Chapter 19: Settle

10.3K 442 351
                                    

Plane crash.

Hindi ako makapaniwala. Mabilis ang pagtulo ng luha ko at para na akong mamatay sa nalaman.

Iilan lang daw ang nakaligtas. At umaasa ako na sana...sana kasama si Naruto sa mga nakaligtas.

Niyakap ko si Asher na panay ang iyak. Sina Nanay ay tinatawagan ang may-ari ng Airlines. Tumutulong din si Mommy sa pagkuha ng impormasyon.

Napabalikwas ako sa aking upuan sa sobrang kaba nang mapalitan ang mukha ni Asher ng isang babaeng hindi ko kilala.

Ngumisi siya at nag-peace sign, "Charot lang, walang plane crash na naganap. Hahahahaha."

"Hala, baliw." Sabi ko.

Kumindat siya at bumelat, "Enjoy reading!!!"

Hahahahaha.

-

"Delivery po para kay Miss Dakota Suarez." Sabi ng isang delivery boy pagkabukas ko ng pinto ng apartment. Inabot ko ang dala-dala niyang isang bouquet ng pink carnations.

"Salamat." Pumirma ako sa pinapapirmahan niya saka siya pinagmasdang lumayo. Pumasok ako sa loob at tinignan ang printed na note na nakasabit sa ribbon ng bouquet.

Black or maroon?

Ngumuso ako at sinagot ang tawag ni Naruto sa FaceTime. He grinned when he saw me. May hawak-hawak siyang kulay black na v-neck shirt at maroon na three-fourths, "Ano ba mas bagay sa akin?"

"Para saan ba 'yan?" At talagang nagpadala pa siya ng flowers para lang itanong 'yan. Inilapag ko ang mga carnations sa mesa.

"Pupunta 'kong San Francisco bukas."

"Talaga?" Mangha kong tanong, minsan lang kasi siya mag-gala doon, "'Pag nakita mo si Mommy pakisabi mahal ko siya."

Ngumisi siya, "Sure. Sure. So ano ang mas bagay?"

"Tayo?" Dagdag niya saka humalakhak. Inismiran ko lang siya doon.

"Ano nga?"

"Yung maroon." Sagot ko. Ngumiti siya agad at tinapon patalikod iyong black na t-shirt.

Isang linggo palang simula nang umalis siya at halos araw-araw ay magka-video call kami. Dati naman ay twice a week lang pero ngayon, inaaraw-araw niya ang pag-tawag.

Ganoon daw talaga kasi 'pag nagmamahal. Luh.

Daming arte eh, namimiss lang naman niya ko. Hahaha.

Minsan hindi nagkakaabot ang oras namin. Patulog na ko, pagising palang siya. Kaya madalas akong nagpupuyat at ganoon din siya. Feel na feel ko nanaman ang kantang Magkabilang Mundo sa aming dalawa. Pero pang-jeje yon kaya ayaw kong gawing theme song namin.

I wonder kung anong magandang theme song para sa amin ni Naruto...

"Ay, gago." Mura ko nang matapilok ako papasok ng elevator. Natawa si Tommy na naunang pumasok sa akin, "Distracted again, Darah?"

Ngumuso ako at pumasok na. Sumunod si Hinata na ngumiti sa amin at tumabi sa akin. Three days after umalis ni Naruto, bumalik na sa dati si Hinata. Kinakausap na niya kami at sumasama na 'pag lunch.

The Average QueenWhere stories live. Discover now