Chapter 10: Maniwala ka

10.7K 493 229
                                    

"Tara na dito sa harap, Dakota."

Sinamaan ko ng tingin si Naruto. Kabababa lang ni Hinata ng sasakyan. Sa front seat siya nakaupo kanina, at nainis ako dahil doon. Iyon ang pwesto ko palagi eh! Tapos napunta ako sa backseat.

And worst, si Naruto pa ang nag-suggest na doon si Hinata uupo. Sinakto niya pa noong paupo na ko! Tsaka, kotse ko kaya ito! Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing 'to. Swear!

"Dakota." Natatawa niyang tawag. Nilingon niya na ako, "Lukot na lukot ang mukha mo."

"Panget ko no?" Inismiran ko siya.

"Hindi. Maganda ka pa rin." Sumipol siya at ngumisi, "Tara na. Dito ka na umupo sa tabi ko."

"Dito ang pwesto ko, diba? Si Hinata diyan."

"Wala na siya, oh."

"Pero diyan na ang pwesto niya. Dito na ako sa back seat!" Suminghap ako. Dapat talaga ay sumama na ako kay Tommy mag-dinner. Bakit ba kasi naisip ko pang magagalit si Naruto pag sumama ako kay Tommy ngayong gabi? Eh may Hinata naman na pala siyang kasama! Kainis.

"Wag na magselos, bebe ko. Dito ka na ulit." Humalakhak siya at pinitik ang noo ko.

"Wala kang kwentang kaibigan, alam mo yun?" Matalim ang tingin ko sa kanya. Inis na inis talaga ko! Ugh. Nais ko pa naman sanang kausapin siya ng matino tapos ganito? Ganito niya ko tatratuhin?!!

"Dapat talaga sumama na ko kay Tommy!" I said absent-mindedly. Mas lalong lumaki ang ngisi niya, "He asked you out tonight and you turned him down because you love me so much."

That's not even a question. Naconclude na agad niya. At tama ang conclusion niya!

"Eh kasi alam kong magagalit ka! Tapos may kasama ka naman pala!" Bulyaw ko, "Tapos siya pa ang tinext mo!"

Nainis ako lalo nang tumawa siya ng malakas. Naeenjoy niya nanaman na naiinis ako! Bwisit.

"Nalaman ko kasi kaninang lunch na nagcocommute lang siya palagi. Delikado na pag gabi kaya sabi ko, sumabay na siya sa atin."

"Fine then. Siya nalang ang ihatid-sundo mo dahil kaya ko namang mag-commute. Mas mabuti yon kesa maging third wheel!"

"And you think I'll let you?" Tumikwas ang kilay niya pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya.

Kating-kati akong suntukin yung labi niya nang hindi na siya makangiti. Tss.

"Mag-drive ka na nga!"

"Dito ka na sa tabi ko, Dakota. Wag na matigas ang ulo." He cooed. Para naman akong bata kung pag-sabihan niya. Grabe!

"Hindi ako tatabi sa'yo."

"Ako nalang tatabi sa'yo."

Nagulat ako nang lumabas siya ng sasakyan. Nang pumasok siyang muli ay dito na siya sa tabi ko pumwesto, "Better?"

"Baliw ka ba? Sino magdadrive?"

"Yung multo."

"Nyenye."

Tumawa siya at inakbayan ako, "Ayaw mong kasabay natin si Hinata?"

"Hindi naman sa ayaw. Nakakainis lang talaga kasi..." Tumigil ako. Para kasing ang childish ng rason ko. Ano naman ngayon kung sa shotgun seat umupo si Hinata? Normal lang yun sa nagliligawan.

"Nevermind." Bulong ko. Masyado naman akong affected. Nakakainis, "Balik na don. Sorry, para akong bata."

"Hindi ko naman sinabing araw-araw ko siyang ihahatid pauwi sa kanila." Sambit niya, "Tsaka, mukhang ayaw mo kaya hindi mauulit. Promise."

The Average QueenWhere stories live. Discover now