Epilogue

18.7K 643 1K
                                    

Epilogue
The Average Queen

"Sa wakas, ikakasal na din kayo! Congrats, girl!" Ani Lily. Ngumiti ako sa kanya at pinagmasdan ang puting dress na suot ko. Simple lamang ito.

"Grabe! After how many years! Sa wakas ay sa simbahan din ang uwi niyo!" Ani naman ni Bridgette. Nginitian ko lang din siya.

Kumakalabog ang puso ko sa excitement.

Ang tagal naming hinintay ni Naruto ito. Ang tagal pinaghandaan. At ito na. Ito na nga ang pinakahihintay naming dalawa.

Any minute now ay maglalakad na ako sa aisle patungo sa kanya. Ilang sandali nalang ay ikakasal na kami.

"Ang swerte mo, girl! Mahal na mahal ka niya!" Tili ni Diane.

Oo nga eh. Ang swerte ko sa kanya.

"At ang ganda ganda mo ngayon..." They said awed, "...Hinata."

Napakunot ang noo ko sa pangalang binanggit nila.

"Ayusin mo nga 'yang veil mo te!" Nilagpasan ako ni Diane.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa likod. Nakita ko doon si Hinata na nakasuot ng isang magarbong wedding gown. Mala-anghel ang kanyang ngiti at sa gilid niya ay isang batang lalaki na sa tingin ko ay si Theo.

"Grabe! Akala ko hindi na makakamoved on si Naruto kay Dakota." Medyo humina ang boses niya pagkasabi ng pangalan ko. Kumirot ang aking puso at nilapitan sila.

Natahimik silang apat. Para bang may malakas na epekto sa kanila ang pagbanggit sa pangalan ko.

"Sampung taon na din naman..." Huminga ng malalim si Lily, "Ang tagal na din pala nang mawala siya hano?"

"Ha?" My frown deepened, "Anong pinagsasasabi niyo?"

Pero hindi nila ako narinig. Halos maiyak ako nang sinubukan kong hawakan si Lily pero tumagos ang aking kamay sa kanya.

Fuck. Ano 'to?

"Sana masaya siya ngayon..." Ngumiti si Hinata, "Aalagaan ko naman si Naruto. Hindi ko siya pababayaan."

Sinubukan kong kausapin sila pero parang hangin lang akong umiihip. Nandito ako pero hindi nila ako makita-kita.

"Hoy! Ano ba! Hindi magandang joke 'to!" Pumiyok ang aking boses at sinubukan silang hawakan ulit pero talagang tumatagos ang aking kamay sa kanila.

Bigla akong nahilo. Parang umikot ang mundo. Dinala ako nito sa simbahan. Tunog ng wedding bells ang aking naririnig. Ang kantang All Of Me ay tumutugtog habang papalapit ang bride na si Hinata sa groom niyang si...

"Naruto." Nasasaktan ako na makita siyang nandoon sa dulo ng aisle. Nakangiti siya at nakaayos ng todo ang kanyang buhok. Humikbi ako nang makita ang bahid ng kulay pink sa kanyang buhok.

Dahil ang kupad maglakad ni Hinata ay inunahan ko siya at tumungo papunta sa tapat ni Naruto.

"Love!" Sigaw ko ngunit kahit na asa harapan na niya ako ay hindi niya ako pinansin. Bumigat ang aking pakiramdam. Dinurog nanaman ang aking puso.

"Love! Nandito ako oh! Hoy! Nautot!" Paghikbi ko, "Tangina. Pansinin mo 'ko!"

"Hello, it's me!" Kinaway ko ang akong kamay sa harap niya. Nag-jumping jacks pa ako pero hindi niya talaga ako pinansin, "I exist! Hoy!"

"Nash naman eh!" Lalong sumakit ang pakiramdam ko nang sinubukan ko siyang hawakan pero kagaya kina Lily ay tumagos lang ang hawak ko.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at umiyak doon. Hindi ko kaya. Shit naman. Akala ko ba ako lang? Bakit magpapakasal siya ngayon sa ibang babae?

The Average QueenWhere stories live. Discover now