Chapter 20: Quarrel

9.6K 459 258
                                    

Plane crash.

Charot lang. Sorry sa mga nagoyo ko sa last update. Hahahaha.

Double update yay :))

"Bakit kayo magkasama sa picture?" Bungad sa akin ni Naruto nang sagutin ko ang tawag niya sa kalagitnaan ng gabi.

Matapos ang birthday niya, bumalik ulit sa dati ang lahat. Gigising ako ng maaga para makapag-usap kami ni Naruto then I'll go to work tapos sa gabi mag-uusap ulit kami. It's our daily routine for months.

Sa bawat dumadaang araw ay mas lalo ko siyang namimiss. But I can't do anything about it, kailangan niyang magtrabaho doon.

Bumuntong hininga ako, mukhang pag-aawayan nanaman namin si Helios, "Sinabi ko na sa'yo, Naruto. Magkasama kami sa isang project sa company. Naging successful iyon kaya nagpicture kami."

Tumaas ang kanyang kilay, "Kailangan bang nakaakbay siya sa'yo?"

"We're friends. It's normal."

"He's your ex-crush, Dakota!" Ayan na, nahahighblood nanaman po siya.

"High school pa ako noon." Sabi ko.

Si Helios ang pumalit kay Hinata noong umalis ito. Namukhaan ko agad siya dahil niligawan niya ako dati at crush na crush ko siya noon. Siya iyong sinasabi ni Naruto na humalik sa knuckles ko noong 2nd year HS kami. Hindi naman kami nag-uusap dahil nga nag-iinit ang ulo ni Naruto pero nang mag-sama kami sa isang project ay wala na akong magagawa.

"May gusto parin siya sa'yo!" Giit niya na ikinasinghap ko. Linggo linggo naming pinag-aawayan si Helios.

Selos kasi ng selos itong si Naruto. Parang tanga. Napaparanoid eh sinabi ko naman na na sa kanya lang ako.

"Tumigil ka nga." Suway ko sa pagiging childish niya, "How's your day?"

"Masaya ako noong una tapos nakita ko ang post mo sa FB." Umirap siya't umismid, "And seriously, what's with the caption? Together we're successful? Seriously, Dakota? Gusto mo ba akong mamatay sa inis?"

Tumawa ako. Fine, sinadya ko talagang ganoon ang caption para mainis siya. It was fun seeing him frustrated sometimes.

"At may heart heart pa!" Parang bata niyang sabi, "Idelete mo nga 'yon!"

Humagalpak na talaga ako ng tawa. Mukha na kasi talaga siyang batang inagawan ng candy. Para siyang stressed na stressed dahil lang sa picture na 'yon.

"Dakota, mauna na kaming umuwi. Hahatid ka ni Helios?" Sigaw ni Lily mula sa likod.

Naningkit lalo ang mata ni Naruto sa screen, "Hinatid ka niya?"

Oops.

"Kahapon lang. May sira kay Bessie kaya pinatingin ko sa talyer. Tapos ay nag-offer si Helios na ihatid ako. Since we're friends, sumang-ayon ako saka gabi na noon." Paliwanag ko. Nag-usap kami kagabi ni Naruto pero hindi ko 'yon nabanggit.

"Helios! Sasabay ba sa'yo si Dakota?" Dinig kong sigaw muli ni Lily. Hindi ko alam kung alam niyang kausap ko ngayon si Naruto at nang-aasar lamang siya.

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon