Chapter 16: Hindi ko alam

10.1K 437 147
                                    

"Bukas na ang alis ni Naruto?" Tanong ni Lily habang nasa elevator kami. Kakatapos lang naming mag-lunch.

Agad na nagbago ang ekspresyon ko. Gusto ko nang umiyak dahil aalis na si Naruto. Palaging ganito ang nararamdaman ko tuwing nagpapart ways kami. Syempre, mamimiss ko siya ng sobra. Pero ngayon, parang sobra ang magiging pagkamiss ko sa kanya. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay mas naging attached ako sa kanya.

"Oo. Madaling araw daw." Malungkot kong sagot kaya natawa si Lily at binatukan ako, "Arte nito. Babalik naman si Naruto sa pasko diba?"

"Kahit na! Mamimiss ko 'yon ng sobra!" Bumuntong-hininga ako at lumabas ng elevator nang marating ang floor namin. Nakasalubong namin si Hinata na nag-iwas ng tingin at hindi kami pinansin.

"Ano ba ang problema non?" Inis na tanong ni Lily. Napansin niya na rin ang pag-iwas ni Hinata sa amin. Nagkibit na lamang ako ng balikat dahil hindi ko rin alam. Kung may problema siya at ayaw niya sabihin edi 'wag.

Nang matapos ang gawain ay napagpasyahan naming magkakaibigan na dumaan sa Starbucks para mag-palamig manlang. Sobrang init kasi ng panahon kahit na sa loob ng building. Naaapektuhan tuloy pati ang mood ni Tommy. Sa aming apat ay ako lang ang hindi niya napagalitan. Sa katunayan ay madalas niya akong papuntahin sa office niya para daw magood vibes siya.

"Anong plano mo, Dakota? Hindi ka manlang magpapadespedida party para kay Naruto?" Tanong ni Bridgette.

"Magbabar iyon mamaya, kasama yung mga kabarkada niya noong high school." Sagot ko naman. Ayaw niya akong isama dahil puro lalaki sila tsaka syempre, nakakahiya naman kung sasama ako baka asarin nanaman nila si Naruto na ang clingy sa akin. Besides, araw-araw na kaming magkasama, time naman niya para mag-enjoy kasama sina Lewis.

"Hindi ka sasama?" Ani Diane. Umiling ako.

Ngumisi si Lily, "Baka naman ikaw na ang mag-eskandalo ngayon kapag may nakita kang kahalikan niyang babae ah!"

Napa-pout ako sa sinabi niya. Hindi ko naman susundan si Naruto sa bar. Tsaka sabi naman niya hindi siya sasayaw sa dancefloor, "Hayaan mo siya. Matanda na 'yon. Alam niya ang maling gawain at ang tama."

"Ano ba ang tama at mali?"

"Maling makipaghalikan siya sa ibang babae. Tama na manatili siya sa table nila at hindi makipagsayaw sa iba."

Sana naman ay maging loyal siya sa akin kahit na nag-iisip-isip pa din ako ngayon. Tsaka he kissed me noon! Panagutan niya iyong halik niya at huwag siyang magpapahalik sa iba.

Napahagikgik ang tatlo sa sagot ko, "Umamin ka nga sa amin, Dakota? Halata namang mahal na mahal mo si Naruto pero gusto kong marinig sa iyo mismo. Ano ba talaga?"

"Hindi ko alam." Nagkibit ako ng balikat, at natawa nang makitang pinaningkitan nila ako ng mata, "Hindi ko talaga alam! Nagninilay-nilay naman ako paminsan-minsan. Iniisip ko kung ano ba talaga. Pero di ko pa talaga alam! Enlighten me."

Nilingon ko si Bridgette, "Paano mo ba nalaman na iba na yung nararamdaman mo sa bestfriend mo, Bridge?"

"Aba! Bakit ako?" Halakhak niya, "Hindi ko rin alam! Basta isang araw, nagising ako na mahal ko na siya. Na hindi ako satisfied na magkaibigan kami. I want more more more."

Mahal ko naman talaga si Naruto bilang kaibigan. Satisfied naman ako na magkaibigan lang kami. Pero nitong mga nakaraang araw, binubulabog niya talaga ang isipan ko.

Noong isang gabi nga ay nanaginip ako na nahuhulog mula sa langit tapos ay nakita ko si Naruto na nag-aabang sa ibaba at naghihintay na mahulog ako ng husto para masalo niya ako.

The Average QueenWhere stories live. Discover now