Chapter 23: I'm Sorry

11.3K 489 528
                                    

Tinakbo ko agad ang room kung saan dinala si Naruto. Kahit pagewang-gewang ang aking mga paa at malabo ang paningin ko ay ginawa ko ang lahat para makarating doon.

Dalawang oras ang naging byahe at sobra ang naging pag-aalala ko.

Hingal na hingal ako pagdating sa kanyang room. Agad ko itong binuksan dahil hindi naman nakalock. Naabutan ko na nandoon si Hinata at ang kanilang anak pero hindi ko muna pinansin ang sakit na idinulot nila sa akin.

Napalitan ang lahat ng sakit ng lubos na pag-aalala.

Si Naruto ang inuna ko. Gulat na gulat itong nakatingin sa akin. May pilay siya sa kanyang kanang braso at may bandage na nakapalibot sa kanyang ulo. Inawang niya ang kanyang bibig para mag-salita pero tinikom din niya ito agad.

Pinalis ko ang mga luha ko at tumuwid ng tayo. Nanginginig ang mga binti ko dahil sa lamig sa labas. Wala akong ibang suot kundi underwear at hoodie na mas mataas ng isang dangkal mula sa aking tuhod. Tapos ay pulang pula pa ang aking paa dahil tinanggal ko ang heels ko kanina.

Paniguradong mukha ring sabog ang mukha ko dahil sa kalat na lipstick at mascara. Pulang-pula ang aking mata dahil sa alak at pag-iyak. At gulong-gulo ang aking buhok.

Oo na, Dakota, mukha kang takas sa mental ngayon.

Sumulyap ako kay Naruto. Mukhang ayos naman siya. Akala ko ba kritikal na? Niloloko ba ako ni Caeleah? Akala ko pa naman ay nasa life and death situation na si Naruto...

Nakahinga ako ng maluwag. Ayos siya. Ayos lang siya. Hindi siya kritikal. Maayos siya. May pilay lang pero buhay siya.

Thank you, Lord. I love you po.

"I thought I'm going to witness a scene from the movies." Halakhak ni Ryder mula sa likod ko, natigil siya agad dahil kinurot ata ni Caeleah.

"So, matapos mong magkadapa-dapa sa pagpunta dito sa room na ito ay tatayo ka lang diyan?" Mataray na tanong ni Caeleah bago bumaling kay Ryder, "Would you please get a first aid kit? Gagamutin ko lang iyong mga gasgas nito."

Napatingin ako sa aking tuhod. Totoo ngang may mga pasa iyon at gasgas. Pati na ang kamay ko.

"Sure, baby." Kumindat si Ryder sa kanya bago umalis.

"Uhm...upo kayo." Mahinang sabi ni Hinata.  Hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya kayang tignan.

Galit ako sa kanya. Sa kanila ni Naruto. Anong klaseng mga kaibigan sila? Napakagaling nilang manloko. Bigyan ng award.

Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa isang monoblock chair. Napapangiwi ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa aking paa.

Gaga ka kasi, Dakota. Alam mo namang nagkalat ang snow sa labas tapos tinakbo mo iyon ng nakaapak!

Ganoon siguro talaga kapag nagmamahal 'no? Nagiging selfless.

Nawawalan ka ng pake sa sarili mo at ang mahalaga lang sa iyo ay iyong taong mahal mo. Dapat ayos siya, dapat ligtas siya. Kahit nasasaktan ka, iisipin mo pa rin ang kapakanan niya. Mas uunahin mo pa din siya kesa sa sarili mo.

Ay, drama.

"You look fine, anime." Ani Caeleah nang makaupo rin ito. Tumingin siya kay Hinata,  "Ikaw ba ang tumawag sa akin? Are you his girlfriend or something? Or maybe his wife?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa tanong ni Caeleah. Ang taray taray ng pagsasalita niya kaya feeling ko ay natatakot na sa kanya si Hinata. Hindi kasi ito nakasagot agad.

Sumulyap akong muli kay Naruto pero nag-iwas din ako agad ng tingin dahil nakatitig siya sa akin.

Tanggalin ko mata mo eh, gago.

The Average QueenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum