Bonus Chapter

16.4K 461 354
                                    

Bonus Chapter
The Average Queen

" t h e  w e d d i n g "

"Mababaliw ata ako." Bulong ko sa sarili ko habang palinga-linga sa mga tao sa paligid.

Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa din si Dakota. Nag-aalala na ako dahil baka mamaya, magbago pa isip niya tapos indianin niya ako sa kasal namin.

Dapat talaga sabay kaming nag-punta eh! Kingines kasi, kagabi pinaghiwalay kami. Hindi ko daw siya pwede makita bago ang kasal, kahit video call bawal!

Ayaw na ayaw ko pa naman na hindi siya nakikita. Siya lang naman ang dahilan kung bakit bumabangon ako araw-araw eh. Gusto ko lagi akong nasa tabi niya. Gusto ko kasama ko siya palagi. Gusto ko hindi siya nahihiwalay sa'kin. Oo na, lintik, clingy na kung clingy, ayoko lang talaga na nawawala siya sa paningin ko.

"Nagbago na ata isip ni Dakota, dude. Sa'kin na ata siya magpapakasal." Natatawang sabi ni Jude. Siya napili kong bestman. Nakasuot siya ng costume ni Sasuke tapos ako naman, syempre, sino pa ba icocosplay ko? Edi si Naruto.

Dakota wants our wedding to be unique and memorable. Kung pwede nga lang na sa pluto kami magpakasal, why not? Kahit anong gusto niya, kung saan siya masaya, doon ako.

So, napagdesisyonan namin na gawing cosplay wedding ang mangyayari ngayon. Lahat ng bisita namin, nakasuot ng mga costume na gusto nila. Basta dapat walang magkakamukha.

"Nasaan na ba sila?" Pinagpapawisan ako sa suot kong bandana. Nagpakulay din ako ng buhok na parang kay Naruto at nilagyan din ng kaunting make-up ang mukha para maging kamukha ko talaga siya.

"Andito na! Andito na!" Sigaw ni Yen, ang wedding organizer namin. Hindi ako masyadong naglalalapit diyan dahil nagseselos si Dakotae. Lalo na dahil maganda si Yen. Selosa talaga 'yon eh, in-denial pa palagi. Sinabi ko na nga sa kanyang, siya pinakamaganda eh, magtatampo pa din.

Ganon talaga siya eh. Mamanhid manhid pa dati pero selos naman ng selos.

But I'm thankful dahil over tapos na siya sa kamanhiran stage niya. Nakakabaliw ang kamanhidan ni Dakota dati eh.

Ang hirap kaya non, iyong tipong todo effort ka na iparamdam ang pagmamahal mo sa kanya tapos 'di niya makita-kita dahil kingines akala niya pang-bestfriend lang iyong mga breezy moves mo.

Inayos ko ang suot kong bandana at pinunasan ang pawis ko, "Tangina."

"Any last thoughts? Pwede kang mag-back out tapos ako ang magpapakasal kay Dakota." Sinamaan ko lamang ng tingin si Jude. Kanina pa 'tong ugok na 'to eh. Epal. Dapat 'di 'to invited eh, patay na patay pa naman 'to kay Dakota noong elementary kami.

Kumalabog ang dibdib ko nang mag-sitayuan ang mga tao. Sa dulo ng kulay asul na carpet ay ang pinakamagandang babae sa buhay ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tangina, hoy, wala pang wedding vows, naiiyak ka na! Umayos ka, Nashiel, 'wag kang bading.

Nagsimulang tumugtog ang napili naming theme song ni Dakota. Ang tagal naming pinag-isipan ito.

"May tatlong bibe akong nakita..." Madrama pa ang pagkakakanta ni Breanna na nakasuot ng costume ni Elsa.

The Average QueenWhere stories live. Discover now