Chapter 18: Wait for me

11.6K 532 196
                                    

Turns out, hindi ako makakatulog ngayong gabi. Ang dami kong iniisip. Yung video, yung feelings ko, yung magiging status namin at yung pag-alis niya ng Pilipinas maya-maya. Halos makalimutan ko na nga na aalis siya sa sobrang daming nangyari ngayong araw.

Sobrang wrong timing naman nang pagkakadiscover ko sa aking feelings. Epal.

Alas dos na at mahimbing pa rin ang tulog ni Naruto. Nakahawak siya sa tiyan niya at naghihilik.

"Baboy." Tawa ko. Tumayo ako at nagpusod ng buhok. Hinablot ko ang phone niya at nagselfie habang siya ang nasa background ko. Kitang-kita ang kalakihan ng tiyan niya. Nilakihan ko naman ang butas ng ilong ko at ngumuso.

@kingnaruto: siya ang lider na nagsabi ng oink oink 😂🐷 — dyosa ng ninja

Humagikgik ako at nilapag ang phone niya sa gilid. Makagawa muna ng breakfast para sa kanya bago siya gisingin.

"Nay." Gulat kong bulong nang makita si Nanay Jenny sa kusina.

"Hindi ka ba nakatulog, Dakota? Ang aga pa." Ani ni Nanay na parang nagulat din. Ngumiti ako at tinulungan siya sa ginagawa niya, "Hindi po eh. May iniisip lang."

"Ano naman iyon?" Usisa ni Nanay. Tumawa ako at umiling, "Wala po. Ako na mag-sasaing, nay."

"Sige. Tapos pag-dala mo ng tubig si Naruto at gisingin mo na. Mahirap na at baka malate siya sa flight."

Tumango ako at nag-saing muna bago nagsalin ng tubig sa isang baso at umakyat sa kwarto ni Naruto. Tulog na tulog pa din ang loko.

Nilapag ko ang baso sa side table at gumapang patungo sa kanya, "Naruto, gising na."

Hinawakan ko siya sa balikat at niyugyog. Hindi siya natinag at naghilik pa rin, "Naruto. Baka malate ka sa flight mo. Gising na."

Napanguso ako nang 'di pa rin siya magising. Sabi na nga ba't mahirap siyang gisingin 'pag nakainom eh. Niyugyog ko pa siya ng isang beses, "Nashiel. Gising na."

Nang hindi pa rin siya nagising ay umupo ako sa tiyan niya at tinapik ang pisngi niya, "Hoy. Gising na, Nautot."

Umungos siya at bumaling sa kabila kaya napahiga ako sa kama. Mabuti nalang at malaki-laki ang kama niya, hindi ako pumadausdos sa sahig!

Sumimangot ako at umayos ng upo sa gilid niya, "Naruto! Gising na!" Ang malambing kong boses kanina ay nawala. Bakit ba ang hinhin ng pang-gigising ko sa kanya? Dapat ay malakas!

Lumuhod ako at nilapit ang bibig ko sa tenga niya, "Naruto! Naruto! Naruto! Naruto! Naruto!" Palakas ng palakas ang boses ko hanggang sa nainis siya at mabilis akong pinahiga para daganan, "I'm still sleepy, Dakota."

"Yeah. Pero may flight ka pa so gising na." Inalis ko ang braso niyang nakadagan sa tiyan ko pero binalik niya iyon at hinila ako palapit sa kanya, "Five minutes."

Nang isiksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko ay wala na akong nagawa. Naestatwa ako sa pwesto ko at nagbilang nang hanggang 300.

"Sixty. Sixty-one. Sixty-two. Sixty-three..." Natigil ako nang takpan ni Naruto ang bibig ko gamit ang palad niya, "Be quiet, misis ko."

"Misis ko ka diyan. Ew." Nguso ko.

Tumahimik ako saglit at sa isip na lamang nag-bilang. Nakikiliti ako sa hininga ni Naruto sa leeg ko pero pinilit kong huwag gumalaw.

Nang masiguradong five minutes na ang nakalipas ay ginising ko na talaga siya. Matagal na pilitan pa ang naganap before he groaned and rolled over the bed.

Umayos ako ng upo at inabot sa kanya ang tubig, "Uminom ka muna. Masakit ba ang ulo mo? Kukuha ako ng gamot?"

"Ayos lang. I can manage." Aniya saka sumimsim sa baso, "How's your sleep?"

The Average QueenWhere stories live. Discover now