Chapter 7: Bestfriend

13K 499 338
                                    

Pinagmamasdan ko sina Lily habang nag-lalaro sa tubig. Nakaupo ako sa gilid ng pool dahil medyo napagod ako sa kakalangoy. Wala namang kapaguran ang mga 'yon.

"Oh, barbecue."

Nag-angat ako ng tingin at nakita si Naruto na inaabot ang barbecue sa akin. Inirapan ko siya, "'Di ako gutom."

Nag-squat siya sa gilid ko habang nakaharap sa akin, "Galit ka pa din?"

"Wag mo nga ko kausapin."

Bumuntong-hininga siya, "Look, ayoko lang talaga na magsuot ka ng ganon, Dakota. Iniiwasan ko lang na makakuha ka ng masyadong maraming atensyon at baka mabastos ka pa."

"Hindi naman kasi ako sexy para nga makakuha ng atensyon ng iba. 'Di hamak na mas maganda ang katawan nina Lily sa akin." Lumublob ako sa tubig para makalayo sa kanya.

"Bata, sa'yo nalang 'tong barbecue."

"Talaga? Yehey! Salamat!"

Matapos iyon ay nakarinig ako nang splash ng tubig, "Dakota."

Nilingon ko siya at nakitang palangoy siya patungo sa akin, "Wala rin naman iyon sa kung sexy ka o hindi. Basta nakasuot ka ng ganon ay paniguradong pagtitinginan ka ng mga lalaki. Maganda ka kaya sigurado ako doon."

Ngumuso ako, "Naks naman. Inamin mo naring maganda ako."

"Totoo naman ah." Ngumisi siya at binasa ang aking buhok, "Huwag mo na kasing ipilit ang gusto mo kasi di kita papayagan."

"Bakit si Hinata 'di mo pagbawalan?"

"Bakit ko pagbabawalan, kami ba?"

"Eh, bakit ako? Pinagbabawalan mo? Di naman tayo." Saad ko saka lumangoy patungo kina Lily, nakasunod naman sa akin si Naruto.

"Oh, bati na kayo?" Tanong ni Diane.

"'Di naman kami mag-kaaway ah." Sagot ko saka kumapit pa sa braso ni Naruto, "Close close nga namin eh!"

"Lul." Tawa ni Lily, "Agaw atensyon nga iyong away niyo kanina eh."

"Kasalanan mo 'yon no! Kung hindi mo ko pinilit, hindi kami mag-aaway!"

"Ako pa talaga? Sino kaya nagpapilit?" Ngisi ni Lily, "Tsaka, ikaw pa nga nagsabi na gusto mong akitin si Sir Thomas eh."

"Hoy, tangina ah!" Sinabuyan ko siya ng tubig bago tumingin kay Naruto, "Wag kang maniwala diyan, kapatid yan ni Pinocchio eh!"

"Defensive pa." Kantyaw ni Bridgette kaya pinakita ko iyong midfing ko sa kanila. Napakagaga ng mga ito!

"Pero seryoso, Naruto ah, bakit ba pinagbabawalan mo yang si Dakota? Hindi naman kayo, diba?" Tanong naman ni Margaux na sexyng sexy sa kanyang suot.

"Hindi pa kami." Ngumisi si Naruto at humawak sa balikat ko. Kinurot ko naman siya, gago talaga to.

"Boom!" Humalakhak si Bridgette, "So, may chance?"

"Ewan ko kay Dakots. Manhid 'yan eh." Humalakhak si Naruto.

Tumawa silang lahat habang ako nama'y suminghap, "Tigilan niyo nga ko."

Pero dahil mababait sila, tinukso pa din nila ako kay Naruto. Si Hinata nama'y nakatahimik lang sa gilid at natatawa din. Hindi ko alam kung may gusto ba siya kay Naruto o nakikipagfriends lang din talaga siya.

Walang hiya naman kasi itong kaibigan ko, paano siya magkakagirlfriend kung todo dikit siya sa akin?

Bandang alas sais na nang paahunin ako ni Naruto sa pagsiswimming, ang itim itim ko na daw kasi. Nakalimutan kong mag-sunblock kanina. Nagpaiwan naman sina Lily, Bridgette at Hinata. Si Diane at Margaux ay umahon na din.

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon