Chapter 25: Friendship Over

15K 536 602
                                    

This is the last chapter of TAQ! Enjoy! *wink wink*

P.S - 'Di ko na po naedit ito kaya madami typo hehe

"May tatlong bear sa loob ng isang bahay." I cooed saka kiniliti si baby Theo, "Si Papa Bear, si Mama Bear, si Baby Bear."

Bumungisngis ang cute na cute na bata. Sumubsob ako sa mabangong leeg niya, "Si Papa Bear ay malakas. Si Mama Bear ay maganda."

Kinagat ko ang kanyang pisngi sa pang-gigigil, "Si Baby Bear ay napakaliksi!"

"Tignan niyo, tignan niyo, ang saya nila!" Pumalakpak ako kaya lalong lumaki ang ngisi ni Theo.

"Sobrang cute mo!" Gigil na gigil kong sabi saka nakipag-nose to nose sa kanya.

"Sana ako nalang si Theo." Nakangusong singit ni Naruto, "Imbis na nasa akin ang atensyon mo, nasa kanya na. Nagseselos na 'ko."

"Baliw." Halakhak ko saka kinarga si baby Theo.

Umalis kasi si Hinata dahil ichecheck niya ang lilipatan nilang apartment. Malapit iyon sa baby sitter ni Theo. Habang wala siya ay kami ni Naruto ang nag-babantay kay Theo kaso dahil pilay ang isang braso ni Naruto, ako ang palaging humahawak kay Theo.

"Mateo James M. Parker. Bagay na bagay!" Magiliw kong sabi. Hinawakan ni Theo ang aking ilong at ngumiti. Mukhang masayahin itong batang 'to!

"Aalis ka na talaga mamaya?" Tanong ni Naruto habang tumitipa sa kanyang phone.

"Oo." Sagot ko. Isang linggo lang naman ang leave ko. Dalawang araw ang tinagal ni Naruto sa ospital. Tapos nag-stay kaming San Francisco for two days. Tapos naglilibot-libot sa kung saan saan at ayon, pauwi na akong Pinas mamaya, December 31. Hindi na nga ako aabot sa magandang fireworks display ng L.A.

January 1 ng madaling araw naman ang uwi ni Naruto sa Pinas. Tinry naming ilipat ang flight niya kaso wala ng available seat kaya in the end, magkahiwalay kaming uuwi ng Pinas.

Kumunot ang noo ko nang biglang umiyak si Theo. Chineck ko ang diaper niya pero wala namang pupu.

"Nagugutom na ata." I murmured saka dahan dahan siyang binuhat, "Ssh, baby."

"Kukuha ako ng gatas." Tumayo si Naruto. Pagbalik niya ay may dala na siyang bottled milk. Shinake niya ito at inabot sa akin.

"Thank you, Tito Nash." I cooed saka pinadede si Theo. Tumigil siya sa pag-iyak at sumipsip sa bottled milk.

Hinele-hele ko siya para makatulog, "Twinkle, twinkle, little star."

"'Wag 'yan ang kantahin mo." Bulong ni Naruto habang nakaangat ang kanyang phone. Kinukunan nanaman ata ako ng video. Napapadalas ang pagvivideo niya sa akin nitong mga nakaraang araw.

"Ano dapat?" Bulong ko saka tumayo para mapatulog ng mabuti si Theo.

"Ako kakanta." He volunteered before clearing his throat.

"You know what to do with that big fat butt..." Malambing niyang sabi habang nagpipigil ng tawa, "Wiggle wiggle wiggle."

Sumipol siya at parang tangang ginalaw ang kanyang balakang.

"Tumigil ka nga. Baliw."

"Sa'yo." Ngumuso siya at lumapit sa amin ni Theo. Tinapat niya sa akin ang camera tapos ay kay Theo naman.

"Alam ko na kung ano dapat kantahin." Nakatitig sa akin si Theo. Ang ganda ganda ng mata niya. Manang-mana kay Tommy.

"What you gonna, what you gonna do with that dessert." Halakhak ko, "Dupadyparitaduparutey."

The Average QueenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz