Chapter 4: Names

14K 520 226
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Humikab pa ako habang patungo sa kinaroroonan ni Naruto na kasalukuyang naghahanda ng almusal.

"Miss ka na daw niya." Malatang biro ni Sierra. Dala-dala na nito ang twalya niya habang papasok sa banyo.

"Ako talaga namimiss niyan." Masiglang sabi naman ni T, short for Thalia. Himala nga't ang agang nagising ng gaga.

"Wag ka nga, Thals. Baka magselos si Dakots niyan." Humalakhak si Naruto. Pumunta ako sa gilid niya upang tignan kung anong niluluto niya.

"Dabest ka talaga." Hinampas ko siya sa braso nang makitang tuyo ang kanyang niluluto.

"Mag-toothbrush ka nga." Tumawa siya saka hinarap ako, "Mag-hilamos ka din. Puro ka muta."

"Pake mo ba? Ikaw lang naman yan." Humikab ako sa harap niya at doon din nagtanggal ng muta.

"Baboy mo. Ew." Pinitik niya ako sa noo at tinuon muli ang pansin sa niluluto.

"Anong oras na ba?" Tanong ko kay T, kumuha ako ng apat na plato para sa aming apat.

"Six thirty." Sagot nito. Malelate nanaman ata ako nito. Patay nanaman ako kay Sir Thomas.

Tinulungan ko si Naruto na ayusin ang hapag kainan habang si Thalia nama'y naligo muna matapos ni Sierra.

Tamad na tamad akong umupo sa aking upuan at hinayaan na lamang si Naruto ang maglagay ng pagkain ko.

Tangina, antok na antok pa talaga ko!

"Kailan ka babalik ng California?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang aking plato na nilalagyan niya ng fried rice.

"Three weeks pa ako dito."

Mga Pinoy talaga oh! Tinatanong ko kung kailan, hindi kung gaano pa siya katagal. Tanga lang.

Binalewala ko nalang iyon, "Wala kang balak magtrabaho?"

"I can do my work here. Humingi ako ng leave of absence kay boss para magbakasyon. Pinayagan naman ako dahil isa akong mahusay na emplayado." Tumawa siya at nilagyan ang plato ko ng tatlong tuyo.

Tumuwid ako ng upo para makakain na. Umupo naman sa tabi ko si Naruto at kumain na rin.

"So, ano balak mong gawin?" Tanong ko habang kumakain.

He shrugged, "The usual. Hahatid kita sa trabaho tapos susunduin din."

"'Yon lang?" Taka kong tanong.

"Hihintayin kitang matapos magtrabaho." Dagdag niya. Ngumuso ako, "I mean, sabi mo magbabakasyon ka, anong klaseng bakasyon yung susunduin at ihahatid mo ako?"

"Bakit? Ayaw mo ba? Doon ako masaya eh." Sumimangot siya at inabot sa akin iyong tinimpla niyang Milo. Nakisalo na rin sa kainan si Sierra.

"Ayain mo sa beach sina Lola Mildred, yung mga pinsan mo, kapatid. O kaya yung mga kabarkada mo." Pagsasuggest ko. Kingina kasi eh, magbabakasyon tapos ang gusto ihatid at sunduin lang ako.

"Aayain ko sila kung sasama ka." Walang-gana nitong sambit.

"Hindi ako papayagan mag-leave ulit."

"Edi hindi rin kami magbibeach." Sus, napakatigas ng ulo nito.

"You should at least do something worthwhile." Sumipol si S nang marinig ang pag-Ingles ko. Boom panes, hahahaha.

Nang matapos kumain ay dumiretso na ko sa banyo para maligo.

"Babaeng babae ka talaga pag nakasuot ng office attire." Halakhak ng mokong nang lumabas ako ng kwarto.

The Average QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ