Prologue

27.1K 754 96
                                    

PROLOGUE
The Average Queen

Third Person's P.O.V

In celebration for their succesful research project, Dakota and her classmates ended up drinking their souls out in a nearby night club.

"Tangina, mag-celebrate tayo sa pagiging gwapo ko!" Sigaw ng isang lalaki, Nashiel Rurukii Tostillas o mas kilala sa palayaw na 'Naruto'

"Aray!" Sigaw nito nang tumama sa ulo niya ang isang bottled water na wala ng laman, inis niyang nilingon ang kanyang matalik na kaibigan na si Dakota, "Hoy, anong karapatan mo para batuhin ako?!"

"Eh ikaw, anong kayapatan mo para ipagkalat ang ishang kashinungayingan? Gwapo? Pwe!" Dakota sputtered before drinking another batch of Red Horse. And by the looks of it, she's completely drunk.

Tigil na sa pag-inom, Dakota. Paalala niya sa sarili pero iba ang ginagalaw ng kanyang katawan.

Suminghap si Naruto saka nilapitan ang dalaga, "Bakit ba ayaw mong maniwala na totoong gwapo ako?"

"Paano ako maniniwala eh wala namang ebidensya ang nagpapashunay na gwapo ka." Humalakhak si Dakota, saka pinisil-pisil ang pulang pisngi ni Naruto.

Umismid ang binata kaya naman hinila na lamang siya ni Dakota sa gitna ng dance floor habang hawak-hawak ang isang bote ng alak, "Shayaw na nga lang tayo!"

Tinitigan lang siya ng binata habang para siyang tangang sinasayaw ang kantang Sorry ni Justin Bieber. Aliw na aliw pa ito dahil fan na fan siya ni JB.

Lasing na ito. Naiiling na naisip ni Naruto habang nakatingin sa kaibigan.

"Ayam mo ba? Naiinis ako sha'yo!" Saad ni Dakota saka mahinang hinampas si Naruto sa dibdib.

Natawa naman si Naruto sa inasta ng dalaga, "Anong nakakainis sa akin?"

"Kashi ikaw na nga ichong nagshasabing gwapo ka! Peyo bakit wala ka pading girlfriend!" Parang batang saad ni Dakota. Nginitian lamang siya ng binata kaya mas lalong siyang nainis, "Shabi mo hanapan kita ng babae, peyo lahat naman ng nirereto ko shayo, inaayawan mo!"

Mula sa kantang Sorry ay lumipat ito sa isang sikat na kanta ni Ed Sheeran na thinking out loud.

Nasa loob sila ng isang maingay na club, kung bakit may love song na ipinatugtog ay hindi na nila alam.

"Eh ayaw ko naman kasi sa kanila." Utas ni Naruto saka hinapit sa bewang ang kaibigan. Medyo nagulat si Dakota doon, ngunit ikinawit niya pa din sa batok ni Naruto ang kanyang braso. Madikit naman na talaga sila sa isa't isa kahit pa noon. Kaya hindi na ito kapani-panibago.

"Eh shino ba kashi ang gushto mo?" Inis na tanong ni Dakota.

"Ilang beses ko ba kasing kailangan sabihin sa'yo na..." Tumigil saglit si Naruto, saka idinikit ang hintuturo sa noo ni Dakota, "Na ikaw ang gusto ko."

Kahit lasing si Dakota'y hindi maiwasan ng kanyang puso ang mag-react sa sinabi ng binata. Nilagok niya ang natitirang laman ng alak saka hinila si Naruto sa counter para kumuha muli ng isang bote.

Mataas ang upuan doon kaya nahirapan siya sa pagtalon upang makaupo, kaya no choice siya kundi magpatulong kay Naruto.

Hinawakan siya nito sa bewang at inangat para makaupo sa mataas na upuan. Hawak-hawak ang isa pang bote ng alak ay tinignan niya ang nakangiting si Naruto.

Because of the people's violent reactions, napilitang palitan ng DJ ang kanta into another modern remix music.

Dahil doon ay nabuhayan ng dugo si Dakota at sumabay sa pagindayog ng kanta, natigil lang siya sa pagsayaw nang mapansing tinatawanan lamang siya ng kaibigan, "Hindi ba ako magaling magshayaw?! Bakit ka natatawa?!"

"Wala." Ngumisi si Naruto at humawak sa bewang ni Dakota bilang suporta. Ipinahinga naman ng dalaga ang kanyang kamay sa bisig ni Naruto.

Because of that position, the two exchange looks making them stare at each other's eyes.

Wooh, tukso. Sa isip-isip ni Naruto nang magawi ang tingin sa labi ng kaibigan, na pawang nang-aakit ba dahil bahagyang nakaawang ang labi nito.

Lalayo na sana siya kay Dakota ngunit ipinulupot naman niyo ang hita sa kanyang bewang na mas naglapit sa kanilang dalawa. Ngumiti si Dakota sa kanya bago inilapit ang mukha sa tenga ng binata at bumulong nang napakarahan, "Wag ka ng maghanap ng ibang babae. Andito lang naman ako, gugushchuhin kita forever. Mamahayin kita ng panghabang buhay. At shashamahan kita hanggang sa pagtanda."

Hindi iyon inaasahan ni Naruto pero mas hindi niya inaasahan ang pagsiil ng labi ni Dakota sa kanyang labi.

One random night

They confessed

They kissed

They added another blissful memory

But...

All of it became just an illusion.

When Dakota woke up, remembering nothing.

The Average QueenWhere stories live. Discover now