Chapter 8: Liligawan

13.2K 582 481
                                    

Long chapter ahead.

Sana maenjoy niyo *wink*

"Naruto!" Agad kong sigaw pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ko, "Naruto! Naruto!"

"Shit. Shit. Bakit?" Humahangos siyang pumunta sa gilid ko at dinaluhan ako. Gulo-gulo pa ang buhok nito at mamula-mula ang mata.

"Ang sakit ng ulo ko." Halos maiiyak kong sabi, ramdam na ramdam ko ang parang pag-biyak ng aking ulo. Nasobrahan yata ako sa inom kagabi, "Ang sakit. Sakit."

"Mas masakit walang ulo." Bumuntong hininga siya at inalalayan ako sa pag-upo, pinitik niya ang ilong ko kaya sinimangutan ko siya.

"Akala ko naman kung ano na nangyari sa'yo." He chuckled saka hinawakan ang sentido ko,  "Tara, maghilamos muna tayo tsaka mag-toothbrush. Tapos kumain ka ng breakfast para makainom ng gamot."

"Painom mo na sa akin yung gamot!" Giit ko, "Masakit na talaga."

"Hindi ka pwedeng uminom ng gamot nang walang laman ang tiyan." Saad niya bago ako dahan-dahang binuhat. Kumapit ako sa leeg niya.

Binuhat niya ko patungo sa banyo. Buti nga't lumabas na si Hinata mula doon, ngumiti siya sa amin at binati kami ng good morning.

Ipinasok ako ni Naruto sa banyo at pinaupo sa toilet bowl, "Mag-aayos lang ako tapos isusunod kita."

"Ikaw na maghihilamos sa akin?"

"Oo, baby kita eh." Tawa niya bago lumayo saglit para ayusin ang sarili. Matapos iyon ay  hinila niya ako patayo at hinarap sa salamin.

Kumapit ako sa sink at tinignan ang sarili ko, "Ang panget ko naman, kinginang yan."

"Hindi naman." Tumawa siya at pinatulo ang tubig, "Pumikit ka."

Pinikit ko naman ang mata ko at hinayaan siyang linisin ang mukha ko. Tapos ay siya na din ang nag-toothbrush sa akin. Mukha nga kaming tanga eh. Ginamit niya iyong asul na twalyang binili ko para sa kanya noon.

"Lalabas ako. Umihi ka muna."

"'Di ako naiihi." Sambit ko pero umiling siya't lumabas ng banyo. Sumunod na lamang ako sa kanya dahil 'di talaga ko naiihi.

"Masakit pa?"

"Sobra." Hinawakan ko ang noo ko, "Dalhan mo nalang ako ng almusal dito. Baka di ko kayanin lumabas."

Tumango siya at pinahiga ako sa kama. Nakabangon na siguro si Margaux dahil pag-gising ko'y wala na siya sa tabi ko. O baka hindi siya tumabi sa akin. Wala akong maalala.

"Sama na pala ko sa'yo." Bumangon ako muli pero pinitik niya ako sa noo kaya napahiga ulit ako.

"Wait for me here." Iyon lang ang sinabi niya bago lumabas ng pinto. Hindi manlang nagpalit ng damit yon, nakapantulog pa siya eh.

"Aga mo nagising." Humikab si Lily, baka umungos, "Shet, hangover."

"Same. Same. Napadami ata inom ko kagabi." I wonder if I did something stupid last night. Nawawalan talaga ako ng control pag lasing na!

"Iba ka pala pag nalalasing no?" Biglang ngumisi si Lily.

"Wala akong maalala, Lily. May ginawa ba kong di kanais-nais kagabi?" Ngumuso ako bago hinilot ang sides ng noo ko.

Di nagtagal ay dumating na si Naruto. May dala-dala siyang mangkok na may lugaw tapos isang bottled water at saging.

"Wala naman." Ani Lily, "Umamin ka lang naman sa'min na may gusto ka kay Naruto noong high school."

The Average QueenWhere stories live. Discover now