Chapter 9: Manhid

11.3K 455 221
                                    

Malelate ako! 'Yan agad ang pumasok sa isip ko pagkagising ko kinaumagahan. Sikat na sikat na ang araw at halatang tanghali na ako nagising.

Sobra yung pagod ko kahapon. Isa pa, hindi ako agad nakatulog dahil laging sumasagi sa isip ko iyong sinabi ni Naruto sa Sky Ranch kagabi.

Liligawan niya ako? Imposibleng seryoso siya doon! Joke time lang 'yon panigurado.

Pero hindi eh. Kilala ko si Naruto. Iyong tono ng boses niya kagabi, sobrang seryoso. Tsaka ang sabi niya, sisiguraduhin niya daw na hindi ko iisiping joke lang lahat ng ginagawa niya. Sisiguraduhin niya d—UGH. Tama na, Dakota. Kagabi mo pa iniisip yang kaibigan mo, tigil na tigil tigil.

Bumangon ako sa kama at napatili nang makita si Naruto na nakatayo sa harap ng kama ko, "Anong ginagawa mo dito?"

"Ano ba ginagawa ng manliligaw? Sinusundo ka, syempre. Para ihatid sa trabaho mo." Inirapan niya ako.

"Hindi ako papasok. May sakit ako." Umungos ako at dumapa sa kama. Sasabihin ko nalang na may sakit ako, maiintindihan na ni Tommy 'yon.

Napadilat ako nang maramdaman ang pag-hawak ni Naruto sa noo ko, "Wala kang lagnat. Maligo ka na. Sabi nung epal mong crush kagabi, 10 am daw ang pasok ng lahat ngayon. Alas otso y media palang."

"Lampake. Matutulo—" Napakapit ako agad sa headboard ng kama nang maramdaman ang paghila ni Naruto sa akin mula sa paa ko, "Dakots, kailangan mong matutong gumising ng maaga. Paano nalang pag kinasal na tayo?"

"Hindi tayo ikakasal!" Nakakapit pa din ako sa headboard tapos ay hinila niya ako ng biglaan kaya kalahati ng katawan ko ay wala na sa kama.

Pinadyak ko ang paa ko para hawiin ang hawak niya dito. Saka ako gumapang pabalik sa kama. Kaso bago pa ko makabalik ng husto ay humiga si Naruto sa likod ko, naflat ako sa kama ko.

"Hoy! Alis nga! Ang bigat mo!" I groaned, saka sinubukang kilitiin siya sa baywang. Malakas kiliti niya eh. Kaso nakaflat ako sa kama kaya mahirap makagalaw. Bwisit.

"Hindi ako makahinga." I told him as a matter of fact. Ang bigat niya kaya!

"Maliligo ka na ba pag umalis ako?"

Inis akong sumagot ng, "Oo."

Wala naman akong magagawa eh. Si Naruto ang batas.

"Alis na." Ulit ko pero di pa rin siya natinag. Nakakainis to! Ang aga-aga binubwisit ako! Hindi na nga ako pinatulog kagabi, mambubulabog pa ng morning.

"May tanong ako." His voice grew quiet. Tumahimik ako at hinintay ang tanong niya. Kaso ilang segundo na ang lumipas pero hindi naman siya nagsalita.

"Hoy, Nautot. Ano yung tanong mo?" Inis kong tanong. Ang bigat-bigat niya kaya! Ugh.

"Bakit?"

"Bakit ano?"

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago magsalitang muli, "Bakit ang gwapo ko?"

Suminghap ako at gumulong ng malakas para ako naman ang nakahiga sa likod niya. Narinig ko ang tawa niya bago biglaang bumangon kaya tumalsik ako paalis ng kama, "Lakas mo manira ng umaga!"

Humarap siya sa akin at ngumisi, "Kumain ka muna ng breakfast, sabay sabay na tayo nina Sierra."

Mumurahin ko pa sana siya pero umakbay na siya sa akin at kinaladkad ako pababa sa dining area.

"Ano nanaman bang mukha 'yan, D?" Tanong ni S bago humagikgik. Nakaupo na siya sa pwesto niya at nagsisimula na ring kumain. Nasa tabi niya si Thalia na nakangisi sa gawi namin.

The Average QueenWhere stories live. Discover now