Chapter 12: Bahala na

10.1K 519 182
                                    

*wink*

Pinigil sila ng mga bouncers dahil nakagugulo na sila sa nagsasayaw. Agad kong nilapitan si Naruto. Wala naman garlos sa kanyang mukha. Mukhang hindi nga siya natamaan. Si Tommy lang talaga ang medyo napuruhan.

"Naruto! Bakit mo ginawa 'yon?!" Medyo inis kong sambit. Aambahan niya pa sana ulit si Tommy pero pinigilan ko siya. Hinila siya ng bouncer palabas ng TCB at ganoon din si Tommy. Nakasunod naman sa amin ang mga kaibigan naming nagulat din sa nangyari. Pinagbubulungan kami ng ibang mga tao sa bar, ang ila'y mukhang namumukhaan pa si Tommy.

"Anong nangyari?" Tanong ni Bridgette. May kasama itong lalaki, iyong kaaway niya kanina.

Si Hinata ay dinaluhan naman si Tommy na mukhang inis din sa ginawa ni Naruto, "What the fuck is your problem, dude?!"

"Tama na, sir." Mahinahong sabi ni Hinata kahit mukhang takot siya kay Tommy.

"No! What the fuck is your problem?" Tanong pabalik ni Naruto, pumamewang ako sa harap niya para pigilan siya. He glared at me but did not say anything.

Nakita kong kinausap ni Lily iyong dalawang bouncer. Humingi-hingi siya ng paumanhin sa nangyari. Gusto ko rin sana siyang tulungan sa pakikipag-usap kaso baka mag-away nanaman ang dalawa.

"Darah, I'll take you home." Tumingin ako kay Tommy. Tinignan din siya ni Hinata.

"Hindi na, Tommy." Sumulyap ako kay Naruto na nag-iwas naman ng tingin sa akin, "Sasama ako kay Naruto."

Alam kong galit ito sa akin kaya kailangan ko pang suyuin. Tsaka baka nasaktan siya kasi nakita niya kaming nagkiss ni Tommy.

Tumaas ang kilay ni Tommy pero hindi na siya nagsalita. He hissed tapos ay naglakad na palayo. Lumapit sa amin si Hinata, "Ako na bahala kay, sir, Dakota. May first aid kit akong dala."

"Ayos lang ba, Hinata?"

"Oo naman. Sisiguraduhin kong makakauwi siya ng maayos. Bawi ko na rin 'to kasi parang lagi akong pabigat sa kanya." Ngumiti siya at tinignan si Naruto bago sinundan si Tommy.

Sina Bridgette naman ay nagtungo sa amin, kasama niya pa din iyong lalaki na nakasimangot rin kanina pa. Nawala na ata ang kalasingan ni Bridge, "Dakota, mauna na ako. Sasabay na ako dito kay Bart."

"Ingat kayo. Salamat ha." Nginitian ko sila. Nag-taxi sila paalis. Tumingala ako para tignan si Naruto, "Hintayin muna natin sina Lily."

"Bakit di ka sumama doon sa lalaking 'yon?" Malamig niyang tanong. Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? Gusto mo sa kanya ako sumama?"

"You kissed him. Baka gusto niyong ipagpatuloy sa kotse niya." Tinalikuran niya ako pero hinila ko siya pabalik, "Mamaya na natin pag-usap 'yong first kiss ko, okay? Hintayin natin sina Lily."

"First kiss? That wasn't your first kiss, Dakota!" He scoffed before rolling his eyes, "Oh, right. You don't remember."

Sinimangutan ko siya, ano nanaman ba ang ibig niyang sabihin doon?

"Hihintayin nalang kita." Sabi niya. Hindi ko na siya pinigilan nang maglakad siyang palayo. Kailangan niya munang kumalma para makapag-usap kami ng matino.

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon