Chapter 1: Balikbayan

21.5K 638 177
                                    

Inis kong kinuha ang phone ko na nasa ilalim ng aking unan, ang aga-aga, tunog ito ng tunog! Paulit-ulit! Parang sirang plaka! Parang bunganga nung hinayupak, nakakarindi.

Pinindot ko yung snooze saka ibinato sa kabilang side nung kama yung phone ko, kaso hindi pa man din ako nakakakabalik sa panaginip ko, tumunog nanaman ang punyetang phone.

Inis na inis akong bumangon at tinignan kung anong oras na, "Alas seis palang pala! Ang lakas mong mambulabog!"

Tuwing umaga nalang, nabibeast mode ako sa bwisit na alarm na to! May sira ata kasi itong phone ko kaya kahit hindi ko iset yung alarm, kusa siyang tutunog!

Palibhasa, pipitsugin lang to eh. Pag talaga ako nagkapera, bibili ako ng iPhone o Samsung o kahit anong mamahaling cellphone!

Pwede naman akong humingi ng pambili kay Mommy kaso sapat na yung mga kotseng binibili niya sa akin.

Dahil hindi na din naman ako makakatulog ay tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Isa lang kasi ang banyo dito sa buong apartment, tatlo kaming nangungupahan dito.

Si S, si T, at si D (ako yon).

Mukhang tulog pa ang dalawa kaya nagdiretso na ako sa banyo. Nang makaramdam ako nang pangangati sa pwetan ko ay kinamot ko iyon. Wala namang makakakita, di ko kailangang mahiya.

"Ang baho ah!" Nilayo ko sa ilong ko ang aking kamay. Kailangan ko na ata talagang maligo.

Mga two minutes and 32 seconds lang ako sa loob ng banyo kasi di ko kineri yung lamig ng tubig! Kung pwede lang na di ako maligo, ginawa ko na eh. Kaso may pasok pa ko sa trabaho, at ayoko namang mangamoy malansa pag dumaan sa harap ko yung gwapo naming boss.

Kingina, crush ko talaga yun eh! Uber sa gwapo! Asul pa ang kanyang mga mata! Hay, grabe talaga. Kung pwede lang na ako na ang manligaw sa kanya, ura-urada, gagawin ko!

Handang-handa na ako sa pag-pasok nang magbukas ng pintuan ng kwarto niya si S, short for Sierra. May muta pa siya nang makita ako, humikab muna siya bago kumaway at magsalita. Mabuti nalang at malayo ako sa kanya kaya di ko maaamoy ang paniguradong mabaho niyang hininga.

"Anong sabi mo ulit?" Tanong ko dahil hindi ko narinig yun sinabi niya. Inirapan naman niya ako bago ulitin ang sinabi niya kanina, "May magbabalik sa iyong buhay...abangan."

"Weh?" Di makapaniwalang tanong ko, gets ko agad ang sinabi niya, "Kailan daw?"

"Bukas dating niya dito." Humikab siyang muli saka humikab at nagdirediretso sa banyo. Bumusangot ang mukha ko dahil doon sa balita, kaya naman pumunta ko sa kwarto ni S para hiramin yung iPad niyang peke.

Magdadalawa't kalahating taon na siya sa ibang bansa, simula kasi noong pagkagraduate namin 2 years ago, doon na siya dumiretso para magtrabaho. Maloko man ang mokong, ubod naman ng talino kaya ayun, tanggap sa isang high-profiled company sa Cali! Paminsan-minsan lang siya dumalaw dito sa Pinas. Huling pagkikita namin noong kasal pa ni Stasia last year.

Mabilis kong pinindot ang video call para sa walang kwentang lalaking ito. Kunot na kunot ang noo ko habang hinihintay na sagutin iyon. Mabuti nalang at sinagot niya agad!

"Sierra! Natutulog pa— DAKOTAE!" Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Naruto sa screen.

"NAUTOT! Gago ka! Uuwi ka pala dito, hindi ka manlang nagsasabi!" Sinimangutan ko siya agad, mas nauna pang malaman ni S na uuwi siya! Sasakalin ko talaga tong si Naruto pag nagkita kami ulit, naku!

The Average QueenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora