Chapter 2: Trouble Couple

14.8K 621 116
                                    

Malawak ang aking ngiti nang makita ko si Naruto na nag-aabang sa may tapat ng building namin. Likod palang nito ay alam ko ng siya 'yon.

"Nautot!" Masigla kong tawag. Agad siyang lumingon sa akin, "Dakotae!"

Ang baho ng tawag namin sa isa't isa pero keri lang, mula pagkabata'y ganyan na talaga kami.

Masaya akong tumakbo papalapit sa kanya. Ngumuso siya ng pabiro, nanghihingi ng halik pero yakap ang binigay ko. Gago kasi, asa naman siyang ikikiss ko siya.

"Akala ko bukas pa uwi mo, tangina ka, sinungaling amputa." Natatawa kong sambit saka kumalas sa yakap.

Tumawa siya at umakbay sa akin, "Kahapon pa talaga ako nandito."

"Bakit di mo sinabi?"

"Diba nga, isusurprise kita?" Humalakhak siya saka ako hinila papunta sa nag-aabang na tricycle sa amin.

Sumipol ako nang makita ko si Lewis, kaibigan ito ni Naruto. Maagang nakabuntis kaya di nakapagtapos ng pag-aaral. Ang ending, tricycle driver. Hahaha.

Nasa loob naman ng tricycle ang kanyang asawa na si Gloria. Well, hindi talaga Gloria pangalan niya, Jasmin talaga. Gloria lang tawag ko kasi kamukha niya yung dating presidente ng Pilipinas.

Natawa ako nang makita ang mala-pakwan na tiyan nito, "Gago mo, Lewis, pang-ilan na 'yan?"

"Pang-anim." Si Naruto ang sumagot saka ako tinulak para maunahan ako sa pag-upo sa likuran ng driver.

"Kingina ka! Cheater!" Suminghap ako saka padabog na pumasok sa loob ng side car. Pareho kasi naming gustong sumakay palagi doon para malamig kaso naisahan niya ako ngayon. Next time, hindi na.

"Hi, Glors. Laki niyan." Tawa ko saka hinaplos ang tiyan niya, hinawi niya ito at mahinang tinampal ang balikat ko, "Loka loka."

"Dakotae!" Sigaw ni Naruto nang paandarin na ni Lewis ang tricycle.

"Baket? Switch places tayo?"

"Hindi! Saan mo gusto kumain? Jollibee?" Hindi pa man din ako sumasagot ay nagsalita na siya, "Oo, sige, Jollibee tayo!"

"Tangina naman. Bastusan?!" Sigaw ko pabalik, humalakhak siya saka sinabi kay Lewis na sa Jollibee kami kakain. Ubod talaga ng kuripot nitong lalaking to.

"Musta?" Tanong ni Gloria, bumaling ako sa kanya at ngumisi, "Heto, dinidate ko na ang hot na hot kong boss."

"Sa panaginip niya!" Malakas ang tawa ni Naruto. Ngumuso ako, "Leche!"

Natawa ang mag-asawa. Bumaling sa akin si Gloria, "Single pa din kayo pareho?"

"Ako, oo, single pa. Ewan ko diyan kay Naruto. Daming kafling niyan."

"Madami akong crush pero masyado silang pretty kaya di pwede sa'kin." Tawa ni Naruto mula sa labas.

"Wooh, ang sabihin mo, inlove ka dito kay Dakota." Si Lewis naman ang tumawa. Nakitawa nalang din ako. Palagi naman nilang sinasabi 'yan lalo na pag magkasama kami ni Naruto.

Iisipin nila, may something sa aming dalawa. Eh wala naman. Tapunan kami ng tukso kahit nung kinder palang kami. Sanay na kami at sanay na din sila.

"Masyado namang ugly si Dakots para sa akin." Sambit ni Naruto mula sa labas.

"Utut." Tumawa ako at nakipag-usap kay Gloria. Kahit buntis ito ay maganda pa din, kaya siguro hindi nagsasawa si Lewis anakan ito eh. Hahahaha.

The Average QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon