Chapter 15: Skater girl

11.7K 470 162
                                    

Nagising ako kinaumagahan sa kwarto ni Naruto. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa nainom na wine kagabi. Hinanap ng mata ko si Naruto kaso nakabangon na ata siya.

Kinusot ko ang aking mga mata at humikab. Suot ko ang t-shirt na binili ni Naruto sa akin noon tapos ay ang pajama shorts na naiwan ko dito.

Napakunot ang noo ko nang may makitang isang red rose sa gilid. Dinampot ko ang note na nakalagay sa tabi nito.

Good morning, love.

Napangisi ako sa nabasa. Talagang ginamit niya ng endearment iyong 'love'. Ang corny noon para sa iba pero ibang kiliti ang naramdaman ko sa aking tiyan.

Kinuha ko ang rosas at inamoy ito. Kahit na wala namang amoy ay feeling ko ang bango-bango nito. Hinawakan ko ang petals bago inilapag ulit sa ibabaw ng drawer.

Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko doon si Nanay Jenny na nagluluto at si Lola Mildred na nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning, Nay! Lola!" Bati ko saka kumuha ng tubig, "Si Naruto po?"

"Ay naku, maagang umalis si Nash. May tumawag kanina sa kanya eh, hindi ko alam kung sino pero nagmamadali siyang umalis." Ani Nanay Jenny. Medyo nawala ang 'good' sa morning ko dahil doon, saan naman nagpunta ang loko at sino ang pinuntahan niya?

"Kumusta na ba, Dakota? Mayroon na ba akong panibagong apo sa tuhod?" Ngisi ni Lola Mildred.

Ngumuso ako at umiling, "Lola, bata pa po kami ni Naruto. Tsaka magkaibigan po kami."

"Magkaibigan pero nagkikiss—"

"Lola!" Pigil ko dahil aasarin nanaman niya ako. Humalakhak si Lola at tinuon na muli ang pansin niya sa dyaryong binabasa.

Naligo muna ako at nagbihis ng uniform bago makisalo sa kanila sa pag-kain. Patapos na akong kumain nang dumating si Naruto. Ngumiti siya nang makita ako, tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-iwas ng tingin.

"Nash, kumain ka na muna dito bago mo ihatid si Dakota sa trabaho." Anyaya ni Nanay Jenny sa kanya, "Saan ka ba kasi nagpunta? Sino ang kasama mo?"

"Wala, nay. Diyan lang sa Ministop. Kaibigan lang." Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at kumuha ng makakain. Sinong kaibigan naman at bakit hindi niya masabi ang pangalan?

"Oo nga! Sorry na!" Ani Kuya Bogart sa kausap niya sa phone. Napamura siya nang babaan ata siya ng kausap. Napagalitan tuloy siya ni Lola.

"Sino ba 'yon, kuya? Girlfriend mo?" Asar ko, "Buti may napatol."

Ngumuso siya, "Palibhasa sa'yo, si Nash lang ang magkakamaling pumatol."

"Aba! Kuya! Grabe ka naman! Ang dami ko kayang manliligaw! Isa na doon yung crush na crush kong boss." Ngisi ko, "Eh ikaw? Basted?"

"Barbero, amp! Gawa-gawa." Humalakhak si Kuya at kumain na. Inirapan ko na lamang siya. Palibhasa kamukha noong aso ng kapitbahay ang tipo niyang babae.

Hinintay ko pang matapos kumain si Naruto para maihatid niya ako sa office. Habang nasa byahe ay tahimik ako dahil gusto kong siya ang mag-initiate ng conversation kung bakit siya umalis kanina. Pero mukhang wala siyang balak mag-salita tungkol doon.

Padabog akong lumabas ng kotse sa inis ko, "Magcocommute nalang ako mamaya!"

Nagtataka niya akong tinignan tapos ay napangisi nang mapagtanto kung bakit ako nagkaganoon, "Dakota, si Hilary lang ang kinita ko kanina. Tumawag siya at sabi niya gusto niya akong makausap. Iyon lang."

"Bahala ka! Hindi ako nakikinig!" Tinakpan ko ang tainga ko at tumakbo papasok ng building. Hindi ko na siya nilingon dahil paniguradong pinagtatawanan niya lang ako.

The Average QueenWhere stories live. Discover now