Chapter 6: Bikini

12.6K 538 154
                                    

"Wooh, sexy legs." Sumipol si Naruto at bumulong niyan nang dumating si Hinata sa meeting place. Naka-shorts kasi ito at t-shirt na maroon.

Hindi na ako nagulat na nag-shorts siya. Kahit naman prim and proper siya, hindi 'yan manang. May sense pa din sa fashion.

Humigop ako sa hot chocolate bago kumaway kay Hinata, "Dito ka muna, Hinata!"

Ngumiti ito sa gawi namin at kumaway at naglakad papalapit.

Naruto managed to befriend her. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan itong si Naruto kaya mabilis naging kumportable si Hinata sa kanya. Tsaka ang fc kaya nitong lalaking to.

"Magandang umaga." Mahinhin nitong bati saka nilapag ang kanyang gamit sa mesa. Narito na ang bus na aming sasakyan pero hindi pa kami pumapasok dahil wala pa yung secretary ni Sir Thomas. Iyon kasi ang kausap noong mga driver. Bali tatlong bus kasi lahat.

"Upo ka dito." Inoffer ni Naruto ang bakanteng pwesto sa tabi niya.

"Hindi na. Ayos na akong nakatayo."

"Hindi, mapapagod ka sa kakatayo. Upo ka na."

"Sige na nga." Ngumiti ito at sumunod sa sinabi ni Naruto.

Mabuti nalang at dumating na rin si Lily at Bridgette. Hindi ako magiging third wheel sa NaruHina loveteam.

Pasimple pa kaming lumayo sa dalawa para bigyan sila ng privacy sa kanilang pinag-uusapan na patungkol lamang sa isang librong pareho nilang nabasa.

"Naku, Dakota, talagang pinopormahan niyang bestfriend mo si Hilary." Lily said, saka kumagat sa binili niyang Skyflakes.

"Hayaan mo siya nang umasenso ang lovelife." Tumawa ako at uminom muli sa hot choco.

Ilang saglit lang ang hinintay namin bago dumating si  Tommy at ang kanyang sekretarya. They both talked to the drivers bago kami pinapunta lahat at pinapila doon.

Sumama na si Hinata kina Lily habang ako nama'y kasama si Naruto, "Kanino ka tatabi? Sa akin o kay Hinata?"

Ngumisi siya sa tanong ko at nagkunwaring nag-iisip pa. Pinalo ko siya sa braso, "Syempre kay—"

"Sa'yo. Duh." He laughed saka ako pinaharap para di matalisod sa paglalakad.

Hindi na ako nakipagtalo dahil nauna na rin naman sina Hinata, katabi si Lily. Sa kabilang side naman kami naupo. Ako ang nanguna sa tabi ng bintana.

"Ilang oras ba ang byahe?" Sumulyap ako kay Lily.

"Three hours ata." She shrugged.

Two days and one night ang summer tour. Ngayong araw ay sa Poracay lang kami, doon na din mag-oovernight. Tapos ay didiretso sa Sandbox kinaumagahan. Pagdating ng hapon ay sa Sky Ranch na tapos uuwi.

"Sabi ko kay Hinata, ang sexy niya." Kwento ni Naruto bago natawa, "You should see her face. Priceless."

"Dapat ay nag-shorts din ako eh. Lahat sila nakaganon. Ako lang ang mukhang conservative!" Reklamo ko naman. Earlier this morning, Naruto and I had a row. Pinagtalunan namin ng husto ang mga shorts at damit na balak kong suotin. Ayon tuloy, namili pa ako ng ibang damit imbis na nakaayos na lahat.

"Tokongs are better than shorts. Hindi masyadong revealing." Saad niya.

"Ano naman kasi kung revealing masyado? Wala naman akong boyfriend."

"Pero may bestfriend kang protective at napakagwapo." He said grinning.

"Ayos na yung protective. Bakit dinagdagan mo pa ng 'napakagwapo'?" I huffed, tumawa naman siya.

The Average QueenWhere stories live. Discover now