Chapter 3: Wedding

15K 594 432
                                    

"Rich kids talaga mga Constantine eh." Bulong ko kay Naruto habang manghang-manghang nakatingin sa mansyon ng mga Constantine sa France.

Sabado na ngayon dito at kararating lang namin ni Naruto. Bukas ang kasal nina Breanna at Ryker. Gaganapin daw ang kasal sa groundfloor ng Eiffel tower.

"Paniguradong ang laki ng nagastos nila." Dagdag ko pa.

"Ubos pera talaga pag nagpapakasal." Sambit naman ni Naruto. Nakabackpack lang kami pareho dahil uuwi din naman kami sa Lunes.

"Tita Dakota! Tito Naruto!" Agad na napukaw ng pansin ko ang batang lalaking kumakaway sa direksyon namin. Mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng pamangkin ko, "Cryd!"

Imbis na yumakap ay hinalikan ako nito sa pisngi, "Welcome to Paris."

Ang gagong si Naruto naman ay humalik rin sa pisngi ko, "Welcome to Paris."

Sinimangutan ko siya at pinalo sa ulo, "Eew. Tyansing kang ugok ka!"

Humalakhak siya saka ako inakbayan. Itinuro sa'min ni Cryd ang kinaroroonan ngayon ng mga kapatid ko.

"Tito Ryker's not here, by the way. He must not see his bride 'til the wedding. They say it's some kind of a tradition." Paliwanag ng pamangkin ko. Feeling ko'y nagbibinata na ito agad. Sa pagkakaalam ko'y magwawalong taon palang 'to.

"Breanna!" Masiglang sigaw ni Naruto nang mamataan si Bri. Nanlalaki ang matang tumingin sa amin ang kapagid ko, "Holy smurfs! Narutooo!"

Slow motion silang tumakbo patungo sa isa't isa, "Breaannnaaaaaa!"

"Narutoooo!"

Parang mga tanga lang, "Kinginaaaaa niyooo!" Mabagal ko ding sigaw.

Humalakhak ako at tinulak si Naruto dahil sobrang bagal niya. Ayun, nadapa.

"Ohmygods! Ayos ka lang?" Lumapit sa kanya si Bri. Ako nama'y patuloy lang sa pag-tawa. Ang hinayupak nama'y pinapakita sa akin ang mid fing niya. Hahahaha.

"Can you three shut the fuck up?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Stasia iyon habang hawak hawak ang anak niyang babae. Magdadalawang taong gulang palang ata ito sa May.

"Shatapakap." Magiliw na pag-gaya ng kanyang anak.

"Hey. Bad yon, Adaleah! Wag mong gayahin yung sinabi ni Mommy Stasia!" Breanna reprimanded. Humagikgik ito nang mapagalitan siya ni Stasia.

"Ayos ka lang?" Pag-baling ko kay Naruto. Inilahad ko ang kamay ko para tulungan siya, kung kanina'y mapatay niya na ako sa mga tingin niya, ngayon nama'y todo ang kanyang pag-nguso. Ani mo'y nagtatampo dahil tinulak ko siya.

"Paano kung napilayan ako? Gusto mo ba ng pilay na asawa?" Ngumuso ito at tumayo.

"Gago." Tawa ko saka sinuri ang tuhod niya kung nasugatan ba o may pasa. Buti't wala naman.

"Have you eaten your dinner, Dakota?" Asked Caeleah, nakaakbay sa kanya ang kanyang asawa.

"Hindi pa nga eh. Gutom na gutom na ko!" Si Naruto ang sumagot.

"I'm not asking you, asshat."

Natawa ako sa pambabara ni Caeleah sa kanya. Ngumuso si Naruto at bumulong sa akin, "Magmemenopause na ata yang si Caeleah eh. Sungit."

"Baka buntis." Saad ko naman saka mahinang tumawa.

"I'll ask the kitchen staff to prepare your dinner." Ani Caeleah. Pag-tingin ko sa kanya ay masama ang tingin niya sa kanyang asawa, "Can you please move away, Ryder? Hindi ako makagalaw ng maayos."

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon