Chapter 21: Merry Christmas

9.9K 459 341
                                    

Halos lahat na ay sinusuyo ako para lang kausapin ko ang walang kwenta kong bestfriend pero talagang matigas ang desisyon ko. Kahit sina Nanay Jenny ay hindi ako nakumbinsi.

Bumingo na siya sa akin. Hindi na nga siya makakauwi ay hindi niya pa masabi kung ano ang totoong rason.

Nakakainis lang dahil araw-araw, palagi siyang nagpapadala ng bulaklak. Iba't ibang klase pa. Glandiolas, tulips, lilies, hydrangeas, etc.

At may boquet pa ng magnolias at gardenias! Dapat pinadalhan nalang niya ako ng Magnolia ice cream at Gardenia loaf bread! At least iyon, makakain ko!

Para naman kasing huhupa ang inis ko sa kanya kapag pinadalhan niya ako ng mga bulaklak! Diretso lang naman din sa basurahan.

"Grabe naman 'yang away niyo, mag-iisang buwan na ah." Ani Lily habang nakahilig sa pader.

"Kasalanan niya. Ayos na sa akin na hindi siya uuwi pero hindi naman niya ako mabigyan ng tamang rason kaya mas lumaki lang ang galit ko." Malamig kong sambit saka namili ng isusuot mamaya para sa Christmas party. Nasa mall kaming apat at ngayon lang namin naisipang bumili ng isusuot kung kailan party na mamaya.

December 21 na. Two days lang ang binigay sa aming off ni Tommy. 24 saka 25. Pero kumuha pa ako ng one week leave para abot hanggang new year.

"Ayos na ito?" Tanong ko at pinakita sa kanila ang kulay pulang backless dress. Hindi naman ito fitted. Mas mataas sa aking tuhod ang haba.

"Maganda." Sang-ayon ni Bridge saka ipinakita naman ang kulay itim na napili niya.

Matapos mamili ay nagsiuwian na muna kami para makapag-ayos. 7 PM ang start ng Christmas party. Nag-linis ako ng katawan at inayos ang aking sarili.

Nag-suot ako ng kulay puting stilettos. Tsaka naglagay ng make-up. Kulay pulang lipstick, light eye shadows. Tapos ay kinulot ko ng bahagya ang aking buhok.

Naruto would kill me if he saw me wearing something daring. Pero kingina niya, galit ako sa kanya kaya wala akong pake. Pabebe na kung pabebe.

Dinampot ko ang aking purse at lumabas ng kwarto. Nakaabang na si Sierra sa labas at mabilis akong kinunan ng litrato. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Napag-utusan lang po." Halakhak niya saka ipinakita sa akin ang chat box kung saan niya sinend ang picture. Umismid ako. Ang epal talaga ni Naruto!

Naglakad ako agad palayo nang makitang tumawag sa kanya si Naruto. Ayoko pa rin siyang kausapin.

"Magpalit ka nga, Dakota!" Naka-loud speaker ang phone ni Sierra. Mabilis akong naglakad palayo, si S nama'y sinusundan ako.

"Masyadong maiksi 'yang dress mo! Tsaka red lipstick? Tanggalin mo 'yan!" Rinig kong sabi ni Naruto. Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa paglalakad.

Bumubungisngis lang si Sierra habang inilalapit sa akin ang phone.

"Dakota..." He gritted frustratedly, "Don't be stubborn."

OA lang kasi talaga siya. Hindi naman masyadong maiksi ang dress! Tsaka bagay naman sa akin ang red lipstick!

Namataan ko ang sasakyan ni Helios sa labas. Kasama niya ang kanyang asawa at gusto niya akong isabay para makausap ko ang asawa niya. Nagseselos din daw kasi ito.

"Whose car is that?" Malamig na tanong ni Naruto.

Sumagot na ako para inisin siya, "Manliligaw ko. Why?"

"Fuck." He cursed, "Dakota naman! Hindi porke hindi ako makakapunta sa pasko, pwede ka ng magpaligaw."

Hinarap ko ang phone at pumamewang, "Bakit? Ano ba kita?"

The Average QueenWhere stories live. Discover now