Chapter 17: Feelings

11K 483 242
                                    

Malayo palang ay nakita ko na ang ngiti ni Naruto habang inaabangan ako pero agad din itong nawala nang makita siguro ang mukha ko.

Masyado bang obvious na problemadong-problemado ako ngayon?

"Something wrong?" Tanong niya agad. Iniwas ko ang tingin ko, "Wala. Maya na."

Mabilis akong pumasok sa loob. Sumulyap siya sa akin ng may kunot na noo bago dumukwang para ikabit ang seatbelts ko. Sinarado niya ang pinto saka pumasok na rin at umupo sa driver's seat, "You want to go somewhere else?"

"Uwi na tayo." Medyo paos kong sambit saka tumingin sa labas ng bintana. Pinaandar niya ang kotse ng walang imik. Imbes na iuwi ay dinala niya ako sa isang playground. Naalala ko agad iyong una naming pagkikita ni Naruto, sa isang playground din 'yon eh.

Nataranta ako nang matanggal na niya ang aking seatbelt. Lutang siguro talaga ako dahil hindi ko manlang napansin na binuksan niya ang pinto.

Sinuri niya ng mabuti ang mukha ko, "You cried."

Lumabas ako ng kotse at nagdirediretso sa isang swing. Umupo ako doon at dahan-dahan iyong inisway.

Humalukipkip si Naruto sa harap ko. Hinilig niya ang kanyang ulo para pagmasdan akong mabuti. Kinuha niya ang phone niya galing sa kanyang bulsa at may tinawagan.

"Baka hindi na ako makapunta. Jude. Next time nalang. Yes. She's with me." Nakatingin siya sa akin habang kinakausap niya si Jude, kabarkada niya iyon noong HS, "I'll try na makahabol. Gago, alam mo namang siya palagi ang inunu-una ko. Yeah. Bye. Enjoy."

Nang ibaba niya ang phone ay nagsalita na ako, "You don't have to cancel."

Kumunot ang noo niya, "Do you want me to leave you here then?"

Sungit naman.

Umiling nalang ako at tumahimik. Nag-squat siya sa harap ko at sinuri nanaman akong mabuti, "Hey.."

"Hey, you, you, I want to be your girlfriend." Mahina akong natawa sa aking pagkanta. Nagagawa ko pa talagang mag-biro.

"Sure. Why not?" Sarkastiko niyang sabi.

Hinawakan niya ang baba ko at iginaya ako para magtama ang mata namin, "Dakotae, anong problema?"

Nanginig ang binti ko sa sobrang lambing ng kanyang boses. Huminga ako ng malalim at hindi nag-salita. I should tell him what's bothering me. He's my bestfriend, he can help me decide. He can help me understand.

"Talk, please. Tinatakot mo ako eh." Aniya, "Bakit ka umiyak? Anong problema?"

Tinitigan ko siya saglit. Talagang ang ganda ng itim niyang mga mata.

"Come on, Dakota. Speak up. May nangyari ba sa trabaho? Did that jerk do something horrible to you?" Nagtiim bagang siya nang hindi ako sumagot, "Tell me."

"Did he kiss you again? Did he touch you? Where?" Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Para talaga itong ewan minsan.

OA bestfriend alert.

"I'm more than willing to kill him for you, Dakota. What did he do?" He asked desperately. Nasasanay na talaga itong English ng English. Feeling sosyal na.

Bumuga ako ng malalim na hininga bago mag-salita, "Walang kinalaman si Tommy dito, Naruto."

Mas lalong nalukot ang mukha niya, "Edi ano? Anong problema, Dakota? Buntis ka? Kiss palang ang ginaga—"

Binatukan ko siya, "Grabe ka."

Ngumuso siya't nagseryoso ulit. Hinagilap niya ang aking tingin, "Ano nga?"

The Average QueenWhere stories live. Discover now