Chapter 14: Dinner

10.5K 471 124
                                    

"Anong meron kay Hinata?" Tanong ko kay Lily, "Kanina niya pa kasi ako hindi pinapansin. Tuwing nagkakatama ang tingin namin ay namumutla siya at nag-iiwas ng tingin."

Nagkibit ito ng balikat, "Feeling mo lang 'yan, Dakota. Palagi namang ganoon si Hinata eh."

Hindi rin. Feeling ko may nagawa siyang mali tapos guilty siya kaya hindi siya makatingin sa akin. May kinalaman kaya kay Naruto iyon? O kay Tommy?

"Kumusta yung outing niyo kasama ang pamilya ni Naruto? Ang cute-cute noong profile pic. mo." Sabi niya saka binuksan ang kanyang phone at pinakita sa akin ang picture.

Nagpalit kasi ako ng prof. pic kagabi, pinalitan ko noong picture namin ni Asher at Naruto doon sa Minion World. Ang dami nga agad nag-like at nag-comment eh. Tapos iyong iba akala anak na namin si Asher.

Sabi ko nga kay Naruto, palitan din iyong prof. pic niya. Ang gago naman ay nagpalit nga pero picture ko habang natutulog sa cottage ang ipinalit niya.

"Masaya kahit na tinutukso nila kaming magpakasal na." Naalala ko nanaman ang kahihiyang 'yon. Grabe. Si Lola Mildred kasi eh!

"Hi, Sir Thomas, good afternoon!" Bati ni Lily nang sumakay sa elevator kung saan naroon rin si Tommy.

Ngumiti siya sa amin at bumati rin. Mayroong nakadikit na band-aid sa ilong niya at malapit sa kanyang mata. Dumikit siya sa akin, "Sorry about the night at TCB."

"Dapat nga ako ang humingi ng paumanhin. Nasugatan tuloy ang gwapo mong mukha." Totoo namang gwapo siya.

He chuckled, "Nah. This is nothing."

"Naku, Sir! Pasensya na talaga kay Naruto! Masyadong wild iyon eh lalo na pagdating dito kay Dakota." Singit ni Lily.

"Yeah, I figured. Medyo kinakabahan na nga akong dumikit kay Darah. Baka may biglang sumulpot nanaman na kamao sa harap ko." Biro ni Tommy. Tumawa ako at bahagyang hinampas ang braso niya. Nang makarating kami ni Lily sa aming floor ay nagpaalam na kami kay Tommy.

Everything went normal naman all throughout the day. Busy ako sa pagtatrabaho tapos ay paminsan-minsan, tumatawag si Naruto. Sinabi ko na rin sa kanya na magdidinner kami mamaya ni Tommy.

Ayaw sana niya pero sabi ko bawi ko na iyon sa mga suntok na ibinigay niya kay Tommy. He didn't say anything naman pero hindi na ako magugulat kapag bigla nalang siyang sumulpot mamaya sa dinner namin.

Ang hindi lang talaga normal ngayong araw ay si Hinata. Dumidistansya siya sa amin palagi. I tried approaching her pero sinasabi niyang busy siya tapos ay aalis. I wonder what's her problem...

Pagkalabas ko ng building ay nakita ko ng nakaabang si Tommy. Ngumiti siya nang makita ako. Lumapit ako sa kanya, "Saan tayo magdidinner?"

"My place. Ayos lang sa'yo?" He asked. Hala, shet. Anong inig sabihin niya sa 'my place'? Sa bahay niya?

"Saan 'yon?"

"Rockwell Condominium. It's just near." He examined my face and grinned, "Don't worry, we'll just eat dinner there. I'll cook for you. Nothing else."

Huminga ako ng malalim at tumango. He smiled and opened the door for me. Pumasok naman ako at kinalma ang sarili ko. Kinuha ko ang phone ko to text Naruto kaso nalowbat nanaman ako.

Nakakabanas talaga itong mumurahing phone ko na ito eh! Ang tagal-tagal mafull charge tapos ang bilis bilis malowbat. Asan ang hustisya?

"You want to text your bestfriend?" He asked then lend me his phone. Umiling naman ako, "Ayos lang. Hindi ko rin kabisado ang number ni Naruto eh."

The Average QueenWhere stories live. Discover now