin itong maalala. Malakas ang dating nito na agad na mapapansin ng mga mambabasa. Wala nang mas babagay pa na title sa story niyo kundi ito kaya props to you, author.

BOOK COVER
🌕🌕🌕🌕🌕

The book cover gives off a fantasy vibe which is really alluring. Magandang tingnan ang book cover dahil halos lahat ay nagbe-blend nang maayos at 'di nagka-clash sa isa't isa. Maganda ang choice ng font pati na rin 'yong pagdagdag ng "2020". Great touch with the clock dahil do'n pa lang napapakita na ang title pati na rin ang kaunting plot ng istorya. Wow na wow ako sa book cover at sure akong dito pa lang mapapabuklat na ang mga mambabasa.

BLURB
🌕🌕🌕🌕🌗

It's good, but lacking something — the catch. Hyacinth went back in time to meet the man of her dreams... then what? Entice your readers. Bigyan niyo sila ng rason para maging interesado sila sa istorya.

CHARACTERIZATION/
TONE
🌕🌕🌕🌕🌖

Nagandahan ako sa characters niyo dahil masasabi kong buhay sila. Realistic sila at relatable. Nagpapakita kasi talaga sila ng emosyon kahit na binabasa lang natin sila.

Maganda ang pagkakagawa kay Hyacinth dahil masasabi kong napag-isipan talaga nang mabuti ang character niya. Maayos na nailantad ang character niya pati na rin ang background niya. Ang nakita ko lang na mali sa kanya though, sa pananalita niya ay hindi siya mukhang galing sa 2120. Uso pa rin sa kanya ang slang na "naol" which, when you think about it, should be a dead meme already since 100 years na ang nagdaan. Ayon lang ang napansin kong mali sa kanya.

Tungkol naman kay Axel, masasabi kong napamahal rin agad ako sa kanya sa konting panahon na pinakilala siya sa istorya. Hindi siya kasi nagmukhang siningit lang kundi talagang siya 'yong bumuo ng istorya. Kahit walang gaanong alam sa kaniya bukod sa siya ang asawa ni Iya, napakita pa rin sa istorya na mahalaga ang gampanin niya 'don.

PLOT
🌕🌕🌕🌕🌖

I love how the little details in stories turn out to have a really huge impact on the plot. Katulad na lang no'ng semicolon, 'yong pagkwento ni Hyacinth kay Reese ng "bedtime story", si Cedric, etc. Dito pa lang masasabi ko nang maganda at maayos ang pagkakagawa ng istorya dahil kaunting details nga napagtutuunan ng pansin, paano pa kaya 'yong mismong plot. Nakadagdag rin sa coherence ng istorya 'yong mga maliliit na details no'n.

Sa simula pa lang nagkaroon na agad ako ng interes sa istorya dahil napakaganda ng pagsimula niyo. Nag-iwan sa akin ng mystery ang naging panaginip ni Hyacinth plus 'yong meaning ng semicolon kaya naman plus point 'yon para sa'yo, author.

Ang talagang nagandahan ko sa istorya ay kahit na maikli lang ito, hindi niyo ginawang sobrang OA ang romance nina Hyacinth at ng mahal niya, pati na rin 'yong panganib sa buhay nila. Nagmukha itong natural lang at na-explain nang maayos dahil maganda ang pagkakalahad.

Pero, sabi ko nga, hindi gaanong napakita na 2120 na ang taon sa una at simula ng kwento, bukod sa sinabing naging mas polluted na ang lugar. Siguro dagdagan ng kaunting technological advancements, o sabihing may mga suot na hazmat suit ang bawat isa dahil nga masyado nang polluted ang lugar, and that would be enough to show that it's not the present anymore. Just imagine, 1920 to 2020 marami na ang pagbabago kaya dapat maipakita rin sa istorya ang pagkakaiba ng 2020 at 2120.

GRAMMAR/
NARRATION/
DIALOGUE
🌕🌕🌕🌕🌖

The dialogue and narration are spot on! Ramdam ang emosyon sa bawat pagsalita ng characters pati na rin sa narration. The show vs tell is good. Hindi overkill ang pagbibigay ng info kahit na maikli lang ang kwento at talaga namang madadala ka sa bawat salita ng kwento. Overall, it's well delivered, pero, may mga napuna pa rin ako.

Sa mga dialogues na sinusundan ng dialogue tag, 'wag kalilimutang i-end ito gamit ang comma at dapat ang susunod na letra ay lowercased.

✖ "Napanaginipan ko na naman 'yong kinukwento ko sa'yo." Sagot ko at umayos ng upo.

✔ "Napanaginipan ko na naman 'yong kinukwento ko sa'yo," sagot ko at umayos ng upo.

Also, the past tense for cut is "cut", Hindi "cutted".

NOVELTY
🌕🌕🌕🌕🌖

It's definitely not new to me but I can say that it has it's own story. May sariling estilo naman kasi ang author kung paano niya ginawa at pinakilala ang characters, pati na rin sa paglalahad ng istorya na may malakas na impact sa mambabasa kaya paniguradong tatatak ito sa kung sino man magbabasa.

OVERALL EVALUATION
🌕🌕🌕🌕🌖

Honestly, 'di ko alam ang mararamdaman ko sa pagbabasa ng istorya niyo. Halo-halo e, matatawa, kikiligin, malulungkot, kakabahin, at maghahanda ng tissues. Sobrang nag-enjoy ako sa pagbabasa lalo na't ang ganda ng ending pati na rin 'yong special chapter. Kahit maikli lang ang kwento, tumatak ito sa'kin dahil tagos sa puso 'yong emosyon ng istorya. Hands down to you, author!

✏✏✏

What do you think of my criticism? I want to hear your review as well ↪

-🎑

[CLOSED] Helping Hands Critique JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon