Chapter 13: Family

11.7K 525 180
                                    

"Dakota..." Bulong ni Naruto sa tainga ko. Umungos ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Antok na antok pa ako!

"Dakota. Gising na." Bulong ulit niya. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-tulog.

"'Pag 'di ka gumising diyan, matatagusan mo na iyang buong banig."

Napamulat ako ng mata sa sinabi niya. Kinapa ko ang pwet ko at napansing medyo basa iyon. Holy shit!

Mabilis akong tumayo at tinignan ang hinagaan ko. I was horrified noong makita kong natagusan ko iyong kumot na nakapatong sa banig. Shet, nakakahiya!

"Tara na, maligo ka na muna." Sambit ni Naruto saka pinatong sa ulo ko iyong tuwalya.

"Naruto! Nakakahiya! Sorry!" Sabi ko tsaka hinanap si Ate Lets. Natatawa itong nakatingin sa akin, "Ayos lang 'yan, Dakota. Si Naruto na bahala mag-laba niyan. Maligo ka muna."

"Ate, sorry talaga! Gamit ko pa naman ang shorts mo!" Grabe, nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ngayon pa ako nagkaroon?!

"Ayos nga lang, Dakota." Tawa ni Ate Lets.

Si Naruto naman ay tinulak na ako papunta sa banyo, "Binilan na kita ng pads mo. Yung with wings, diba? Pati underwear kasi wala kang dalang pamalit. Tapos hiniram kita ng t-shirt at shorts kay Ate."

Pulang-pula na ako sa kahihiyan. Dati pa naman ako binibilhan ni Naruto ng pads kapag nakakalimutan ko. Pero iyong panty, nakakahiya na! Dapat nagdadala talaga ako ng extra!

Napanguso ako nang pitikin niya ako sa noo, "Okay lang, Dakota."

"Thank you." I murmured saka pumasok sa banyo. Makikigamit pa ko ng sabon at shampoo. Nakakahiya talaga kina Ate Lets. Tungunu.

Nag-linis ako ng katawan. Nakaready na ang susuotin ko sa isang tabi. Nandoon na din ang napkin at underwear na binili ni Naruto.

Namula ako bigla, totoo nga iyong sinasabi nilang para kaming mag-asawa. Sino ba naman kasing lalaki ang may guts na bumili ng napkin at extra underwear sa convenience store? Napakarare ng ganyang lalaki. Saludo na ako kay Naruto.

Pagkatapos kong maligo ay nilabhan ko ang suot kong panty kanina at isinilid sa plastik saka ako nagbihis. Pagkalabas ko ng banyo ay wala na iyong hinigaan namin.

"Nasa labas si Nash, Dakota. Nilabhan lang saglit iyong kumot. Kumain ka na dito." Ani Nanay Jenny.

"Sabay na po kami ni Naruto." Sambit ko saka nagpunta sa labas. Nakita ko ngang kinukusot ni Naruto iyong kumot na natagusan ko. Mabilis ko siyang nilapitan, "Ako na diyan, oy."

"It's fine. Kaya ko naman." Sabi niya. Namula ako ng sobra nang parang wala lang sa kanya iyong dugo sa kumot.

Madalas kasi ang mga lalaki, ang arte-arte kapag nagkatagos ang babae. Sabihin mo pa nga lang na meron ka, magyayuck na sila.

"Ako na kasi. Kumain ka na doon." Umupo ako sa tabi niya.

"Just watch me." He said tapos ay hindi talaga pinaubaya sa akin ang gawain. Sumimangot ako pero wala din naman akong magagawa. Mahirap pilitin si Naruto eh.

"Bakit ngayon pa kasi ako nagkaroon..." Maktol ko. Ngayon pa naman ang punta namin sa Amana. Hindi tuloy ako makakapag-swimming.

"Idadaan ko muna sina Nanay sa bahay tapos dumiretso tayo sa apartment niyo."

"Hindi na. Iyong damit ko nalang na nasa cabinet mo ang susuotin ko. Hindi rin naman ako makakapagswimming. Tsaka para tipid sa gas. Kasama natin iyong mga pinsan mo?"

"Oo, papunta na sila sa bahay. Nag-rent sila ng jeep. Gusto mo doon o magkotse tayo?" Binanlawan niya na ang kumot. Nakakatuwa nga dahil nawala lahat ng mantsa. Pwede ng labandero si Naruto.

The Average QueenWhere stories live. Discover now