Chapter 11: Bar

10.9K 466 199
                                    

Pangatlong araw na ito ng pag-jajogging namin ni Naruto tuwing madaling araw. Alas singko niya ako binubulabog tapos ay pipilitin na mag-bihis ng pang-jogging.

Sabi ko sa kanya, hindi ko na kailangan iyon pero sobrang mapilit niya talaga. Naiinggit daw siya doon sa matatandang nagjajogging tuwing umaga. May mga partners sila tapos siya daw loner kaya kailangan niya ako.

Pang-unang lap palang namin sa subdivision ay hinihingal na ako. Tawang-tawa tuloy si Naruto, "Tignan mo, ang bilis mong mapagod."

"Ang layo na kaya nung tinakbo natin! Tapos sa'yo, parang wala lang 'yon!"

"Sanay na kasi ako. Masasanay ka din." Tinapik niya ako sa braso at inaya na mag-jog ulit. Nauuna siya sa akin kaya naman hinahabol ko siya.

Palibhasa mahaba ang biyas niya kaya malalaki ang hakbang!

"Slow down kasi!" I shouted from behind, lumingon si Naruto at nag-jog pabalik sa akin. Tumigil siya nang makita atang pawis na pawis na ko.

I glared at him saka hinagis sa mukha niya yung bimpo ko. Tumalikod ako, "Lagay mo sa likod ko 'yan! Ayoko matuyuan ng pawis!"

Tumawa siya at ginawa ang sinabi ko. Medyo nakiliti pa ako mang maramdaman ang pagdikit ng kamay niya sa aking balat. Tinapik-tapik niya ang likod ko pagkatapos.

"Ikaw din." Sabi ko saka inabot ang bimpo niya. Ngumuso siya't tumalikod sa akin. Pinunasan kong mabuti ang likod niya dahil puno na ito ng pawis bago ayusin ang bimpo doon. Tinapik-tapik ko din iyon pagkatapos, "Lakad muna tayo. Kapagod."

Palabas palang ang araw kaya medyo madilim pa. Inakbayan ako ni Naruto, "Sa susunod may kasama na tayong makukulit na bata sa pag-jajog."

"Mga anak natin ganon?" Tumawa ako at kinurot siya sa tagiliran.

"Your words, not mine." Tawa niya saka kami nagsimulang lumakad.

Madami rin kaming kasabay. Mostly mga matatandang couples, o kaya mga players ng basketball. Iyong iba naman maarteng teenagers lang na nagjajog lang para mag-selfie at may maipost sa FB.

"Nakaayos na ang gamit mo?" Tanong niya sa akin. Sa weekend kasi ay mag-siswimming kami sa Amana Waterpark kasama ang pamilya ni Naruto. Dahil parang parte na ako ng pamilya nila ay kasama ako doon syempre.

"Hindi pa. Bukas na."

"Huwag mo na ipilit na magbikini top ulit ah."

"Oo na nga. Pag-aawayan nanaman natin 'yon. Ayokong nag-aaway tayo." Sambit ko.

Matapos ng kaunting pahinga ay nag-jog ulit kami hanggang sumikat ang araw. Pagbalik namin sa apartment ay tulog pa ang dalawa.

"Manood ka nalang diyan. Ako na magluluto." Sabi ko kay Naruto dahil palagi naman siyang nagluluto ng almusal namin. Ako naman ngayon.

"Tayo ng dalawa. Practice na natin 'yon para pag naging mag-asawa tayo. Sanay na tay—" Tinakpan ko ang bibig niya, "Bata pa tayo para mag-asawa."

Pinalis niya ang kamay ko at ngumisi, "Yung mga kapatid mo may sarili ng pamilya. Magkaedad lang kayo."

"Iba naman sila. Iba ako." Sambit ko saka kumuha ng apat na itlog, "Tsaka nahanap na nila yung true love nila kaya ganon. Eh ako—"

"Nahanap mo na rin. Wag kang madrama." He chuckled. Ngumuso ako at kinatok ang itlog sa noo niya. Natawa ako nang mag-crack ito. Nilagay ko iyon sa mangkok.

"Balita ko..."

"Ano?"

"Buntis daw si Breanna."

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon