Special Chapter

15.4K 559 380
                                    

Special Chapter
The Average Queen

Sometimes the one who drives you crazy is also the one who keeps you sane. And to me, that'd be my bestfriend, my lover, my other half, Dakota.

Naalala ko iyong una naming pagkikita. Limang taong gulang ako noon at kakalipat lang namin sa isang subdivision sa Olongapo.

"Nanay, labas po muna ako. Lilibot lang po." Sabi ko kay Nanay habang busy silang mag-ayos ng bahay.

"Bumalik ka agad ah. Mag-gagabi na."

"Opo! Titignan ko lang po yung playground nila!" Masaya kong sigaw saka tumakbo palabas ng bago aming bahay. Palakad-lakad lang ako sa labas habang hinahanap ang palaruan. Madilim na pero may mga ilaw naman sa poste.

"Kung gusto mong lumigaya sa iyong buhay." Masigla kong kanta. Paborito kasi iyon ni Ate Lets. Nagbreak kasi sila kahapon noong gwapo niyang boyfriend, "Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay."

Nilalaro ko pa ang dala-dala kong yoyo habang papuntang playground. Napahinto ako nang may makita akong batang babae na nagtatago sa likod ng poste malapit sa playground. Nakalugay sa harap niya ang kanyang buhok kaya natatakpan ang kanyang mukha.

Ngumuso ako at pinagmasdan siya. Ano ang trip niya?

Nagtago ako sa likod ng isa ring poste para tignan ang gagawin niya.

"RAWR!" She growled nang may dumaang bata. Natakot naman iyong bata at umiiyak na nagtatakbo palayo.

Humalakhak ang babae at nagtago ulit sa poste. Kumembot kembot pa siya, "Duwag, duwag, duwaaag!"

Natawa ako ng mahina. Tapos ay pinanood siyang manakot ng mga bata. Madalas ay umiiyak ang mga ito tapos susugudin siya ng magulang ng bata pero mukhang wala naman siyang pakialam na mapagalitan.

Natatawa pa nga siya kapag umaalis na ang mga ito. Habang busy siya sa paghihintay ng bago niyang biktima. Ako nama'y abala sa pagpunta sa pwesto niya.

Sinikap kong hindi niya ako mapansin at nang makarating ako sa likod niya, malakas akong sumigaw ng, "RAWR!"

"AHHH!"

"RAWR!"

"AHHH!"

"RAWR! RAWR!"

"AHHH!" Malakas siyang tumili tapos ay tinulak ako, "Epal ka!"

Humagalpak ako ng tawa, "Idol kita eh."

"Alam ko. Ganoon talaga 'pag dyosa, iniidolo." Aniya saka hinipan ang buhok niya.

Natawa ako sa sinabi niya, "Dyosa? Patingin nga!"

Hinawi ko ang kanyang buho para makita ko ang mukha niya. Inaasahan kong maitim siya at pangit pero...

Tinitigan kong mabuti ang mukha niya, "Ang..."

...ganda niya.

"Ganda ko. Thanks." Tapos ay pinagkrus ang kanyang braso, "Bago ka lang dito 'no?"

"Oo."

"Ano pangalan mo?"

"Gwapo." Ngumisi ako.

She snorted, "Gwapo ka na ng lagay na 'yan?"

"Ikaw? Maganda ka na ng lagay na 'yan?" Asar ko, "Ang pangit mo. Pangit."

"Excuse me! Mas pangit ka!" Binalik niya ang buhok niya sa harap ng kanyang mukha, "Gabi na! Umuwi ka na! May trabaho pa ko!"

"May trabaho din ako." Sabi ko, "Katulong mo na ako, simula ngayon."

The Average QueenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz